Pang labing-pito.

102 3 12
                                    

Ika labing-pitong Kabanata

Gitara




"L-lizie?" Narinig ko ang pagtawag ni Off sa akin ngunit hindi ako lumingon. Ano ba kasing ginagawa niya rito? Panira naman 'to ng moment, eh! Dapat mag-isa lang ako rito na dinadalaw si Kael at kinakausap pero dumating siya. Ngunit bakit nga ba ako nagtatago? Wala naman akong dapat itago.

Kinalma ko ang sarili ko sa pamamagitan ng breathing exercises, tulad ng palagi kong ginagawa. Pumikit muna ako at lumingon ulit doon at nagulat na naman ako nang tumapat sa akin iyong mukha niya! Muntik pa naman akong mahulog.

"Bitawan mo 'ko." Mariin kong sabi nang mapadpad ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko, pinipigilan akong mahulog.

"Umayos ka kasi ng tayo." Sabi niya kaya ginawa ko iyon at pinagpag ang suot ko. Agad niya naman akong binitawan.

"Bakit ka ba nandito?" Tanong ko at umupo ulit, nakatitig na ngayon sa lapida ni Kael.

Nakita ko naman ang pagbuntong-hininga niya at ang pag-aayos niya sa suot niya bago umupo. Nilapag niya ang bulaklak doon sa tabi ng tatlong garapon na nilagay ko roon. Tumabi siya sa'kin kaya lumayo ako ng kaunti.

"Ito 'yung gusto kong sabihin sa'yo noon pa, pero palaging napuputol..." Panimula niya. Nakita ko ang pagtingin niya sa akin pero nanatili ang titig ko roon sa lapida.

"Ang alin?" Tanong ko sa kanya. Narinig ko ang pag-singhap niya at pagbuntong-hininga.

"Si Kael... pinsan ko. Kaibigan ko." Sabi niya kaya napalingon ako sa kanya.

"A-ano? Seryoso ka ba? Bakit hindi ka man lang niya nabanggit sa'kin?" Dere-deretsong tanong ko.

"Sinabi kong 'wag na, e." Sagot niya. Tumingin ako muli sa lapida, kunot ang noo. Hindi ko maintindihan. Dapat nga wala akong pakeelam sa sinasabi nitong si Off ngayon dahil wala namang magbabago sa buhay ko sa mga sinasabi niyang iyon. Pero may bagay na nagpapakuryoso sa akin. May hindi ba sinabi sa akin si Kael? Hindi ko naman siya masisisi. Hindi niya naman kailangang sabihin sa akin ang buong kwento niya. Pero bakit hindi niya man lang sinabi na may pinsan siyang kabatch ko, at kaklase ko pa?

"Bakit naman?" Ako ulit.

"Ayoko munang sabihin, Andromeda." Nanlaki ang mata ko at napalingon ulit ako sa kanya. Paano niya nalaman iyon?

"Paano mo nalaman 'yang third name ko?!" Sigaw ko sa kanya. Mapungay lang ang nga mata niya at seryoso ang tingin niya sa akin.

"Kaklase kita grade 7 pa lang. Hindi nga lang ako nagpaparamdam sa'yo, ngayong grade 10 lang. Tingin mo hindi ko iyon malalaman?" Sabi niya. Napaawang ang bibig ko roon. Kaklase ko siya simula grade 7 pero hindi ko man lang napansin? Seryoso ka ba, Maxzille?

"Ngunit paano..."

"Shh.. 'Wag ka na magtanong. Pumunta ako ng maaga rito dahil magchecheck-in din kami roon sa hotel. Hindi na nag-abalang pumunta ang pamilya ko kaya ako na lang ang narito. Hindi ko naman inaasahang nandito ka pala. Gusto ko lang sanang makausap si Kael." Sabi niya nang hindi ako tinitignan. Napatango naman ako at napatingin ulit sa lapida.

"Paano mo siya naging pinsan?" Tanong ko, tulala.

"Concepcion middle name ni Mama noong dalaga pa siya." Simple niya lang sabi. Hindi pala sila first cousins, huh.

Tinignan ko uli ang relo ko at nakitang isang oras na ako naroon. Suminghap ako at napag-isipang umuwi na. Hinalikan ko ang kamay ko at inilagay ang iyon sa lapida ni Kael. "Happy death anniversary, Dipper. I love you, bye." Bulong ko. Wala na akong pake kung naring iyon ni Off ano.

Saving the Fallen Constellation (Athánati series #1)Where stories live. Discover now