Chapter 20: Hold your breath

2.4K 26 0
                                    


CHAPTER 20
CHIMON'S P.O.V

     Pagkatapos ng investigation sa amin maghapon, wala na kaming ibang pinuntahan kundi magpahinga sa kaniya-kaniya naming kwarto. Sa sobrang daming tinanong sa akin kanina, sumakit ang ulo ko. Ganon din naman ang naging reaksiyon ng mga kaibigan ko.

     "See you, Chimon. We made it." Nakangiting bati sa akin ni First. Napailing-iling nalang ako. We made it for now, pero hindi pa kami sigurado bukas.

     "Hindi pa. May bukas pa, remember?"

     Malakas na napabuntong hininga si First dahil sa sinabi ko. Bago niya pa tuluyang buksan ang kwarto at pumasok ay nagsalita ito. "Oo nga pala."

     Pumasok na rin ako sa kwarto at dumiretso sa higaan ko. Nakaramdam ako ng kaginhawaan sa katawan ko. Nakakapagod. Maghapon lang kaming ini-imbestigahan ng mga Pulis. Hindi na rin kami naka-attend sa ibang subjects namin dahil sa nangyari.

     Actually, wala naman talaga kaming kinalaman sa pagkawala niya. Sadiyang napagbibintangan at nadidiin lang kami dahil kami ang huling nakitang kasama ng biktima.

     Habang nakatulalang nakatingin sa kisame, nagpa-flashback sa akin lahat ng pangyayari kanina sa loob ng maliit na kwarto habang tinatanong ako.

———

      "Chimon Alvarez, kaibigan ng lahat. Anong kinalaman mo sa pagkamatay ni Amanda Tolentino? Maraming nagsasabi  nagkaroon daw kayo ng alitan. Totoo ba ito o hindi?" Tanong ng Pulis na asa harapan ko. Matalim siyang nakatingin habang naghihintay ng sagot.

     "Alitan? Wala akong matandaan na nagkaroon kami ng alitan at kung meron man, hindi ko kayang pumatay." Sagot ko. Sa postura ng katawan niya, halata mo talagang may katandaan na.

     "Hijo, kung patuloy mo lang pagtatakpan ang mga kaibigan mo, baka pati ikaw ay mapunta sa DSWD. Hindi ka pa pwedeng makulong dahil nasa minor age ka pa lang, pero pwede kang matanggal sa pagiging Star Captain mo at maexpell sa pretigious school na ito. So tell me the truth." Pagkukumbinsi niya.

     "Wala naman po akong dahilan para magsinungaling sa inyo. Wala rin akong nakikitang dahilan para i-brain wash mo ako na aminin ang kasalanan na hindi ko naman ginawa, especially kaming Star Captain."

     Kinakabahan ako sa titig niya. Parang may kung anong nakakatakot na hindi ko maintindihan, pero hindi ako pwedeng magpasindak. Wala akong aaminin. Wala akong dapat na sabihin.

     "'Di ba ikaw ang kasama ni Ms. Arissa Espejo at Ms. Audrey Miles Esquivel na kapwa mo Star Captain sa office niya noong nagkasagutan kayo? Pinarinig mo pa nga ito sa buong campus, hindi ba?"

     Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. I didn't expect na pati 'yon ay malalaman at ilalabas niya ngayon. Hindi ako makapaniwala. Kailangan kong makapag-isip ng valid at kapani-paniwalang dahilan para maniwala siya.

     "Oo, kami nga. Pero hindi ibig sabihin non kaya na namin siyang patayin. Huwag mo nga kaming pagbintangan!" Napasigaw na ako dahil sa inis.

     "Anong dahilan niyo bakit kinailangan niyo pang iparinig sa buong campus ang conversation niyo sa loob ng office niya lalo na't that is a private place. Lahat ng pag-uusapan or pinag-uusapan niyo ay dapat don lang. Walang ibang makakarinig. Tama?" Tanong niya ulit habang nakasandal sa likod ng upuan niya.

     "You're right but you missed some information sa mga sinabi mo. Pulis ka dapat inaalam mo lahat ng statement or information tungkol sa sinasabi mo, Sir." Matapang kong pagkakasabi. Kailangan kong ipakita sa kaniya na hindi ako natatakot.

HELL BOOTH (COMPLETED)Where stories live. Discover now