Chapter Three ♕

Start from the beginning
                                    

Napaisip si Docktora Julie sa binatawan ni Pam na pangako. Alam niyang mangangako ito para masalba ang scholarship pero her promise it too optimistic. Walang room for error. Pero ika nga ni Paulo Coelho Everything that happens once can never happen again but everything that happens twice will surely happen a third time. Ito din ang paniniwala ng Doktora.

“Deal!” Tumayo ang doktora at bumalik sa sariling upoan. “Hindi ko ito isasali sa evaluation ng scholarship mo but I want you to assist Mrs. Diane Delos Santos for a month.” 

Ang tinutukoy ng Doktora ay ang librarian. May mga working students naman na nag-aasist sa kanya na magligpit ng mga libro ngunit may time na wala.

“Ayaw mo?”

“Hindi po. Okay lang po. Ayos lang. Maraming salamat po.”

Sa totoo lang ay hindi naman talaga ayos it okay Pam. May part-time job kasi siya pagkatapos ng kanyang klase at maaring itong maapektuhan.

“Then it’s settled. You need to be at the library 2 hours per day, for a month.”

“HO?!”

Gulat ang naging reaksyon niya. Alas-onse natatapos ang mga klase niya at ala-una naman nagsisimula ang part-time job niya.

“Gulat na gulat ka? Would you rather have this incident on your record?”

 

“No ma’am. Okay na po ako do’n. I’ll be there po.”

 

“Okay.”

Pagkatapos nilang mag-usap ay pinapirma si Pam ng kasulatan na naglalaman ng pinagkasundoan nila. Pagkatapos niyon ay pinapunta siya sa Library upang makausap si Mrs. Delos Santos, ang Librarian.

Ang naturang Library ay nasa kaparihong floor ng pinanggalingan niya. Kumanan muna siya at binaybay ang mahabang hallway. Hindi kalakihan ang Admin building, mas malaki ang building ng mga colleges sa loob ng campus kaya mabilis niyang narating ang Library.

“Good morning po.” Halos pabulong na bati ni Pam sa Librarian nang matunton niya ito sa ginang bahagi ng Library.

Ms. Gonzales right?”

Nakasuot ang Librarian ng makapal na eyeglasses, kayumanggi ang balat at kulot ang mahabang niyang buhok.

“Yes Ma’am.”

Ang lamesa ni Mrs. Delos Santos ay napapalibotan ng mga estanteng hanggang dibdib ang taas at punong-puno ng libro. Umikot muna siya sa estanteng iyon para makalapit sa lamesa ng ginang.  

“Take a seat.”

Tinuro sa kanya ang bakanteng upoan sa harapan ng librarian. Besing-bese ito sa pagsusulat ng mga binalik na libro sa malaking record book.

The Billionaire Prince ♕ (On Going)Where stories live. Discover now