✖Chapter 43✖

6.2K 199 7
                                    

Third Person's P.O.V.

Sa sobrang pag-iisip ni Aica Yvonne sa mga plano niya pagbalik ng mongolia ay hindi niya manlang naramdaman ang presensiya ng lalaking kanina pa nagmamasid sa bawat kilos niya. Lingid sa kanyang kaalaman ang pagsunod nito sakanya mula ng siya'y lumabas ng Condo dala ang Gamit hanggang sa Siya'y makababa ng Eroplano at makarating sa kanilang mansyon.

Nanlulumo siyang naglakad papalapit sa pintuan ng kanilang mansyon at para bang may pumipigil sakanyang pumasok. Batid niyang sa pagbukas ng pintuan iyan ay tatambad sakanya ang isang banga at malaking litrato na magpapatunay ng lahat.

Sa kabilang dako naman ay hindi magkanda ugaga si Tristan sa pagdaan sa mga puno na nakapalibot sa Mansyon ng Mga De Luna. At pag patong sa matayog na bakuran nito. Ang mansyon ng mga De Luna ay nasa gitna ng isang maliit lamang na Gubat sa Mongolia. Hindi mo ito makikita sa Syudad bagama't mukha itong moderno at napakagara. Sa paligid nito ay napapalibutan ng mga puno na sa di kalayuan din ay makikita mo na ang kalsada. Ngunit ni sinoman ay walang nagtangkang pumasok sa gubat at puntahan ang nasabing mansyon.

Dahang-dahan at nanginginig ang kamay na tinulak ni Yvonne ang pintuan bagama't alam na niya ang kanyang makikita ay di niya parin maiwasang kabahan. Sa lahat ng taong nakasalamuha niya sa mundong ito ay ang kanyang lolo ang pinaka-iingatan niya at ito rin ang dahilan kung bakit nananatili siya buhay at lumalaban sa kabila ng lungkot at pangungilila sa isang buong pamilya.

Pero ni kaylanman ay hindi ipanaramdam ng kanyang lolo na silang dalawa lang ang magkapamilya. Ipanaramdam nito sakanya ang isang buo at masayang pamilya. Ngunit lahat ng iyon ay naglaho. Sa isang iglap, iniwan siya ng kanyang lolo. Hindi niya napigilan ang pagpatak ng kanyang luha ng tumambad sakanya ang Isang mamahaling banga at sa tabi nito ay ang malaking litrato ng isang masaya at masiglang Ginoo.

Nag-uunahan sa pagpatak ang mga luha niya pero ni isa man doon ay hindi nagpagaan ng kanyang kalooban. At kahit nanghihina dahil sa kanyang nakikita ay pinilit niya parin ang kanyang sarili na maglakad upang lapitan ang labi nito. "L-lolo.." halos walang boses na bulong ng Humahagulgul na Yvonne at agad na niyakap ang Banga na naglalaman ng abo ng kanyang Lolo.

'ipaghihiganti kita lo.. wag kang mag-alala, hindi ako papayag na ginawa nila ito sayo! Ipapakita ko sa mga putanginang yun kung sino ang binangga nila! Mga Tarantado sila! Lintek lang ang walang ganti!

Galit. Galit ang umusbong sa puso ni Yvonne. Hindi matutumbasang galit na dahilan ng pagbabago ng kanyang anyo. Ngunit wala siyang pake alam kung sinoman ang makakita sakanya. Dahil sa oras na ito ay gusto na niyang ipakilala kung sino at ano ba talaga siya.

Agad na sumiklab ang takot sa mga sistema ng bawat gwardiya at tauhan na nakakita kay Yvonne sa ganoong anyo. Hindi nila mawari kung anong klaseng nilalang ba ito. Ngunit ni isa sakanila ay walang nagsalita o gumalaw dahil sa takot na sila ang mapagbuntunan ng galit nito. Samantala, nanatili naman na nakapatong sa isang mataas na puno si Tristan at tahimik na nagmamasid sa loob ng Mansyon. Mula sa kanyang kinalalagyan ay kitang kita niya ang mga nangyayare sa loob ng mansyon dahil sa malaking Bintana nito.


Hindi siya makapasok kaagad dahil sa mga Armadong lalake na romoronda sa paligid. Batid niya mahihirapan siya makapagbasag-ulo sa mga ito hangga't hindi niya pinapalabas ang halimaw sa kanyang katawan. Kung kaya't nanatili siyang nakaupo roon sa sanga at nakasandal ang likuran nito sa puno at pinagmamasdan si Yvonne.

Hindi niya maintindihan ang sarili dahil sa kanyang nararamdaman. Parang may kung anong kirot sa kanyang dibdib habang nakikita niya si Yvonne na nagkakaganon. Siguro'y hindi lang ako sanay at naawa lamang ako sakanya. Kibit balikat niya sa sarili.

Maya maya lang ay nakatulog nalang si Yvonne sa sofa habang yakap yakap ang banga ng kanyang lolo. Mapapansin pa rin na kahit sa pagtulog nito ay umiiyak pa rin ito. Tss. Nakakaawa siyang tignan.. iiling iling na komento nitong muli sa isipan.

Nang mapansing umalis ang mga Tauhan at Gwardya (para siguro magpahinga dahil malalim na din ang gabe) ay agad siya pumuslit sa likurang bahagi ng Mansyon kung saan merong maliit na pintuan roon na batid niyang para sa mga katulong.

May isang bantay doon at malaki ang katawan nito at halatang may lahi. Kung kaya't nagdahan dahan siya sa paglalakad at inilabas ang matutulis na kuko ng kanyang lobo. Agad niya itong itinarak sa batok ng gwardya dahilan upang mawalan lamang ito ng malay. Sinadya niyang wag patayin ito dahil wala naman siyang rason para gawin iyon. Nang masiguro ayus na ang lahat ay saka siya pumasok sa loob dala ang armas at ilang gamit ng gwardyang pinatulog niya upang hindi siya paghinalaan.

Napasulyap sakanya ang ilang mga katulong na nasa kusina nang mapadaan siya rito ngunit hindi na siya pinagtuunan pa ng pansin ng mapansin ang armas na dala. Agad naman niyang hinanap ang sala at nilapitan ang natutulog na si Yvonne sa sofa.

Napapailing na dahan dahan niyang tinanggal ang banga sa mga bisig nito. Dahil siguro sa pagod at pagluluksa ay hindi manlang ito naramdaman ng dalaga. Pagkatapos nun ay mabilis niyang binuhat si Yvonne at kahit hindi alam kung nasaan ang kwarto nito ay sinimulan niya paring maglakad habang buhat buhat ito.

King ina, ang bigat pala nito..
Napangiwi siya dahil sa bigat nito. Naglakad lakad muna siya sa Hallway ng Second Floor ng bahay at isa isang sinisilip ang mga kwarto. Minsan naman ay magtatago kung may makakasalubong. Syempre buhat niya ang Boss nila. Magtataka at maghihinala ang mga iyon.

Hindi rin nagtagal ay nahanap niya ang kwarto ni Yvonne. Nalaman niyang kwarto ito ni Yvonne ng makita niya ang pangalan nito na nakadikit si pintuan. dali dali siyang pumasok at ini-lock ang pintuan. Pagkatapos ay dahan dahang ibinaba si Yvonne sa kanyang Kama.

Mukhang mahimbing parin ito natutulog bagama't may mga butil pa rin ng luha ang kanyang pisngi. Sa hindi malamang dahilan ay dahang dahang umupo si Tristan sa harap nito at wala sa sariling pinunasan ng marahan ang luha sa pisngi ng dalaga. Mabilis ang pagtibok ng kanyang puso habang siya ay nakatitig rito at animong sinasaulo ang bawat detalye ng kanyang mukha. Hanggang sa napadako ang mga mata nito sa mapupulang labi.

Hindi niya malaman kung bakit parang nanghihikayat ang mapupula nitong mga labi kahit na alam niyang sa likod ng labing iyan ay nakakubli ang napakatuling na pangil na pwedeng tumapos ng kanyang buhay.

Sino ka ba talaga Yvonne? Marami na akong nalalaman tungkol sayo ngunit bakit pakiramdam ko'y hindi parin kita kilala? Ano bang meron ka at nagagawa mo saken to?

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•

To be Continue..

Author's note

So guys ayan na. Nakaupdate na ako. Hahaha sorry once a month nalang ako mag-update. Wag ho sana kayong magalet saken. Wala eh, mahirap maging ako. Hahaha! Kung gusto niyong maranasan aba'y oo ba! Baket hindi. Willing akong makipag switch ng kaluluwa. Hahahaha. King inang kalokohan yan ((^__^))

Sorry na mga pre. Ang hirap lang talaga sa lagay ko ehhh yun lang bye. Wag kayo saken, mayabang ako:v

Joke lang. Dito ka saken, kahit mayabang to kaya kitang pakiligin. Hahahaha.

P.S. Babae ako ha, baka isipin niyo lalake 'ko:<

Me and my self,
PrincessPappie❣

She's The Vampire Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon