Chapter 53

5.8K 173 6
                                    

Denice's P. O. V.

"Hindi ba't kaibigan mo siya Anak?" Napatango ako sa tanong ni Ama at ngunit nanatili ang nagtatanong na tingin ko kay Yvonne. Tinignan niya lang ako gamit ang walang emosyong mukha niya bago ibinalik ang tingin kay ama. "Kung ganoon, naniniwala ka ba sakanya anak?" Napabaling ang tingin ko sakanya dahil sa kanyang tanong.

"Bakit ako ang tinatanong niyo ama?"

"Bakit hindi? Matagal mo ng nakasama ang kaybigan mo kaya ikaw ang higit na nakakakilala sakanya." Muli kong ibinaling ang tingin kay Yvonne at napabuntong hininga.

"Naniniwala ako sa sinasabi niya." Napansin kong napangiti ng kaunti si Yvonne ngunit sandali lamang iyon. Napapaisip naman si Ama at taimtim na nakatitig sa dalawa.

"Kung hindi kayo naniniwala saakin, bakit hindi niyo ko hayaang patunayan ang aming sarili?" Malamig na wika ni Yvonne. Bakit kaya wala rito si Jake at Tiffany? "Bakit hindi natin idaan sa Labanan? Kung sino ang matitirang buhay ibigsabihin siya ang tunay na itinakda." Dugtong ni Yvonne. Sumama ang mukha ni Ylona at tila ba hindi na ito mapakali. Ano bang plano ng mo Yvonne? Patayan e?

"Ngunit Ama, kaylangan kong iriserba ang lakas ko para sa magaganap na gyera." Agarang apila niya. Napangisi naman si Yvonne at sumandal sa kinauupuan niya sabay nag dekwatro pa ito.

"Ba't kaylangan mo pang iriserba e hindi ka naman napapagod at isa pa natural ang lakas mo." Malamig ngunit may panunuksong saad nito. "Payag ka po ba mahal na hari?" Siraulo. Kung makipagusap sa hari akala mo kung sino. Baliw talaga tong si Yvonne e. Di pinipili ang kakausapin ng tama.

"Ngunit ama! Nagkakagulo na ang Selvania at heto ngayon ang isang baliw na babaeng—"

"Ba't ka ba tutol ng tutol?! Kung ikaw talaga si Ylona Alcantara papayag ka sa gusto kong mangyari. Patunayan mong sayo ang pangalang iyan!" Pagpapatuloy ko sa sasabihin niya. Leche, naiinis na ako e. Tutol ng tutol. Tsk. Takot lang kay Yvonne. Natahimik ito at ako naman ang sinamaan ng tingin. Yung Ylona na nakasama namin noon na parang isang anghel sa harap nila ama at ina ay nawala na.

"Pumapayag ako." Buo ang boses na wika ni Ama.

**

Aica's Yvonne's P. O. V.

"It's nice to see you again Aica De Luna. Anong pumasok sa isip mo at nagpakita ka na?" I just stared at her blankly. Ang lakas din talaga ng loob ng babaeng to e. Nabigyan na siya ng pagkakataong tumakas kanina, mas pinili pa ding manatili at labanan ako. Bobo din talaga. Tsk. You must be wondering why I reveal myself, wala akong choice e. Tristan told me that the problem of Selvania is Out of control. Kung magpapatuloy ako sa pagtatago at pag-hahanda ay kapalit namna nun ang pagkaubos ng mga ka-uri ko.

Kaya heto ako ngayon at makikipaglaban sa impostor ko. Tss. Nag-iinit ang ulo ko pag naiisip kong sila ang dahilan kung bakit nagiging ganito ang lugar namin ngayon. Tangina sila. Putcha! "Sa paanong paraan mo gustong mamatay?" Malamig kong tanong. May bahid ng pagkabahala ang kanyang mukha ngunit agad niya iyong tinatakpan ng pagngisi.

"Dami mo pang satsat! Simulan na natin ito!" Naalerto ako sa aking paligid ng bigla siya mawala sa aking paningin. Nasa loob kami ng isang napakalaking bilog at napapalibutan ng rehas. Kumbaga nakakulong kami rito. Sa labas ay naroon ang hari at reyna kasama si Denice at Blake. Maging ang mga bampirang nanggaling sa iba't ibang bayan ay nagpunta rito upang manood. Ang bilis nga naman talagang kumalat ng balita oh.

Hindi ko pa din inilalabas ang mga pangil ko ngunit ang mga mata ko ay kulay pula na. Nanatiling alerto ako ng magsimula siyang umikot ikot na parang isang hangin. Shit. Sa tingin ko ay sinusubukan niya akong linlangin. Nagfucos ako at sinubukang sundan siya ng tingin. Before she can creat a tornado, I imidietly trapped her. Nahuli ko ang kanyang leeg at mahigpit siya sinakal. Everyone gasped and murmurs began to filled the whole area. The red haired girl start to strungle to death. Hindi ko siya binitawan at sa halip ay mas diniinan ko pa ang pagkakasakal sakanya.

Hindi ko pinansin ang mga tao sa paligid ko at nanatili lang ang tingin ko sakanya. Tumitirik na ang mata niya at pilit na din niyang tinatanggal ang kamay ko sa kanyang leeg ngunit di hamak na mas malakas ako sakanya. "Ang lakas ng loob mong gayahin ako ah! You even dared to fool my family but sad to say you didn't succeed." Binitawan ko ang leeg ng at dumistansiya. Patikim palang iyon. Hindi ko pa siya pwedeng patayin, ayokong matapos kaagad ang paghihirap niya.

Naghahabol siya ng hininga habang nakaluhod saakin. "Matagal ng alam ni Ama at Ina na hindi ikaw ang tunay nilang anak. HAHAHA, kaya nga sila pumayag sa labanang ito. They want you dead." Natahimik ang mga bampira sa paligid at tanging boses ko lang ang nangingibabaw. Nagulat ang lahat sa rebelasyong naganap. Hindi nila inaasahan na ang babaeng tinuturing nilang 'ako' ay imposter pala. Paano ko ito nalaman? Simple, dahil una ko silang kinausap nung wala ang inpostor. Lahat ng ito ay plinano namin.

Itong labanang ito ay nirequest ko kay Ama. Tss, hindi pwedeng hahayaan ko nalang ang panglolokong ginawa niya sa pamilya ko at ipaubaya ang kamatayan niya sa iba. No way. I won't let that happen. Gusto ko sa kamay ko mismo siya mamamatay. In very painful way.

"No! I am Ylona Alcantara and I will kill you!" Then she attacked me again. She tried to reach for my neck ngunit bago pa man siya tuluyang makalapit ay sinipa ko ng malakas ang tyan niya.  Agad siya tumilapon at napaluhod habang sumusuka ng dugo. Nadurog ko ata ang laman loob niya. Psh.

"Gago! Pinapahiya mo ang pangalan ko. Ni hindi mo nga kayang lumapit saakin." Mayabang kong wika. I don't care what people might say. E sa mayabang ako e. "Hindi ka pa rin ba bibitaw sa pagiging impostor? You know, I might spare your life." Sumandal ako sa rehas na malapit saakin at tinignan siya.

"Bakit hindi mo nalang ako patayin? Tutal napatunayan mo na sakanila na ikaw nga ang tunay na itinakda." Natawa ako at naglakad palapit sakanya. Hinawakan ko ang panga niya at mahigpit itong hinawakan. She looks so helpless but at the same time angry is visible on her face.

"There's no fun if I kill you that fast. Gusto kong maranasan mo din ang mga ipinaparanas niyo sa mga ka-uri natin." At marahas na binitawan iyon. Again, sinakal siya at pinatayo. Walang sabi sabing ibinalibag ko siya sa sahig. I heard a cracking bone as I heard her screams. But she never shouted for help. Lahat ay nanatiling tahimik, tila takot na baka sila ang sunod kong pahirapan.

"Buhay ka pa ba? Hoy!" Sinipa sipa ko ang tigiliran niya ng nanatili siya nakahiga at nakapikit. Napapadaing siya sa tuwing sisipain ko kaya sa tingin ko ay lasog lasog na ang katawan niya. Kung buto ang mababali it will takes time before it will finally healed. Kung sa tao ay limang taon mahigit bago tuluyang maayos ang baling buto, sa bampira ay isang linggo lang. Ayon kay Tristan. Naks. Dami ko ng natutunan sakanya.

Tumigil ako sa paninipa sakanya at naupo. Inilabas ko ang dagger ko at pinaglaruan. This is my favorite dagger so I brought it here. "Masakit diba? Ganyang ganyan yung nararamdaman nang mga bampirang pinahihirapan niyo o baka mas masakit pa." Malamig ang boses na wika ko sakanya. Habang nasa daan ako pabalik sa Selvania ay nadaanan ko ang isang bayan na nasusunog. May mga nagsisigawan na humihingi ng tulong at meron ding lumalaban kagit hinang-hina. Sobra akong nagalit sa mga bampirang nagpapahirap sa bayang iyon kaya tumulong ako.

At sinasabi ko sainyo. Napakapangit ng lagay ng bayan. Maging nga oradinaryong bata ay piniling lumaban. Imagine? Parang ako lang yung nga bata iyon e. Sa murang edad ay naturuan na kung papaano makipaglaban. Then I saw an old lady.  Lasog lasog ang katawan. Wala mang sugat sa balat ngunit ng hawakan ko ay nasa loob lahat ng damage niya. Nilabanan ko ang mga bampirang bumubugbog sakanya pero huli na. Hindi na kinaya ng katawan niya.

I felt my fangs showed up ng muling bumalik sa alaala ko ang nangyaring iyon.  Bumugso ang matinding galit sa puso ko at kuyom ang kamao ko. I fvcking want her dead. "Go to hell!" As I shouted that words, gamit ang dagger ko ay buong lakas ko siyang sinaksak deretso sa puso.

--

PrincessPappie❣

She's The Vampire Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon