Chapter Thirteen

Magsimula sa umpisa
                                    

Sakto naman na may kumatok sa kanyang kwarto. Pagsilip niya ay si Tyler iyon na nakangiti sa kanya.

"Wanna go for a real swim? Yung hindi buwis buhay tulad kanina." At saka ito tumawa.

Natawa na din siya at saka sumama na palabas sa lalaki. Tanaw niya na nasa mga sun lounger na ang lahat at may kanya-kanyang pagkukuwentuhan.

Sina Faye at Tyron ay tahimik lang na magkatabi. Bakas pa rin sa mukha ng dalaga ang pagod dahil sa nangyari dito kanina. Lumapit siya para kamustahin ito.

"Are you feeling okay now?" Tanong niya sa may gilid nito. Tumango ito at saka umayos sa pagkakaupo para hilahin siya at mapaupo sa tabi nito.

"Hindi pa pala ako nakakapag-pasalamat sayo nang maayos." Panimula nito. "Thank you for saving my life, for not quitting on reviving me. Boses mo ang naririnig ko, lalo na nung sinabi mo na huwag akong mamatay." At napaluha na ito. "Maraming salamat Reese, utang ko sayo ang buhay ko." Yumakap ito sakanya na ikinagulat niya sa una pero kalaunan tinapik niya ito para patahanin.

"Don't mention it. I'm just doing my jo-" hindi niya matuloy. "I just did what I can to help, that's all. And no, you don't owe me anything, okay? I'm glad that you're fine and that would be enough for me." At saka siya tumayo na  mula sa pagkakaupo. "Take a rest."

"Thanks again for saving her." Si Tyron naman na nakipagkamay pa sa kanya na inabot naman niya.

"Okay we'll go ahead." Ani Tyler na hinila na siya mula sa harap ni Tyron. "We'll go for a swim."

Lumingon siya kung nasaan ang tiyahin niya at sumenyas siya rito na pupunta siya sa may dagat na tinanguan lang nito. Pagkatapos ay saglit siyang napatingin sa puwesto nina Vermont at Khaela habang nakahiga ang mga ito sa sun lounger na magkatabi at nakahilig ang dalaga sa dibdib ng binata. Madilim ang mukha nito at matalim ang tingin na ibinibigay nito sa kanilang dalawa ni Tyler. Ipinagkibit balikat na lang niya iyon at sumama na sa binata.

Nag-aya ito na magjetski sila at pagkatapos ay naligo na sa dagat. Parang ngayon lang talaga ulit siya nakapagbakasyon ng ganito. Iyong masaya siya habang ginagawa ang gusto niya. She loves beaches and she likes to swim, but ever since she became a part of law enforcement, she never had the luxurious time she used to had before.

"This is what I am longing for." Anas ni Tyler habang magkasama silang umupo sa may buhangin. "A real vacation."

"Bakit naman? Hindi ka ba nakakapagbakasyon?" Tanong niya habang naglalaro ng buhangin.

"Not that much. I'm always busy for work. Eh ikaw, nakakapagbakasyon ka pa ba?" Balik naman nitong tanong sa kanya.

"I don't have time and besides, it's fun to have someone with you when you're on a vacation. And since I don't have one then I don't see any reason to go at all." Aniya na hindi nakatingin rito dahil ang atensyon niya ay nasa buhanging nilalaro.

"You're right, it is fun." Anito na nakatingin sa dalaga. "And I'm glad that I came to this trip and be with you."

Doon siya napaangat ng tingin rito. Nakatitig ito sa kanya habang may magandang ngiti. Gwapo ito at may maganda ring katawan. Mabait at mukhang responsableng tao. Pero hanggang doon lang ang nararamdaman niya. At kahit na magpakita pa ng interes sa kanya si Tyler ay hindi niya kayang tugunan iyon.

S.I.A.T.T. Series Book 3: The Wicked HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon