24

3 1 0
                                    


Bakit napunta na naman sa akin ang topic?

"Sa Lestriv Academy po."
Sagot ko

"Pareho pala kayo ng pinapasukan ng anak kong si Ash."
Sabi ni Tito Andy.

"Siguradong nakikita niyo ang isa't isa sa Lestriv hindi ba?"
Tanong sa amin ni Tita Lucy.

"Yes Mom, magkaklase kami sa subject ni Mr. Alonzo."
Sagot ni Ash.
Mabuti naman at nagsalita ka din ng matino.

Tumango ako bilang sang-ayon sa sinabi niya.

"Mukhang malapit kayo sa isa't isa ha? Nakita ko pang magkasabay kayong umuwi ng anak ko kanina."
Kwento naman ni Tito Andy.

Nakita kong lumingon sa akin si Daddy at tinaasan ako ng kilay.
Akala ko ba nagpaalam si Kuya Ronan?

"Hindi naman po, sinabay lang ako ni Ash dahil nakita niya po akong wala masakyan."
Pag explain ko.

"Bakit anak? Hindi ka ba sinundo ni Ronan?"
Tanong sa akin ni Daddy
Umiling ako bilang sagot.

"Nag text po siya sa akin, hindi niya daw po ako masusundo."
Pagka sabi ko nun ay biglang pumasok sa loob si Manang Nilda sa dining room at may inabot na papel kay Daddy.

"Bakit Manang Nilda?"

"Si Ronan po sir nasa presinto, tinangay niya po ang kotse pati na din ang mga pera mo po sa vault."

Napatayo si Dad sa gulat.

"Pasensya na kayo Mr. And Mrs. Valdez may kailangan akong puntahan."

Tumayo na rin ang pamilyang Valdez,

"Sige, salamat sa hapunan Albert, uuwi na kami at gumagabi na."
Pamamaalam ni Tito Andy.

Umalis sila lahat sa dining room at ako nalang ang natira sa loob.
Pinagpatuloy ko ang pagkain at ng matapos ako ay tumaas na ako para matulog.

Bakit nagawa iyon ni Kuya Ronan?

Yan ang tangi kong iniisip ngayong hating gabi.
Hindi ako makatulog dahil sa balitang narinig.
Kinuha ko nalang ang phone ko na nasa gilid ko at
nag online nalang sa social media.
Dahil wala akong magawa ay scroll lang ako ng scroll.

Nang May biglang nagbato sa bintana ko...

Nabitawan ko ang phone ko dahil na rin sa gulat.
Peste naman oh! Sino na itong hayop na ng babato!

Tumayo ako at pumunta Sa bintana.
Binuksan ko ang bintana at sinilip kung sino ito.
Muntik na akong matamaan sa mukha ng bato,
mabuti nalang nakaiwas ako.

Binuksan ko ang flashlight ng phone ko,
At sumilip ako sa labas kung sino ba ang ugok na nambabato sa bintana ko.
Nang makita ko kung sino ito,
Muntik ko na batuhin sa kaniya ang cellphone ko.

"Aba g*go ka ha!"
Inis kong sita sa kaniya.
Nakita kong babatuhin niya ulit ang bintana pero ng marinig niya ako ay binatawan niya na ang bato.

"Hi Cassie!"
Sigaw niya habang nakangiti sa akin.
At ang ugok na nambabato ay walang iba kundi ang magaling kong "boyfriend".

AshesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora