✖Chapter 36✖

7K 201 6
                                    

Denice's P.O.V.

Matapos ang naging pag-uusap na iyon ay naging komportable na ako sa'king mga magulang. Maliban kay Ylona. Hindi ako komportable sa mga ngiti niya.. At sa tingin ko ay ganun din ang aking mga kaibigan.

Nang nag-aya ng kumain si Tita Elena ay saka ko lang naalala ang isa ko pang bisita na dapat ay kanina pa nandito. Si Yvonne. Hanggang ngayon ay wala pa siya. Trenta minutos na ang nakalipas at impossibleng tatagal siya ng ganun sa pagmamaneho. Kaya tinawagan ko siya.

Hanggang ngayon ay palaisipan pa din saakin ang naging pag-uusap namin. Nang tawagan ko siya ay biglang nawala si Ylona. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta ngunit hindi ko na iyon pinagtuonan pa ng pansin dahil sa hinihingal na tinig ni Yvonne. Para bang kagagaling lang niya sa pagtakbo at ganun nalang siya kung hingalin. Nag-alala ako ng mga oras na iyon kaya napalapit saakin si Tristan at Blake.

Mukhang natunugan nila kung sino ang kausap ko. Pero naintindihan ko naman siya at mukhang nagmamadali pa siya kaya hindi na ako nagtanong ng kung ano pa sakanya. Nakakalungkot nga eh dahil hindi ko maipapakilala sakanya ang mga magulang ko. Eh siya pa naman ang  kauna-unahang kaibigan na meron ako. Hayst.

Pero nakakainis kasi hanggang ngayon hindi ko alam kung anong ugnayan meron ang grupo nila blake at ng mga magulang ko. Matalino naman ako, pero bakit hindi ko malaman-laman kung anong meron sakanila? Peste! Katatapos lang naming kumain at nakita ko naman na mukhang busy sila sa pag-uusap usap.

Malay ko ba kung ano pinag-uusapan nila..

Dahil mukhang busy naman sila ay minabuti ko nalang na maglakad-lakad muna sa labas. Hindi na ako nagpa-alam pa dahil ayokong maabala ko pa sila. Papalabas na ako sa gate ng marinig kong may tumawag saakin. Hindi sa pangalan ko bilang tao ah!

"Princess Hazel!" Sinamaan ko agad ng tingin ang malas sa buhay ko. Si Blake. Kainis kasi eh. Mula kahapon 'di na niya ako tinantanan. Lagi nalang niya akong inaasar tas bubuntot-buntot pa na akala mo naman may papatay saakin. "Ano nanaman ba ha?!" Inis kong tanong sakanya. Napataas naman siya ng kamay na para bang sumusuko sa mga pulis. Hinayupak talaga..

"Chill lang Princess! Baka sakmalin mo ako at kunin mo ang dugo ko niyan.." Mapanuyang tugon niya sa'kin. Napa-irap naman ako at napahalukipkip. "Ano bang kaylangan mo?!" Iritable kong tanong sakanya. Ngumisi naman siya at ibinaba ang mga kamay. "Kung....sasabihin ko ba....ibibigay mo??" Mabagal niyang tanong gamit ang mapanuyang tono. Nangunot ang noo ko at tumaas ang isang kilay ko.

"Tsk. Ewan ko sayo! Mukha kang aso!" Asik ko sakanya bago siya talikuran. Naglakad ako palabas ng gate upang maglakad-lakad muna. May malapit naman na court dito sa amin eh. Tahimik doon pagganitong oras. Tanghali kasi tas sa likod ng court na yun ay may garden naman na puro mga puno at ibang prutas ang nakatanim. Magandang magpalipas ng oras..

"Wait Princess!"

Putik! Ano bang problema niya? Kanina pa niya ako tinatawag na princess ah!

Hindi ko siya nilingon at nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Pero laking gulat ko ng makitang nasa tabi ko na siya at nakikisabay na maglakad sa'kin habang nakangiti pa. "Yung totoo? May lahi ka ba talagang aswang?" Kunot-noong tanong ko sakanya. Nilingon naman niya ako ng may kumikislap na mata at namimilog na bibig. Parang ganito oh, *O*.

Ang pa....ngit niya...na cu..te..

Hala siya! Ano daw? May ganun ba? Ewan ko.. Hayss..nababaliw na ako mga kaibigan, mukhang kaylangan ko ng ikulong ang sarili ko sa mental. Psh

d-,-b

"Kanina, aso? Bakit naging aswang naman ngayon?" Natatawa niyang tanong saakin. Sinamaan ko nalang siya ng tingin. "Pareho. Mukha kang asong-aswang." Masungit kong sagot at nagpaumuna ng maglakad. Ha! Akala niya ah! Sus, prinsesa yata toh ng mga bampira. Letche!

She's The Vampire Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon