✖Chapter 25✖

8.3K 232 3
                                    

♡M♡O♡N♡D♡A♡Y♡

Yvonne's P.O.V.

"Okay class, ready na ba lahat ng gamit niyo.?"-nakangiting tanong samin ng Lec.

Nandito kaming lahat sa harap ng school kung saan nag-aantay ang bus na sasakyan namin papunta sa camping place.

"Yeessss seerr!"-sagot naming lahat.

"Eh kayo? Ready na ba kayo?"-tanong niya ulet samin.

"Yess seerr!"-sagot din ulet namin.

"Okay, at dahil ready na kayo, sumakay na kayo sa bus para makaalis na tayo!"-sabi niya pa kaya naman nagsimula ng mag-usap habang papasok sa bus ang mga kaklase namin.

"Yeeiii excited na ako, hehe!"-biglang sabi sakin ni Denice dahilan para mapatingin ako sakanya. Ngumiti naman ako agad sakanya.

"Haha, ako nga din eh. Ano kayang gagawin natin noh??"-tanong ko naman sakanya habang nakangiti.

"Paniguradong  paguran nanaman ang mangyayare sa camping na'to. Tsk.....pero excited na rin naman ako. Hihihi"-sagot niya na nakangiti din sakin.

"Oh tara, sakay na tayo."-yaya niya sakin kaya sumakay na rin kami. Habang papasakay naman kami ay tinatanong ko siya.

"Nasaan nga pala sila Tiffany.?"-tanong ko sakanya habang lumilinga---umaasa na mahahanap ko sila.

"Hindi ko nga din alam eh. Sabi nila susunod nalang daw sila. Sinundo pa nga ako sa bahay kanina lang pero umalis naman sila agad."-sagot naman niya sakin. Nagtataka naman na napa-tango nalang ako.

'Saan naman kaya sila nagpunta?? Hmm...'

napapa-isip talaga ako sa mga yun. Iba eh. Nung Sabado na hindi ko suot ang necklace ko ay naamoy ko talaga ang amoy ni Tiffany at Jake.

Hindi ko maintindihan eh. kaparehas ng amoy nila yung amoy ng necklace ko. As in matapang talaga na amoy ng rosas.

'Pero wala naman akong nakitang necklace sa leeg nila.? Pano nangyare yun?.....tsk. Meron talagang tinatago ang mga yan eh. Panigurado ako dun. Tsk tsk tsk'

Tinigil ko na ang kakaisip at umupo sa bakanteng upuan ng makapasok na kami ng tuluyan sa loob ng bus.

Tristan's P.O.V.

"Queen Eva."-sambit naming apat sabay yuko sa kanyang harapan. Umayos naman kami ng tayo saka bumaling naman sa hari na katabi lamang ni Queen.

"King Nicolas."-sabay yuko ulit naming apat. Tumango naman silang dalawa kaya umayos na kami ng tayo.

"Mabuti naman at naalala niyo pang bumalik ng selvania."-seryosong sabi samin ni King nicolas. Bahagya naman kaming napayuko dahil dun.

"P-pasensiya na po, naging abala ho kami sa kakahanap ng itinakda."-nakayukong sagot ni tiffany sa hari.

"Ibig sabihin ba nito ay hindi niyo pa rin nahahanap ang aking panganay na anak.?!"-kalamado ngunit bakas ang galit sa kanyang boses dahilan upang mas lalo kaming mapatungo.

d>__<b!!

Nakaramdam naman ako ng matinding kaba dahil sa galit na ipinapakita ng hari. Kapag nagagalit ang hari ay lumalabas ang pagiging bampira niya at dun kami kinakabahan ng matinde. Tahimik lamang na nakikinig si Queen Eva samin. Narinig ko naman na napabuntong hininga si King Nicolas saka muling nag-salita.

"Anong ipinunta niyo dito?"-kalmadong tanong niya samin kaya nag-angat ako ng ulo ko at tumingin sakanya.

"Malapit na po ang kaarawan ng pangalawang prinsesa."-deretsong sagot ko sa hari habang nakatingin sa mga mata niya.

She's The Vampire Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon