Chapter 23: Who's Volvo?

Start from the beginning
                                    

Sa picture na ito, si Kuya Evo si Ironic_Volvo. Pero nu’ng nakaraang annual meet up ng The Legendary Clash, si Virgo ang humarap sa maraming tao at ‘yung username na ‘yun ang nakalagay sa suot nyang tshirt. Kanina sa nagchat na kamember nila sa UFC, hinanap nya si Kuya Evo. Maya-maya inakala nya na si Virgo ang nakaonline.

Waaah! Ang gulo-gulo! Hindi ko na malaman kung sino ba sa kanilang dalawa. Sino ba ang sino?

Huminga ako ng malakas, hindi ko akalain na liliparin ang mga piraso ng litrato na binuo ko kanina. Napatingin ako sa bawat isa, may sulat ng permanent ink sa likuran nito. Mas lalo tuloy akong nagtaka, agad kong binaliktad ang mga piraso ng litrato. Pinagdikit-dikit ko ang mga iyon hanggang sa mabuo ko ang mensaheng nakasulat dito.

 

First Anniversary of UFC with Ivan, Virgo and Dustin. Ironic_Volvo here!

Someday, I’ll be the greatest player in the world of “The Legendary Clash”.

Gusto kong maiyak sa nabasa ko. Isa itong patunay kung sino talaga si Ironic_Volvo.

Naiiyak ako dahil sa gulong-gulo ang isipan ko. Bakit si Virgo ang nagpakilala sa annual meet up kung gayung si Kuya Evo naman pala ang tunay na may ari ng username na ‘yun? Ibig sabihin si Kuya Evo si Buwakaw, sya ‘yung palagi kong katrashtalk at palaging nagpapatumba sa character ko. Sya pala ang lalaking palagi kong ka-one on one sa bawat clash.

Binalik ko lahat ng ginalaw ko sa computer table ni Kuya Evo. Ang mga papel, pira-pirasong litrato lahat ‘yung binalik ko sa lugar nila. Hindi ko na rin muling tiningnan ang monitor ng computer ni Kuya Evo. Tumayo na ako para kunin ang gamit ko, desidido na ako. Uuwi na ako.

Palabas na ako ng kwarto ni Kuya Evo ng marinig ko syang magsalita ng malakas habang papalapit sa kwarto.

“Margarette! Dadaan daw si Ivan, susu— oh, saan ka pupunta?” napahinto sya ng makita nyang nakasukbit na sa braso ko ang strap ng aking bag.

“Uuwi na ako Kuya Evo.” Pagpipigil ko ng aking luha.

Ang sama-sama ng pakiramdam ko. Pakiramdam ko niloko ako ng lahat ng taong mahalaga sa akin. Dahil sa nakita kong picture, sigurado ako na alam nilang apat na magkakaibigan ang tungkol kay Ironic_Volvo. Alam nilang tatlo na kaibigan ni Kuya Dustin ang totoo, at maging sya mismo na kapatid ko. Pero bakit ganito? Parang pinaglaruan nila ako. Oo naglalaro nga ako ng The Legendary Clash, pero hindi naman ako kasali sa mundo nu’n. Hindi ako kasali sa mga characters.

 

“Uuwi ka na? Umuulan pa rin sa labas, Margarette. Saka parating na si Ivan, susunduin ka raw nya para ihatid sa inyo. Besides, nakapagluto na ako ng breakfast natin. You need to eat.” Kaswal na sabi ni Kuya Evo. Wala naman kasi syang alam sa mga nalaman ko sa loob ng kwarto nya, sa computer table nya.

Gustong-gusto ko ng maiyak sa sitwasyon ko ngayon, gusto ko ng humagulgol dahil sa mga tanong sa isipan ko pero pinipigilan ko. Kahit na may naramdaman kong may pumatak nang luha mula sa mata ko, agad ko itong pinunas.

“Uuwi na ako Kuya Evo.” Umiwas ako ng tingin kay Kuya Evo, pinunas ko ulit ang luha na tumulo galing sa mata ko.

"Chalstine, Log In!" (Completed)Where stories live. Discover now