Chapter 19: Who's the real culprit?

2.6K 30 0
                                    


CHAPTER 19
KRIST'S P.O.V

Kanina pa kami tahimik dito sa loob ng kwarto pero hanggang ngayon hindi pa rin ako pinapayagang lumabas. Nakatitig lang sa akin si SPO2, Police Inspector, Erik Santos na parang nanggagago. Ano pa bang gusto nito? Sinabi ko naman na lahat ng alam ko.

"Hindi pa ba tayo tapos?" Seryoso kong tanong.

Dahan-dahan ulit siyang tumingin sa akin. Mata sa mata bago nagsalita. "Hindi pa."

Punyeta. Gusto ko ng manapak sa totoo lang. Hindi ko lang magawa dahil baka magbigay pa ng maling accusations ang Police na asa harapan ko.

"Ano pa bang gusto mong malaman, ha? Sinabi ko naman na sayo lahat, 'di ba? I answered all your questions as truthfully as I can. Hindi ko nga alam kung sinong pumatay sa kaniya!"

"Hindi 'yan ang sinasabi ng mga mata mo." Sabi niya.

"I'm not a liar. Huwag kang maging tanga! Pulis ka pero ganiyan ka mag-isip? Kasalanan niyo kung bakit maraming namamatay na inosenteng tao dahil ginagamit niyo sa mali ang posisyon na meron kayo."

Alam ko sa sarili kong pikon na pikon na siya sa mga sinasabi ko at kaunti nalang ay malapit na siyang manuntok. Kanina ko pa napapansin ang kamay nitong gigil na gigil ng manuntok.

Hindi niya ako kayang saktan dahil simpleng bata lang ako. Hindi ko na kasalanan kung bakit ayaw niyang maniwala sa mga sinasagot ko.

"Huling tanong Mr. Kristian Lopez," tumingin ulit siya sa akin. May inilapag siya sa ibabaw ng lamesa na kung anong maliit na bote. "Nakita ito kahapon sa loob ng AVR na pinag-meetingan niyo kahapon. Alam mo ba kung anong laman nito?"

Umiling ako. "Hindi."

"Ito ang pinaglagyan ng lason na inilagay sa tumblr ni Ms. Amanda kaya siya namatay noong oras na uminom siya. Hindi ito kaagad mapapansin dahil hindi clear ang tumblr nito." Paliwanag niya.

"Hindi ko nga alam. Bakit niyo ba sa amin binibintang ang kasalanang hindi namin ginawa? Hindi ba pwedeng bago pa idala ni Ms. Amanda 'yang tumbler sa meeting namin e may naglagay na nang lason diyan?"

Marami akong possibility na naiisip sa mga sinasabi niya pero hindi ko pa iyon pwedeng sabihin. I keep this on my own. Ako ang bahalang tumuklas. Hindi muna ako magbibigay ng statement sa kausap ko.

Sa panahon ngayon, wala dapat akong pagkatiwalaan, kahit Pulis man o kung sino.

"Hindi namin kayo pinagbibintangan. Gusto lang namin ang totoo."

"Well, I'm telling the truth." Sabi ko.

Napatahimik siya at muling nilagay sa maliit na plastic bag ang boteng pinakita niya.

"Now we're done.. for now. Kakausapin ulit kita after namin maimbestigahan lahat."

Mabilis akong tumayo at naglakad na palabas. Habang naglalakad ako, hindi pa rin mawaglit sa akin ang kung sinong pumatay kay Ms. Amanda kung sakaling pinatay nga siya.

Walang matibay na ebidensiya sa crime scene base na rin sa mga narinig kong salaysay ng mga Pulis kanina bago ako pumasok dito sa maliit na kwarto na kaming tatlo lang ang tao habang may maliit na lamesa sa gitna at may ilaw na nakatapat.

Kailangan kong mag-ingat. Matalim na ang mga mata sa amin ng mga Pulis. I need to be careful sa mga gagawin ko at sasabihin ko sa kanila.

****
FIRST'S P.O.V

"Anong kinalaman mo sa pagkamatay ni Ms. Amanda Tolentino?"

"Wala." Sagot ko. Kailangan kong patunayan na wala akong ginawang masama kay Amanda gaya ng napag-usapan.

HELL BOOTH (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora