22

7 1 0
                                    


"Need a ride?"
Tanong niya sa akin at isinara ang pintuan ng kaniyang kotse.

"What?"

"I assume that you heard me, Del Queza"

"I mean, why? I can get a taxi."
Sabi ko.

"Nakasara ang road na ito and I'm sure na walang dadaan na taxi dito."
Sagot niya habang nakatayo at naka lean sa kotse niya.

Kaya pala walang dumadaan dito huh.
But I don't want to ride with him!

"If you don't want to I'll just leave you here, bahala ka na maghintay hanggang umaga, ewan ko lang kung abutin mo pa ang umaga. I heard there's a lot of rapist roaming in here."

WHAT?! RAPIST?!

Pagkatapos niyang magsalita ay akmang papasok na siya ng kotse niya and that's when I stopped him.

"Hey Valdez!"

Napatigil siya ng bigla akong sumigaw.
Tumingin siya sa akin, hawak parin ang pinto ng kaniyang kotse.

"What?"

Sus. Ang sungit naman nito.

"I guess I need a ride?"
I said, still not sure if I'll do it.

"Took you long enough."

Umikot siya papunta sa pwesto ko upang pagbuksan ako ng pinto.
Gentlemen naman pala.

"Hop in."

Pag-upo ko sa loob ng sasakyan niya ay agad kong napansin ang amoy nito.
It has this manly scent.
Unlike sa iba na masakit sa ulo, ito naman ay yung tipong gusto mong amuyin ng amuyin.

"Nice pick of air freshener."
Sabi ko sa kaniya ng nakasakay na siya sa loob.

"It's not the air freshener, it's my perfume."

"Ah, nice pick of perfume then."

Ay tanga ka talaga Cassandra Kelan ka pa ba nakaamoy ng air freshener na may manly scent ha?

Nanahimik nalang ako buong byahe.
Nagtaka ako bigla ng nakita ko nalang yung gate ng subdivision namin.

"Teka, paano mo nalaman na dito ako nakatira?"

"Obviously, I live here."
Tipid niyang sagot.

Kahit kailan talaga hindi makakausap to ng maayos.
Akala ko ba sa Roseville sila nakatira?

"Kakalipat lang namin dito."
Pagexplain niya sa akin.
So, that serves as the answer to my questions.

"Here we are."
Aba at pati ang bahay namin ay alam niya ha.

"So where do you live?"
Tanong ko sa kaniya.

Hindi niya sinagot ang tanong ko,
Sa halip ay may tinuro siya.
Tinignan ko naman kung ano ang tinuturo niya.

WHAT THE ACTUAL F*CK!!!
NAKATIRA SIYA SA BAHAY NA NASA TAPAT NAMIN!!!

Kaya pala hindi ko na nakikita yung dating nakatira diyan eh!

"Thank you."
Sabi ko sa kaniya at nagmadali na lumabas sa kotse niya.
Nag doorbell ako sa gate namin.
Ilang beses ko pa ito pinindot dahil walang nagbubukas sa akin.
Nakaka 8 times na ako sa pag doorbell ha.

"Ang tagal mo naman makapasok"

"Ay f*ck"
Napamura nalang ako bigla ng may nagsalita sa likod ko.
Nagulat nalang ako ng makita ko nanaman si Ash sa likod ko.
Ang bilis naman niyang i-park ang kotse niya.

"Stop cussing."
Sita niya sakin at nagdoorbell din.

"Ano naman ginagawa mo dito?"
Tanong ko saka niya.

Pinakita naman niya sa akin ang hawak niyang tupperware.
May nakalagay itong sinigang sa loob.

"Mom's order."

Bakit ba napaka tipid niya sumagot?

"Ay Ma'am Cassandra sorry po kung natagal ang pagbukas ko ng gate."
Nahihiyang sabi ni Manang Nilda.

"Okay lang po."

Actually hindi talaga okay, edi sana kung nabuksan agad ako ay hindi ko na makikita itong masungit na lalaki na nasa tabi ko.

"Sino naman itong napaka guwapong lalaki?
Ano pangalan mo iho?"
Tanong ni Manang Nilda ng mapansin niya si Ash na nasa likod ko.

"Ash Luke Valdez po, bagong lipat po ako diyan sa tapat."
Aba, biglang gumalang ha.

"Ay halika pasok ka!"
Pagyaya niya kay Ash.

Hinayaan ko nalang sila at naglakad na ako papasok ng bahay.
Dumiretso ako sa kwarto at nagpalit ng damit.
Pagkatapos ko umidlip ay nag-ayos din ako ng mga gamit ko sa School.
Siguro naman wala na siya sa baba noh?

AshesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon