Chapter 12: Emegesh

48 6 0
                                    

Emegesh

Sabi nila 'That is life' at ito ako ngayon 'this is my life' -_-
May part two pa pala ang pagkakaroon namin ng detention with my hubbybunch huhuhu. Ako na naman ba ang may kasalanan? Geez!

Iniwan kami ni ms Dean dito sa detention at hintayin daw namin siya at malalaman daw namin ang BAGONG parusa.

Tinignan ko sila. Si Kheingie nakaupo lang sa isang silya at nakapangalumbaba. Narinig ko pa ngang may binubulong siya na "wala namang chix dito" tss flirtation alert ang lolo. Si Paolo ayun hinihimas ang binti niya, sabi niya nga kay ms Dean kelangan daw niya ng pagkain para mawala yung sakit niya kaya ayun sermon ang inabot niya. Abnoy kasi. Bigla naman akong napatingin sa tahimik nni hubbybunch at naalala ko nga pala na nasigawan ko siya kanina. Naglakas loob akong lumapit sa kanya

"Hubbybunch sorry nga pala kanina ah? Hindi ko naman sinasadyang sigawan ka" paumanhin ko . Tinitigan niya lang ako.

"Enebe hebbebench weg genyen kenekeleg eke" sabi ko na kunwari nahihiya. Kumunot ang noo niya

"What?" Curious niyang tanong, hindi niya gets? malamang sa alamang Dara hindi naman magtatanong ang  tanong kung hindi niya narinig maliban nalang kung nagandahan talaga siya sa boses ko. Kyaaa!

"Wala alien version yun hubbybunch" bingisngis ko

"Tss stupid voodoo" umiling iling pa siya. Napangiti ako. Tinusok ko ang tagiliran niya kaya napaharap siya sa akin

"What the heck-what?!" Singhal niya

"So peace na tayo?" Tanong ko habang pinapakita ang kamay ko na nakapeace sign. Inirapan niya lang ako

"Bahala ka dyan" akala ko hindi na siya magsasalita pero sinabi niya yan so ibig sabihin peace na kami?

"Peace na talaga----hoy Pao!" Giit ko dahil bigla niya akong hinatak sa braso

"Wag ka na dyan, mukhang ayaw ka naman kausapin tas lalandiin mo?"di makapaniwalang tanong niya. Tignan mo 'to makasabi ng landi siya nga lahat ng pagkain nilalandi ! Haha chos

"Dama mo!" Madiin na singhal ko. Inirapan niya lang ako

"Ikaw na nga 'tong tinutulungan eh tapos tinadyakan mo na nga ako, masakit pa kaya dapat nga ilibre mo ako eh" nag-iinaso niyang sabi sabay hawak sa dibdib niya na kunwari nasaktan

"At kelan pa naging binti ang dibdib?" Taas kilay kong tanong , napapoker face nalang ako

"O sya ako nalang manlilibre sayo" nanliit ang mata ko sa kanya biglang pagsusuri sa sinabi niya

"Talaga?" taas kong muli ng kilay

"Oo at siguradong matutuwa ka, wait nadala ko ata 'yon eh" bumalik siya sa upuan niya at may kinuha na paperbag. Teka parang wala naman siyang dala kanina ah?

"Oh ayan kuhanin mo tyak magugustuhan mo" malapad na ngiti ang nakalapat sa mukha niya . At dahil curious ako inabot ko naman iyon

"Ano ba 'to------- PAOLO FIDEL! Ano 'to?" Pigil na inis ko sa kanya ng makita ang loob ng paperbag

"Ay slow? Malamang conditioner para naman lumambot 'yang buhok mo. Balita ko maganda daw yan at effective kaya binilhan kita, pa----arrrayy!" Walangya 'to pinagtitripan na naman ang buhok ko ! Sinabunutan ko nga

"Wala ka talagang magawa nuh?" Hawak ko pa rin ang buhok niya

"Concern---ouch-- lang naman ako-arayy bitiwan mo na ngaaaray!" Nagpupumiglas siya sa akin

"Magsyota ba kayo?" Napalingon naman kami kay Kheingie kaya nabitawan ko ang buhok ni Paolo

"Hindi/oo" magkaiba kami ng sagot ni Paolo pinandilatan ko naman siya ng mata dahil sa pagsagot niya ng oo. Aba sinong ugok ang sasagot nun!

Crazy Fangirl StalkerWhere stories live. Discover now