Chapter Four ♕

Magsimula sa umpisa
                                    

“Ahm…” Napahawak si Ivo sa kaliwang bahagi ng kanyang dibdib dahil kinikilabutan siya sa nangyayari sa loob nito. “Can I please have one hamburger and a regular coke.”

“Okay. Is there anything else Sir?  Spaghetti? Apple pie? Coffee? Or fries?”

Nakapaskel na yata ang ngiti ni Pam sa kanyang mukha dahil hindi ito nawawala sa kanyang mukha kahit sa loob-loob niya any gusto na niyang bigyan ulit ng wallop ang kaharap.

“No. Nothing else.”

“59 pesos po, Sir.”

Diniinan ulit ni Pam ang huling salita para malaman ni Ivo na sarkastiko ang pagkakatawag niyang sir sa kanya. Actually, ang creepy ng ngiti niya.

“Are you mocking me?” Kulobot ang noo ni Ivo nang magsalita ulit.

“Of course not, sir. I received 100 pesos po.”

 

“Keep the change”

Naiwang nakamaang ang bibig ni Pam nang mabilis na nakaalis si Ivo sa counter bitbit ang tray ng pagkain na kanyang inorder.

Hambug talaga ng tukmol na iyon! Nakabwesit!

 

Sabi na lamang niya sa isip bago nilagay sa plastic ang sukli nito at itinabi sa ilalim ng kaha.

NILAPAG ni Ivo ang tray sa pang-dalawahang lamesa at umupo na nakatalikod sa counter. Naninibago siya sa naramdaman niya sa kanyang dibdib kaya ayaw niyang makita ang taong naging dahilan ng pagkabog nito.

Malapit lang ang fast-food chain sa ARC (Alfonso Rogellio College) kaya dito na kumain si Ivo. Pwede siyang umuwi dahil may driver naman siya ngunit ayaw niya. Ika nga niya ‘Malungkot kumain mag-isa at weakness ang maging malungkot.’

Isang buwan na ang lumipas mula nang napagdesisyonan ng ama niyang ilipat siya sa pangkaraniwang school. Dito raw niya matutunan ang good and bad side of having no money –of being poor as what his father said.

His father’s decision is either bad or good for him. Sobrang maaga pa para malaman niya kung tama o mali ba ang desisyon ng kanyang ama na ilipat siya dito. All he sees now are pathetic people trying to be someone they’re not and some people are trying hard to survive katulad nalang ng babaeng nakilala niya.

Napalingon si Ivo sa kinaroroonan ni Pam. Masaya itong nakipag-usap sa isang customer. Nakatali nang maayos ang mahabang buhok. Still has spilt-ends! Kuminto niya sa isip. Nakamake up din ito at infairness naman sa mga mata niya ay may hitsura si Pam.

He shook off the thought. Unang araw pa lang niya sa ARC ay naiirita na siya kay Pam. Siya kasi ang perfect epitome of poverty. The looks, the things and the job… it’s perfect. He knows he is arrogant but he has the right to. It’s just that, he never had one target before. For some reason, nasentro ng attention niya sa babaeng nasa counter.

The Billionaire Prince ♕ (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon