Chapter Three ♕

Start from the beginning
                                        

“Simple lang naman ang trabaho dito. Katulad ng ginagawa ko ngayon.” Saglit siyang tiningnan nito. “Kailangan mo lang siguraduhin na nabalik ang mga nahiram na mga libro at syempre…” Nilapag ng librarian ang bolpen at sinara ang record book. “…kailangang maisaayos ulit ang mga libro sa mga shelves from time to time para makita ulit ito ng ibang estudyante.”

 

 

“Okay po” Nahihiyang pagsang-ayon ni Pam.

“So, are you okay with that?”

“Yes, po ma’am but…”

“But?”

“Pwede po bang…” Nag-aalangang magsalita si Pam dahil kaka-met lang nila ng librarian at embes na magpa-empress, eh ito siya’t humihingi agad ng pabor.

“Ano ‘yon Ms. Gonzales?”

“Kasi po ma’am… may work po kasi ako every 1-7PM po. Part-time job kop o kasi ‘yon at…ahm…hindi po kasi pwedeng malate. Eh, malayu-layo din po kasi kaya ayon po…”

Pam tried to be polite as ever. Halos masuka na siya sa kaka-po niya sa librarian. Ayaw kasi niyang ma-misinterpret ito na ‘excuse’.

“Pwede naman.” Masayang sagot ni Mrs. Delos Santos. Akala niya kasi kung ano’ng pabor ang hihingin ng estudyante.

“TALAGA PO?!  PROMISE? WALANG BAWIAN?”

Bakas sa boses ni Pam ang tuwa pagkatapos marinig ang pagpayag ni Mrs. Delos Santos. Hindi niya inaasahan na papaya ito agad sa hinihiling niya. Ang buong akala niya eh magagalit ito sa kanya at pahirapan siya.

“I understand working students. I was once before, so it’s no big deal for me.” Dagdag pa ng librarian. Natutuwa din siyang makita na meron pa palang katulad niya na gustong makapagtapos sa kabila ng kahirapan.

“Maraming salamat po. Salamat po talaga ma’am. Salamat.”

“You’re welcome. But Ms. Gonzales, we have to have 2 hrs everyday for us to meet Doctor Zaragoza’s requirement for your detention.”

 

“Oo nga po eh. Pa’no po yon?” Nag-aalalang tanong ni Pam.

Eni-mail kasi ng doctor ang attendance sheet ni Pam para sa kanyang isang buwang detention sa Library. Hindi naman kasi pwedeng pagtakpan siya araw-araw ng Librarian kung 30-minutes before 2 hours eh aalis na siya sa Library.

“I have given you permission to leave 30-mins before the time but you have to make sure that you will complete the 2 hours within the day or the next day. As long as you will have a total of 56 hours a month after today. I don’t care if you will come here on Saturdays basta 56hours.”

“Sige po. Salamat. Maraming salamat po.”

Buti nalang at may ganoong proposal ang librarian dahil wala talagang naisip na solusyon si Pam. Walang patid ang pasasalamat ni Pam kay Mrs. Delos Santos kaya pinabalik nalang siya nito ng AB building para sa susunod niyang klase.

Masayang-masaya ang feeling ni Pam habang naglalakad siya pabalik ng building. All her worries from earlier were gone dahil hindi naman pala ganoon kahigpit ang Librarian.

Sa loob ng campus ay may limang malaking buildings sa iba’t-ibang parte nito. Mga buildings ito ng colleges –College of Education, AB College, College of Commerce, Comp.Sci College at College of Midwifery. Ang mga hindi kalakihang buildings naman ay gymnasium at Admin building nasa loob nito ang Registrar, Accounting, Clinic, Guidance Counselor, Library at Directors office.

Malaki ang campus at maganda ang facilities pero hindi kasing high-tech ng mamahaling Colleges.

Kasalukuyang naglalakad si Pam sa hallway papuntang hagdanan paakyat na nasa dulo nito.  Masayang iniisip ang nagpagusapan nila ng librarian. May ibang mga perks kasi ang pagiging assistant niya dito katulad ng pwedeng magdala ng pagkain at hindi na siya bibili ng library card.

Out of nowhere ay may biglang humarang na upoan sa kanyang harapan at dahil pahakbang na ang kanan niyang paa ay hindi niya napigilang matisod at sumimplang paharap sa ibabaw ng upoan. Wala pang sampung sigundo ay nagkaface to face ang mukha ni Pam at ang puting tiles.

“Buti nga sayo!” sabi ng lalaki na nakatayo sa harapan ni Pam at naglakad ito palayo sa kanya nang hindi man lang siya tinulongang makatayo.

Tiningala ni Pam ang nagsalita ngunit ang nakita lang niya ay ang likod ng lalaking palayo. Sa hugis ng likod nito at tindig ay alam niyang is Ivo ang lalaking iyon.

“TUKMOLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLL…….”

Galit na sigaw ni Pam sa papalayong lalaki. Wala siyang pakialam sa mga estudyanteng tumatawa at nagbubulong-bulong sa paligid niya.

Patuloy sa paglalakad si Ivo. Itinaas niya ang kanang kamay at gumawa ng FU sign na mas lalong nakapagpainis kay Pam.

Nakaganti din ako sayo. Tuwang-tuwang sinabi ni Ivo sa kanyang isipan. Mainit ang dugo niya rito dahil sa oily nitong mukha, mabatung mga braso at ma-alambreng buhok. Idagdag pa ang parang walang pinag-aralang asal at pananalita nito.

“Argggghhhhhhhhh” Narinig niyang sigaw mula sa babaeng tinatawag niyang ‘Split-ends’.

Please do comment if something is wrong with the chapter.

Please vote for it too.

Thank you readers. I’m counting on you.

The Billionaire Prince ♕ (On Going)Where stories live. Discover now