2

19 5 0
                                    


-BELLE-

Nakakabwisit talaga si Cassie!!
Buti nalang dala ko ang wallet ko! Mag tataxi nalang ako kesa sumakay ulit sa kaniya! Buwis buhay!

Naglibot libot muna ako sa school since mamaya maya pa daw magbubukas ang office...

Konti palang ang mga tao pero siguradong mamaya maya dadami na

Teka asan ba si Cassie?

Bigla bigla nalang nawawala yun!

"Cassandra Laxheine Del Queza!!"
(Kasandra Lakseyn Del Kweza)
Sigaw ko sa buong pangalan niya at baka malaman niyang hinanap ko siya. Kaso wala paring nangyayari!

Baka nasa soccer field?

Pumunta ako sa soccer field at mukhang wala siya dito dahil walang katao tao-- shit. Is that Ash?...

Asan na ba si Cassandra?!
Nang makita niya si Ash!

MyghASH! Nalulusaw ang mata ko!!--este ang puso ko!
Bakit ba naka topless siya?!

-CASSIE-

Nag-ikot ikot muna ako sa school habang hinihintay namin magbukas ang office...

Buti nalang pinilit ko nung isang araw na magshopping si Mabelle!
Kaya hindi na masyado umiiyak kay Ash na yun!

Pero ganun kagwapo ba yun?
Na halos lahat sa school namin ay kilala siya?
At sikat na sikat na playboy siya!
Pati narin ang mga kapatid niyang
Si Alexander Lance Valdez at
si Aleron Liam Valdez

Yup...di ko pa siya nakikita since laging nakasubsob ang mukha ko sa libro or sa phone. Wala naman akong time para i-search pa siya sa fb...

Mag sa soundtrip na nga lang ako sa soccer field!
Bahala na't hanapin ako ni Belle haha!

Umupo muna ako sa bleacher ang habang finefeel ang katahimikan

Hayss sana ganito katahimik sa bahay! Hindi puro sigiwan tsk!

Mag babasa nga muna ako...
Sinimulan ko ang pagbabasa habang nakikinig ng mga instrumental songs

-BELLE-

Shiittt! Walang kupas ang kagwapuhan ni Ash! Parang lalo gumwapo nang nagbreak kami?!

Sana ako rin eh...gumanda! Eh lalo akong pumanget! At nagka eyebags pa! Letseng playboy! Argghhh!

Wait..asan na ba talaga si Cassansdra?

Nagpalinga linga ako sa soccerfield at baka nandun siya...

Ayun! Sa wakas nakita rin kitang babaita ka!

Lalapitan ko na dapat siya kaso...emeged!!! Nasa ibabang bleacher lang si Ash!! Well...di naman totally na nasa baba...mga siyam na bleachers ang agwat nila...

Pero bakit hindi man lang napansin ni Cassandra na may tao sa baba niya? Ahh kaya pala naka headset siya...siguro sa taas rin siya dumaan?

Papalapit na sana ako nang biglang tumayo si Ash...Aalis na ata....

Nagtago naman ako sa gilid ng pinto at baka makita niya ako at isiping hinabol habol ko siya! Sapat na't iniyakan ko siya noh!

Nang makalayo na siya tsaka ako lumingon sa kinauupan niya....at ang babaita pinupunasan ang sapatos niya...gamit ang panyo ni Ash!!

-CASSIE-

Habang nagbabasa ako nahulog ang ang papel na naka-ipit sa librong binabasa ko kaya pinulot ko ito...

"Omg!"
Hindi ko mapigilan ang magulat ngayong nakita ko ang mamahaling sapatos na suot ko na may putik!

OMG hindi pwede toh!!!

Bakit ba kasi ako dumaan sa garden?
Arrgghhhh!!

Kinapa ko ang bag ko at baka may wipes doon na pedeng ipang punas!
Kaso wala!

Lumingon lingon ako...
nagba-bakasakali na may makitang pwedeng ipang punas

Ha! Ayun sa ibaba!
Tumayo ako at inayos ang blouse ko na nagusot at tsaka dahan dahan na bumaba...

Nang makababa ako...pinulot ko na ang navy blue na panyo...ang bango! Ano kayang pabango niya? At matapang ha? Panglalaki eh! Sinuri ko naman ito...
May initials!! A--L--V?? Sino kaya yun?

Hays basta na nga! Bumalik na ako sa pwesto at sinimulan itong punasan...
Nanghihinayang man dahil baka mawala ang amoy nito tinuloy ko parin ang pagpunas...

"Kung sino ka mang may ari nito...sorry!Hehe lalabhan ko nalang " parang timang kong bulong sa hangin...

Patuloy ko na pinupunasan ang sapatos ko...

Nang may biglang naghablot ng panyo

"What the f*ck?"

AshesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon