Habang nag-aayos ng gamit ay biglang may bumakas sa pinto ng silid.

"Veh!!!" Taena ang ingay!

"Bakit?!" Sigaw ko sa kanya.

"May magta-transfer daw na apat na boys dito sa section natin!" Kailan kaya di sisigaw ito habang nagsasalita?

"Ano naman ngayon? Magkakaroon ba ako ng pera dyan? Magiging si darna ba ako? Makakagraduate ba ako dyan? Makakapasa ba ako sa board exam nyan?" Tanong ko habang nakakunot ang nuo.

"Hayst! Lord! Please! Tamaan po sana itong kaibigan ko ng kidlat at magkaroon naman ng konting pakiramdam sa katawan!" Sabi nya habang lumuhod pa.

"Huy tumayo ka nga dyan para kang tanga." Sabi ko sa kanya at tumayo naman sya.

"Oh sige magkwento ka na ano bang meron dun?" Tanong ko at bumalik sa pag-aayos at pagpupunas ng mga tables.

"Ganto kase kilala mo si Nash?"

"Oo. Bakit anong meron dun sa mokong na yun? Namatay na? Invited tayo sa lamay?" Sabi ko at pinalo naman nya ang braso ko.

"Your so mean! Hindi noh! Sya ang isa sa magta-transfer! Duh! Ganyan talaga reaction mo? Parang di ka nagkagusto at di mo ginawang password yun sa cellphone mo ah." Sabi nya sa akin at sinundot-sundot ang bewang ko. Kala naman nya may kiliti ako.

"Tsh. Pag-naalala ko yun. Nakakadiring pangyayari. Ew." Maarte kong sabi at ipinakita sa mukha ko ang pandidiri.

"Tsk. Sama ng ugali. Next! Itong si Zackrey!"

"Ows. Anong ganap sa kanya?" Sabi ko nang hindi pa rin tumitingin sa kanya.

"Isa rin sya sa magta-transfer." Sabi naman nito.

"Ok." Walang buhay kong sabi at lumipat sa mga cabinet.

"At si Kyle! Naalala mo?"

"Oo naalala ko. Ano nangyari pumuti na ba?"

"Nakakainis ka talagang kausap! Ansama mo sa mga tao!" Sabi nya sa akin at pinagapapalo ako.

"Onti na lang masusuntok na kita." Sabi ko sa kanya at sinamaan sya ng tingin.

"Isa rin sya sa magtatransfer! At may isa pa kaso di ko kilala." Sabi nya sa akin.

"Kailangan ba lahat kilala mo?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi naman ansama talaga nito! By the way nalaman ko lang yun nung napadaan tayo sa cashier at may names duon ng transferees." Sabi nya sa akin at buti tumulong na sa pag-aayos.

"Tinatanong ko ba?"

"Sinasabi ko lang! Share ko lang ok?" Sabi nya at inirapan ako.

"Pero di mo ba napapansin? May something weird." Sabi nya sa akin at napatingin naman ako.

"What?"

"Yung tatlong ex-crushes mo nagtransfer! Coincidence? Na silang tatlo pa? I mean just weird. Magmula ng grumaduate tayo sa junior high school di na natin sila nakita dahil naghiwa-hiwalay ng school. But now? Look! Silang tatlo nag-transfer kung saan ka nag-aaral! Baka kaya may feelings na sila sa'yo?" Sabi nya at kinikilig.

"Alam mo. Makinig kang mabuti. Si Kyle may girlfriend na. Si Zackrey inlove yun kay Lily. At yung si Nash may girlfriend na rin at si Aleah yun. Naintindihan mo? Kaya wag mo akong dinadamay dyan sa mala-fiction mong pag-iisip. Hindi wattpad ang buhay ok?" Sabi ko sa kanya at nagpatuloy sa ginagawa.

"Oy! Wag mong dindamay ang wattpad ko rito ah!"

"Wag mo rin ako dinadamay sa mala-fairy tale mong isip."

"Ansama mo sa wattpad! Susumbong kita kay Papa Jeydon!" Baliw na.

"Yuck! Papa mo? Wala ngang bahid ni Jeydon at Candice yang mukha mo. Tigil-tigilan mo nga ako. May jowa ka na pero ginagawa mo pa ring asawa yang mga wattpad characters na yan. Baka pati yung mga possessive men inangkin mo na rin." Sabi ko sa kanya. Well di ko naman talaga trip yang wattpad na yan. Tumigil na ako magmula nung junior high school ako. Naging super busy na rin kase ngayong senior high. Atska puro kase fiction lagi ang nababasa ko ka ayun akong umaasa dati na merong feelings ang crush ko sa akin kase wala naman talaga.

"Alam mo yung possessive?! Ikaw ah! SPG!"

"Duh! Wattpader ako dati di ba? Ako pa nanghawa sa'yo nyan kaya alam ko yan. Pero di ko binabasa yan." Sabi ko sa kanya.

"Tsk. Sige uwi na ako ah ako na magdala nito sa bahay natin." Sabi nya at lumubas dala ang delivery box. Well anytime naman pwede nang umuwi kase naglilinis lang kami sa mga rooms namin ngayong grade 12. Brigada eskwela feels. At yes sya na nagdala dahil nasa iisang bahay lang kami. Malayo kase ang school namin sa lugar naming dalawa.

Pagkatapos ang lahat ay umuwi na rin ako. Sa totoo lang nakakapagod ang maglinis ng room. Malaki ang room namin kase malaking school din ang pinag-aaralan namin. Pagdating ko sa bahay ay dumiretso ako sa kwarto ko. Panigurado tulog na si April. Maingay kase ang bahay kapag gising pa sya. Nakita ko ang delivery box na nakapatong sa kama. Umupo ako sa gilid ng kama ko at tinignan ang delivery box. Binuksan ko iyon at tinignan ang bouquet of flowers. Napangiti naman ako ng amoyin ang bango nun. Gusto ko kase ang amoy ng nature.

Mukhang alam ng taong nagpadala nito ang gusto ko. Pati rin sa chocolate alam rin at yung pinadala kanina na coffee. Kinuha ko ang letter at binasa ang nasa dulo nun.

"Admirer? All caps pa ah." Sabi ko.

"Sino na naman ito. Psh. Trip na naman nila. Tsk." Sabi ko at ibinalik ulit yun. Baka kase pinagtitripan lang ako like pustuhan ganern.

Minsan iniisip ko rin na may gusto rin sa akin yung nga crush ko dati pero dahil imposible naman talaga kaya di na ako ulit nagka-crush or gusto man. Kahit nga sa wattpad tinigil ko na. Puro fiction na lang kase. Tsk. Yung magiging mutual yung feelings nyong dalawa ng crush mo? Duh. One percent lang ata ang tsansa.

Natulog na lang ako at hindi na pinansin ang mga nangyari kanina.

TO BE CONTINUED...

Between My Four Ex-CrushesWhere stories live. Discover now