✖chapter 20 : Gangster Kingdom (part 2)✖

8.8K 243 5
                                    

Tristan's P.O.V.

Nandito kami ngayon sa living room ng mansyon at mag-uusap usap. Gabi na at may sasabahin ako sakanila.


"So bakit mo nga hinahanap si Yvonne.? Tristan.?"-panimula ni Tiffany. Umayos muna ako ng bago tumingin sakanila ng deretso. Katabi ko kasi si Blake tas kaharap ko naman sila Jake at Tiffany.


"May nasaksihan ako. Hindi ordinaryong tao si Yvonne."-sagot ko naman sakanila. Nakita ko naman na nagka-tinginan sila ni Jake at Tiffany.


"Paano mo naman nasabi na hindi siya ordinaryong tao.?"-tanong naman ni Blake sakin. Yumuko lang ako at ipinatong ang dalawang siko ko sa tuhod ko at pinaghawak kamay ko naman ang kamay ko.



"Nakit ko siya kanina, nakikipag laban sa maraming ninja kung tawagin sa mundo ng tao. May kanya kanya silang hawak na samurai. Pero si Yvonne....."-hindi ko matuloy-tuloy na kwento sakanila habang naka-yuko padin. Hindi kasi ako makapaniwala na kaya niyang gawin yun.


Damn.! For pete's sake, 15 y/o lang siya pero bihasang bihasa na siya sa pakikipag-laban sa puntong hindi na niya kaylangan ng armas pa para labanan ang ganung karami na ninjas.!


"Pero si Yvonne what.?"-tanong naman ni Tiffany na parang nae-excite. Muli kong inangat ang ulo ko at tinignan sila.


"W-wala siya hawak na kahit anong armas. Kamay lamang niya ang ginamit niya sa buong laban."-dugtong ko. Hindi ko alam pero parang may something sakin na kaylangan kong sundan at alamin ang lahat ng tungkol kay Yvonne.


"Eh anong nangyare sakanya Tristan.?"-tanong naman ni Blake.

"Oo nga, bakit hindi na siya bumalik kanina.?"-tanong naman ni Jake sakin.


"At saka pano niya nagawa yung ganun. Eh hindi naman madaling iwasan at sanggain ang samurai gamit ang kamay lang."-sabi naman ni Tiffany na parang hindi pa sila naniniwala.


"Yun na nga eh. Alam kong hindi kapani-paniwala ang sinasabi ko but believe me.! Pero may nakita akong lalaki na tumutulong sakanya at mukhang kasing-edad lang natin. Pero meron siyang hawak na samurai din hindi tulad ni Yvonne kaya tumulong na din ako."-kwento ko pa sakanila.


nang tignan ko ang nga reaksyon nila.....gulat ang nakarehistro dito.




"N-nakita ba niya ang mga kuko mo at ngipin mo.?"-kinakabahang tanong ni Tiffany sakin. Iling lang ang sinagot ko sa tanong niya at mukha naman siyang naka hinga ng maluwag.


"Hindi ko nilabas ang kuko ko at pangil ko. Gumamit ako ng samurai upang hindi niya mahalata. At isa pa, busy siya sa kalaban niya."-sagot ko pa sakanila. Tumango lang sila bilang tugon.



"And before I forgot, may hinala na kami kung nasaan ang prinsesa."-biglang sabi ni jake na ikinatingin namin. Bigla naman akong nakaramdam ng kaba at pagka-curios. Geez. Ngayon lang ako nakaramdam ng kaba. Hindi ko alam kung bakit.



She's The Vampire Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon