Pang dalawampu't-siyam

Start from the beginning
                                    

"Uy magkaklase ulit tayo, after 2 years!" Sabi niya nang makalapit sa listahan. Nandidiring tumingin si Maxine sa kanya at tinaasan siya ng bad finger.

"Si Lauon kausap ko, ba't mo 'ko pinapakyuhan?"

"Bakit, ikaw ba pinapakyuhan ko? Pakyu ka, Zil." Sagot ni Maxine. Natawa si Zil at umiling na lang, sanay na sa kaibigan. Si Jonathan ay napakamot na lang sa ulo niya.

Nakatayo na lang ako roon ilang dipa sa kanila, hinihintay ang ibang mga kaibigan ko na dumating. May plano kasi kaming magbasketball ngayon.

Sunod na dumating si Vin na seryoso lang ang tingin. Pinaka-seryoso sa'ming mabgtotropa, minsan lang gumawa ng kalokohan. Si Anton, pinakamatangkad sa'min, magaling maglaro ng basketball. Si Jonathan, pinakamatalino pero pinakagago. Si Cax, pinakamasayahin. Sila pa lamang ang mga kalapit ko talaga simula noong grade 7. Marami akong kaibigan at kakilala pero hindi ko ganoon kalapit, baka ngayong taon ay madagdagan pa.

--_

"Peralta!"

Napalingon ako kay Sir na biglang tinawag ang pangalan ni Zil. Ilang araw na rin ang nakalipas simula noong magsimula ang unang araw ng pasukan at may seating arrangement na nga kami sa research. Nasa likod nga lang ako sa ibang subject dahil pabaliktad na alphabet ang seating arrangement namin.

"Sir?" Napakunot ang noo niya. Napangisi ako pero agad ding kinagat ang labi ko. Cute niya.

"Lumipat ka rito, sa tabi ni Alcazar."  Nanlaki ang mata ko at napalingon kay Sir. Ano raw? Bakit?

"P-po? Bakit?" Tanong ni Zil.

"Ayaw mo?" Si Sir ulit. Nakita ko ang pagiling-iling niya kaya napapout ako. Gano'n na ba ako kalala? Grabe naman.

"Ayaw mo o ibabagsak kita?" Tanong ulit ni Sir. Nagsabi ng lagot ang mga kaklase ko habang bahagyang natatawa kaya napangiti si Zil at nagpeace sign 'saka sinabing lilipat na siya. Kinuha niya ang mga gamit niya para pumunta sa harap. Tinignan niya ako kaya hindi ko napigilang ngumisi habang inirapan niya naman ako. Iritadong-iritado ba talaga siya sa'kin? Wala naman akong ginagawa sa kanya, ah.

Ramdam ko ang inis niya sa'kin lalo na noong uwian, ininis ko siya habang naglilinis siya ng room at nadulas pa sa pagsabi ng kaya gusto kita. Paano ba naman kasi eh, ginawan niya pa ako ng nickname. Iba na rin tuloy ang tawag ko sa kanya, at pagka-uwi ko pa lang, pinalitan ko na ang nickname namin sa chat kahit hindi ko pa siya nakakausap. Kakausapin ko rin naman siya kalaunan, eh.

Chinat ko siya noong una para lang sana makausap siya kaso ay ayaw niya maniwala kaya sinabi ko na lang na pakopya ng assignment, may sagot naman na ako roon, nagpapansin lang ako sa kanya. Kung saan ko nakuha ang kapal ng mukha ko sa pang-aaway at pang-iinis sa kanya ay hindi ko na rin alam. Araw-araw nga yatang badtrip iyon dahil sa'kin. Ang bilis din kasi magbago ng mood ko, mula sa pangiinis sa kanya ay bigla na lamang akong seseryoso. Naiisip ko kasi bigla si Kael kapag nakakausap siya kaya hindi ko naiiwasang tumino habang kausap siya. Pakiramdam ko kasi ay pinagmamasdan niya ako at naiinis na dahil sa ginagawa kong mga kagaguhan. Kahit naman ipinaubaya niya na sa'kin si Liz ay hindi ko siya nakakalimutang isipin, at hindi ko namang itinuring na misyon si Liz.

May isang pagkakataon na naluha ako sa harap niya dahil sa kantang pinakinggan namin, isa kasi ang mga kantang iyon sa sinuggest ko kay Kael. Naging emosyonal ako dahil naalala ko siya roon. Akala ko pa nga ay aasarin at pagtatawanan ako ni Liz pero hindi niya ginawa. Nagkunwari na lang akong normal lang iyon para hindi mapahiya.

Halos naging magka-away na kami ni Liz at nasanay na ang buong klase sa pagbabangayan namin. Naging nagkaibigan na rin naman kami kahit papaano, magkasama kami sa parehong tropa. Mayroon pa ngang oras na seryosong nairita ako sa kanya dahil hindi niya man lang ako pinasalamatan sa pagtatanggol sa kanya kay Angela. Takot din iyong si Angela sa akin, alam kasi ng halos lahat na apo ako ng assistant principal, at isa na siya roon. Kayang-kaya ko siyang palayasin sa school dahil paborito ako ni lolo. Magagawan iyon ng paraan para makalabas. Hindi naman ako seryoso roon pero alam nila kung anong kaya kong gawin. Hindi rin ako nakapasok sa school na ito dahil sa kanya, naging assistant principal lang naman siya noong grade 8 na ako.

Sinadya ko ang hindi pagpansin kay Liz ng ilang araw, baka makonsensya rin ang isang iyon para pansinin na rin ako. Wala rin naman kasi ako masyadong oras dahil palagi kaming nasa practice ng basketball at ayon lamang ang nasa isip ko no'n. Gumana iyon at seryosong napasaya ako ng pagpansin niya sa akin. Nainis din kaagad siya sa'kin dahil ayaw ko siyang painumin sa tumbler ko. Ang sama-sama ko pala no'n at ngayon ko lang natanto. Binawian niya naman agad ako pagtapos ng laro namin noon, kwits lang din.

Patagal nang patagal ang panahon ay mas lalo akong nahuhulog sa kanya. Ganoon pa rin naman siya pero hindi ko maiwasang mamangha bawat araw sa mga ginagawa niya. Ewan ko ba, gustong-gusto ko na talaga siya. Simple lang ang pagkatao niya at mismong siya ay wala ring arte sa katawan. Napapasaya niya ako araw-araw dahil sa mga simpleng bagay lamang.

Naging inspirasyon ko siya sa pag-aaral muli ng mabuti kaya kasama na ulit ako sa honors buong grade ten namin. Nagpapasalamat ako sa kanya dahil naibalik niya ako sa katinuan at naging matalik na kaming magkaibigan. Lalo na kay Kael. Habang-buhay akong magpapasalamat sa kanya.

"Achlys, bakit?" Tumakbo ako papunta kay Achlys na tumatakbo pababa ng hagdan. Naging malapit na kami dahil magkaklase kami ngayong grade 11 habang si Cax at Zil ang magkaklase sa HUMSS.

"Si.." Napatigil siya pagdating sa pababa at suminghap bago lumingon sa akin. "Si Maxzille! Si Maxzille, nasa ospital!" Sigaw niya at niyugyog ang balikat ko. Natulala ako saglit at parang tumigil ang mundo ko.


Saving the Fallen Constellation (Athánati series #1)Where stories live. Discover now