Chapter 14: A1Z26

2.9K 27 0
                                    


CHAPTER 14
KRIST'S P.O.V

Hindi ko alam kung bakit ko sila tinutulungan ngayon. Hindi ko rin maintindihan minsan ang sarili ko. I hate this feeling at ayokong makarinig ng salitang 'Salamat' or 'Thank you' sa kahit kaninong tao.

"Thank you for helping us." Ramdam ko ang sincerity niya sa boses ni Chimon but as I've said I hate people thanking me.

"Don't say thank you in advance. Hindi pa ako tapos." Sabi ko.

Nakaupo lang ako sa bakanteng lamesa habang iniisa-isang basahin ang mga nakalagay sa isang folder na asa harapan ko.

Pare-pareho na kaming may puntos maliban kila Bright, First at Arissa. Hindi ko rin alam kung bakit tahimik silang dalawa.

****
FIRST'S P.O.V

Kanina pa kami naghahanap sa bawat drawer dito sa Laboratory para makahanap ng information, pero hanggang ngayon wala pa rin kaming makita.

"Bakit ba tayo dito nagpunta?" Takang tanong ko. Napatingin sa'kin si Saint. Hindi ko rin alam kung bakit dito ko piniling magpunta.

"All paints generally have four main ingredients— pigments, binders, solvents and additives. pigments provide color and hide, while binders work to bind the pigment together and create the paint film." Sagot nito. Hindi ko alam kung saan niya kinuha lahat ng information na sinabi niya.

"Where did you get that info, ha?" I asked him again.

Napalingon kaming lahat kay Audrey ng bigla itong magsalita. "Art and Science is connected to each other especially the Chemistry kaya pinili ko rin magpunta rito to get some info about art. Hindi man tayo sigurado, atleast sumubok tayo."

Hindi ako usually mahilig magbasa especially 'pag hindi ko naman maintindihan binabasa ko just like art related books or science books. Hindi ko talaga hobby magbasa. Magbabasa lang ako kapag kailangan.

"How chemical reaction used in art? Do you really know na 'yang mga sinasabi niyo ang information na kailangan natin to solve this case?" I asked them. Napatingin silang dalawa sa isa't-isa.

"Hindi ako sigurado pero nagbabakasali lang tayo rito. Our goal is to solve and to win this time, 'di ba? Kaya nga tayo nagko-compete.. para manalo." Sabi ni Saint. Ramdam kong nag-iba ang tono ng pananalita nito kaya umiwas nalang ako ng tingin.

"We're here para magtulungan hindi para maglaban-laban. Ginawa na natin 'to dati, 'di ba? Sama-sama tayo. Makakaya natin 'to." Sabi ni Audrey.

Alam ko na matagal na ang pangyayaring 'yon na kailangan namin kalimutan at ibaon sa hukay. Isang pangyayaring araw-araw at gabi-gabi akong ginugulo.

Hindi na sana nangyari 'yon.

****
CHIMON'S P.O.V

"Listen to me, Chimon. The numbers represents the letter na kailangan mo sa pangalawang code para mabuksan 'yang pintuan. Hindi mo talaga 'yan mabubuksan ng basta-basta dahil gumamit sila ng high quality security lock na madalas ginagamit ng mayayamang tao." Sunod-sunod na sabi niya mula sa kabilang linya.

"It is A1Z26 Code. They used numbers to hide the meaning of that code para hindi basta-basta malalaman ng mga ordinaryong tao lang kung anong meron sa code na 'yon,"

Hindi ko alam na may mga codes palang ganito. Ang alam ko lang na codes ay ang code na kin-rack namin ni First noong nakaraang linggo.

"Pero ngayon it is the most easy code that other students can crack basta alam nila ang pagkakasunod-sunod ng Alphabeth. They can convert the numbers into alphabeth and because of that, they will know the secrets behind it." Pagpapatuloy niya.

HELL BOOTH (COMPLETED)Where stories live. Discover now