"Me too." Sagot niya. Totoo naman iyon dahil kung wala ito ay mag-isa lang siya sa buong durasyon ng bakasyon habang ang mga nasa harapan niya ay puro naglalandian.

Nagpatuloy siya sa paglalaro sa buhangin at nakisali na rin ang lalaki. Bumubuo sila ng sand castle nang biglang may bumunggo roon at gumuho iyon. Bubulyawan niya sana, pero hindi kaagad siya nakapagsalita nang makita kung sino iyon.

"Kanina ka pa hinahanap ng kapatid mo. Tumawag ata ang mommy ninyo."
Ani Vermont  kay Tyler.

"Oh I forgot to call her." At bigla na itong tumayo. "I'll look for Tyron first then I'll come back for you." Paalam nito sa kanya.

"Sure. I'll wait-" She was cut off.

"Don't bother, ako na ang bahala kay Morissette." Mariin na wika ni Monti.

Alanganing tumango si Tylee habang tinitingnan siya. Tinanguan lang niya ito at ipinakita na ayos lang na maiwan siya sa roon kasama si Monti.

Nang sila na lamang ang naiwan roon ay tuluyan na niyang giniba ang itinatayong kastilyo na gawa sa buhangin.

"Ang hirap itayo pero ang dali lang sirain." Bulong niya habang patuloy na pinapatawag ang buhangin sa lupa.

"Hindi mo kasi tinibayan." Sagot naman nito na marahil ay narinig ang pagbulong na ginawa. "Lahat naman kailangan ng matibay na pundasyon para hindi agad agad magigiba."

Tumayo na siya at ipinagpag ang mga kamay.

"Sand castles are made only to be washed away by the sea. Kahit anong tibay ang gawin mo ay mabubuwag at mabubuwag pa rin ito kasi gawa lang siya sa buhangin na may tubig. In short, it will never last no matter what you do. In the end, it will always be washed away." She said while looking at the sea.

"Yes it will. But the memories you create when you built that castle will stay." Segunda naman nito kaya't napalingon siya rito.

Nagtataka siya sa mga isinasagot nito, na para bang may hugot, may laman.

"I should get back to my room now." Paalam niya.

"You should. You only have an hour before dinner. I'll see you at the dining hall."

Tipid siyang ngumiti bago niya iniwan na ito roon. Nang matapos na siyang maligo at makapagbihis ng isang simpleng plain peach colored off shoulder dress ay bumaba na siya para dumirecho sa dining hall ng hotel.

Pagkapasok niya ay naroon na ang lahat sa isang malaking mesa na nakalaan sa kanila. May tumutugtog sa may harapan ng isang jazz music kaya't nakakadagdag sa magandang vibe ng lugar.

"We've ordered a lot of food iha so you should eat well, okay?" Ani Dante Aragon.

Ngumiti at tumango lang siya. Iilan lang din ang mga taong naroon dahil marahil ay sa labas nagsikain ng hapunan. Marami kasing mga restaurants na matatagpuan sa may Station two and three.

Nang dumating na ang mga pagkain ay tahimik lang siyang kumain habang ang iba ay patuloy sa pakikipagkwentuhan. Si Tyler ang nagsisilbi sa kanya sa paglalagay ng pagkain sa plato niya. Ang dami nitong pinaglalagay sa plato niya kaya hindi niya alam kung ano ang uunahin niyang kainin.

S.I.A.T.T. Series Book 3: The Wicked HeiressWhere stories live. Discover now