Chapter 1: The Investigation

6.9K 105 8
                                    


Chapter 1:
CHIMON'S P.O.V

     This is my third night competing with other Class President dito sa Hell Booth. Anim lahat ng kalaban ko, but for me, this is not actually a competition. This is just a game that i need to play. A game that i need to win. And a game to solve the mysteries behind this. Pangatlong beses ko na ito, pero hindi pa rin ako nananalo. I'm in a third place. Sina First at Krist, nasa first and second rank. Nasa fourth and fifth naman sina Arissa at Bright habang nasa hulihan sina Audrey at Saint.

     Nakaupo kaming pito sa nakahilerang bangkuan. Nakablindfold kaming lahat gaya ng sinabi sa rule book na pinabasa sa amin bago kami magcompete at pumunta rito. Never talk or never communicate to any player unless the game starts. Isa 'yon sa major rule ng laro. Hindi kami pwedeng magsalita ng kahit na ano hanggat hindi pa nagsisimula ang laro. Wala tuloy akong magawa kundi tumahimik. Maghintay sa kung anong sasabihin ng Announcer.

     Everything here is mysterious. Hindi ko lang maintindihan kung ano 'yung mga 'yon. Ang nasa isip ko lang, kailangan kong mag-rank 1. That's it. Wala nang iba.

     "Players," umayos ako ng upo. "Welcome to your third night for this competition." Sabi ng Announcer. Hindi siya nagpakilala sa'min, pero pamilyar 'yung boses niya. Narinig ko na 'yon dati, pero hindi ko lang maalala kung saan.

     "Take your blindfolds off." Utos niya.

     Tinanggal ko na 'yung blindfolds na isinuot sa 'kin kanina. Nasilaw ako sa ilaw na nakatutok sa'kin. Masyadong maliwanag. Tiningnan ko rin sila First at Bright na katabi ko, may ilaw ding nakatutok sa kanila. Ngayon ko lang napansin na may ilaw pala sa taas. Lahat kami. Bawal pa rin kaming magsalita kaya hindi ko sila maka-usap.

    Biglang bumukas 'yung malaking TV sa harapan namin. May nakalagay na 'Third Night' sa screen. Kulay pula. Nakatutok lang 'yung mata naming lahat sa screen ng TV.

     "The Case of Ms. De Leon, 1989." The announcer said. Pin-lash sa TV ang picture niya. Hindi siya katangkaran. Hindi ganon kataba 'yung katawan niya. May maikli siyang buhok hanggang balikat. She's wearing her color pink uniform. Mga typical na makikita mo sa mga Public School Teachers tuwing Monday or Weekdays. "Ms. De Leon is a Graduate of Bachelor of Science in Information Technology from University of Santo Thomas," huminto siya. Pin-lash niya sa screen ng TV ang School Logo ng Santo Thomas.

     "On the 10th day of January, year 1989, when she was murdered by someone while preparing a gifts for her students before her farewell party. But suddenly, Mr. Joseph Manalastas, a school janitor, found him unconscious in her office and bathed in her own blood. Before she finally died, he wrote something in a piece of paper that can reveal to the true identity of the murderer." Pagpapaliwanag niya.

     Napansin ko si Bright, isa sa pinaka-competitive sa aming lahat. Naghihintay lang ito sa iba pang ipa-flash sa screen ng TV.

     "Goodluck, Players!" Bumukas lahat ng ilaw dito sa loob pagkatapos niyang magsalita. Tiningnan ko isa-isa ang bawat sulok. Hindi ako pamilyar dito. Hindi siya tulad ng dati. Ibang room na 'to. Hindi na ito 'yung room na pinuntahan namin dati. "Game starts.. now!"

     Mabilis kaming tumayo at nagharap-harap. Bumilog. Kung titingnan mo kaming mabuti, hindi kami magmumukhang magkakalaban. Para lang kaming isang grupo na nagso-solve ng mga mystery murder case ng iba't-ibang mga tao.

     "What are we gonna do now?" Bright asked

     "Do you even know kung nasa'n tayo?" Tanong ni First. Patingin-tingin lang sa paligid. Kung tutuusin, 'yun din 'yung tanong ko kanina pa.

      "I don't know. Hindi pamilyar sa 'kin itong lugar."

      Nilibot ko ang tingin ko sa lugar, pero kahit anong gawin ko, walang isang senyales na nanggaling kami rito. As in wala.

      "Iba't-iba ng room bawat game," napatingin kaming lahat  kay Krist. "As you can see, wala na 'yung mga lights sa gilid. Wala na rin yung mga scratches sa dingding."

      "What do you mean, Krist?"

      "Sa iba't-ibang rooms tayo dinadala sa tuwing magso-solve tayo ng mga murder case gaya nito. Meaning, hindi lang isa or dalawang kwarto ang meron dito. Marami pa. Hindi ko lang alam kung ilan." Nakatingin lang kaming lahat habang pinapakinggan siya. Si Krist ang pinakamagaling sa'min sa pago-obserba ng mga bagay-bagay at lugar. Madali niyang natatandaan. Magaling din siya sa memorization.

     "Sigurado ka ba sa mga sinasabi mo?" Tanong ni Audrey. Halatang hindi makapaniwala sa sinabi ni Krist. Pangatlong gabi pa lang namin dito, pero nararamdaman kong maraming nakatago ritong misteryo.

      "Why not? I'm really sure, Audrey. And i think, bawat rules ay connected din." Mas lalo kaming naguluhan. "Before tayong pumunta rito, do you still remember na hindi nila tayo hinayaan na tayo ang magsuot ng mga blindfolds natin? Just to make them sure na wala tayong nakikita 'pag dinala na nila tayo rito."

     Sabi na, e. Something is mysterious. Ngayon pa lang nagsi-sync in sa utak ko lahat ng sinabi ni Krist. "You mean na someone deceive us?"

      "No. I'm not really sure." Umiling-iling lang siya habang nakatingin sa 'kin. "Baka parte lang 'to ng laro. Everything is mysterious. Walang kasiguraduhan lahat."

     Napatingin kaming lahat sa screen ng TV. Naka-flash na sa screen mga pangalan namin. Walang numbers ang nakalagay kundi ang '0'. Wala pa kaming points sa ngayon. Ibig din sabihin, hindi kasama lahat ng sinabi ni Krist kanina sa pagsolve ng  murder case na nangyari kay Ms. De Leon nuong 1989.

     "Ahhhh!"

     Napalingon kaming lahat sa likuran. Bumungad sa amin ang duguang isang babaeng mannequin. Nakasuot ng pink na uniform gaya ng kay Ms. De Leon kanina. May mga nagkalat din na papel sa sahig. Bigla kong naalala 'yung ipinakita sa amin kanina. Ito mismo 'yon. Hindi ako pwedeng magkamali.

     Natahimik kaming lahat.

     "What is that?" Kinakabahang tanong sa amin ni Audrey. Walang nagsasalita. Walang ibig sumagot sa kaniya. Lahat nakafocus lang sa mannequin na duguan.

     "She was murdered by someone while preparing a gifts for her students before her farewell party." Bulong ko. Naalala ko sinabi ng Announcer kanina. Tumingin ulit ako sa mannequin, may nagkalat na gift wrap. 'Yung iba, may mga talsik pa ng dugo. Sunod kong inalala yung statement kanina. "But suddenly, Mr. Joseph Manalastas, a school janitor, found him unconscious in her office and bathed in her own blood. Before she finally died, he wrote something in a piece of paper that can reveal to the true identity of the murderer."

     Napansin kong naglalakad palapit si Krist habang nakatingin lang.

     Napagtapi-tagpi ko na lahat.

     Hindi kaya?

     "This is the crime scene sa pagpatay kay Ms. De Leon. As you can see, she's preparing a gifts for her students before her farewell party and look at those gift wrap," Tiningnan namin 'yung tinuro niya. "Yan ang isa sa palatandaan na sinabi sa atin kanina. She was preparing a gifts. Hindi masyadong detailed explanation sa atin kanina, but i am sure na yan ang mismong crime scene na nadatnan ni Mr. Joseph Manalastas nung pinatay siya." Pagkatapos niyang magsalita, nagkaroon ng isang puntos yung pangalan niya. 1 point is equal to 50 points.

     Siya na ngayon ang nauuna habang kami, wala pa ring puntos. Naunahan na naman ako.

     Lumapit na rin ako. Tiningnan ko isa-isa lahat ng pwedeng clues para malaman ko kung sinong pumatay sa kaniya. Dinampot ko 'yung picture. Burado na lahat ng mukha kaya hindi ko sila makilala, pero base sa nakikita ko, isa itong picture.

     A Class Picture of Ms. De Leon together with her Gr. 5 Students.

HELL BOOTH (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu