Chapter 36: Identifying themselves

1.7K 11 0
                                    


CHAPTER 36
KRIST'S P.O.V

     I can't believe they trust me about this things. Plano ko talagang maghiwa-hiwalay kami para mas makapag-isip ako pati na rin ang kabilang grupo.

     Nadatnan ko nalang ang sarili kong tumatakbo papunta sa Audio Visual Room kasama sina First at Saint. Nakita ko sina Chimon na isa-isang binubuksan ang bawat pintuan ng classroom para hanapin ang kung saan sinet-up ng Principal ang kunyaring bahay nila Zach.

     Paano nila nalalaman lahat ng 'to? Bawat clues at evidences ay nagtutugma sa krimen. Pati na rin ang bawat suspect ay connected din. Nakakapagtaka.

     I feel something fishy. Controversial ang files ng ganitong klaseng kaso kaya imposibleng alam nila ang bawat lead ng mga pulis pati na rin ang bawat conclusion ng mga imbestigador.

     "Krist!" Tawag sa'kin ni First. "Nandito na naman yung mannequin."

     "That represents Ms. Amanda." Sabi ko.

     "Pero bakit parehas sila ng suot na uniform." Tanong ni Saint.

     "Nakauniform siya ng mamatay." Maikli kong tugon. Nauna na akong pumasok dahil mukhang ayaw pa nilang dalawa. "Wala kayong ibang gagalawin dito sa loob maliban sa mga evidences na makukuha niyo."

     "May hinawakan akong boteng maliit bago siya mamatay, Krist." Napatingin ako kay First.

     "Anong bote? Yung boteng hawak ng mga pulis noong iniimbestigahan tayo?" Pagka-klaro ko.

      "Oo." Sagot niya.

     Napalingon naman kami kay Saint. "Ito ba 'yon?" May maliit siyang clear na boteng hawak-hawak. Iyon nga ata yung bote na 'yon. "Nasa mga pulis na ito noong nakaraan, 'di ba?"

     "Kinailangan nilang ibalik lahat para sa case na ito." Sabi ko. "Pati yung tumblr na 'yon." Itinuro ko yung nakabukas na tumblr na posibleng pinaglagyan ng paraquat dichloride.

     "Ipatong mo muna 'yang bote sa lamesa. Maghanap pa tayo." Sabi ko.

     Nilapitan ko ang Mannequin na nagbihis ng uniform na kapareho ng suot ni Ms. Amanda noong mamatay siya. Inusisa ko iyong mabuti. May nakapukaw sa paningin ko na isang bagay sa maliit na bulsa niya.

     Isang puting polaroid.

     Dahan-dahan kong kinuha at tiningnan kung anong nakalagay. Blurr ang mukha ng kasama niya sa picture, pero base sa suot nito, Isa itong lalaki. Nakaakap si Ms. Amanda sa kaniya at abot-langit ang ngiti habang nakaharap sa camera.

     "Kilala mo 'to?" Tanong ko kay Saint.

     Umiling siya. "Hindi, e."

     Napatingin ako kay First. "Do you know who is this guy?"

     Kinuha niya ang polaroid at inusisa ng mabuti. Sa unang mga minuto niya ay hindi niya talaga makilala, pero hindi rin iyon nagtagal ng banggitin niya kung anong nakalagay na pangalan sa Identification Card na suot nito.

     "Si.. Si— Si.." Utal-utal niyang sabi.

     "Si Mr. Eladio Turillo. Yung Principal natin."

     Napanganga ako dahil sa sinabi niya.

     "May naging relasyon sila?"

****
ARISSA'S P.O.V

     Kanina pa kami naghahanap, pero hindi pa rin talaga namin makita. Nandito na kami sa pangatlong floor wala pa rin kaming mahanap.

     "Magpahinga muna tayo. Hindi na ako makahinga sa hingal." Kumento ni Bright kaya panandalian kaming huminto sa pagtakbo.

HELL BOOTH (COMPLETED)Where stories live. Discover now