7

15 4 0
                                    

      
First day of school●

-BELLE-

*piiittt*piiitt*
Kinuha ko agad ang bag ko nang marinig ko ang busina sa labas Oo busina yan! Wag ka!

"Good morning Cassie!" Bati ko sa kaniya pag labas.

"Good morning rin" Ngiting niyang sabi niya 

"Wow! You look gorgeous!" Natawa naman siya

"Thanks. Halika na nga!" 

"Buti na lang di na ikaw ang mag d-drive" Sabi ko sa kaniya Habang nakatingin sa driver.

Hindi ako sanay! 
Pero napakalaking relief din sakin to! Natrauma na ata ako sa sasakyan niya

"As if Dad would let me" Inis na sagot niya.
  Hays hanggang ngayon naiinis parin siya sa Dad niya!

"Sayang di tayo magkaklase! Bakit pa kasi may section eh"
Pag-iiba ko ng usapan

"Hayaan mo na ngayon lang naman tayo di magkaklase eh!"

Natatawa niyang sabi Kung kelan last year na eh! Tsaka di pa kami magkaklase sayang!

  Pagpasok namin ngayon ay nakita ko ang mga estudyanteng nakapila sa quadrangle

"Woah dami natin ngayon ha?" Manghang sabi ni Cassie

"Kaya nga eh"
Pagsang ayon ko

Madami ang highschool students ngayon kaya lalo mas dumami tignan dahil kasama namin ang gradeschool at college ganun kasi lagi kapag first day sa school

"Please go to your section's line..."

"Belle see you mamaya?"

"Sige sige! Goodluck sa first day!"

"Ikaw rin!"

-CASSIE-

Hinanap ko naman ang linya ng section ko...Aries

Lumingon lingon ako habang naglalakad

"Asan na ba yung Aries?" Inis na bulong ko

"Ah! Miss Aries ba section mo?" Napalingon ako sa babaeng nagtanong...

"Ah opo! Aries ka po ba?" Tanong ko

"Ay hindi! Ayun yung linya ng Aries" Turo niya sa harapan.

"Salamat!"

Naglakad na ako papunta sa harapan

"Goodmorning Sir Alcien!" Pagbati ko

"Goodmorning Del Queza" Ngiti niyang bati pabalik

Pumila na ako pagkatapos
Si Sir Alcien ang magiging adviser namin? Shems Kilig! Siguradong masaya this school year!
Ang cool niya! At gwapo rin!
Mga 20 palang kaming nakapila At pansin ko na mas lamang ang mga transferee...
Nang lahat kami ay kompleto na ay narinig ko ulit ang boses ng Principal sa speaker.

"You may now proceed to the auditorium..."

Pagpasok sa loob ay umupo na kami.
Every first day ganito...

Ang orientation namin ay sasabay sabay at sa auditorium ginaganap hindi sa classroom Kapag first day rin ay ang president or ang may ari ng school na ito ang mag sasalita...

"Let us welcome our beloved President...Mr. Arnold Lestriv..."  Nagpalakpakan ang lahat ng estudyante ng tumayo na siya sa harapan...
"Goodmorning to all of you...and welcome to Lestriv Academy" Ngiting sabi ng President. 

"First...blah blah blah..."
Hay sawang sawa na ako diyan!

Kaya pinikit ko muna ang mata ko
Di ko napansin nakaidlip na ako!

"Miss Del Queza...Miss!"
Napatayo naman ako sa gulat dahil sa narinig kong sigaw..

"Ah hehe Sir Alonzo!"

Nakasimangot siya sa harap ko at tila ba'y  galit na galit sa akin

"Nakakahiya ang ginawa mo Ms.Del Queza...you slept in the middle of the president's speech!"

Hala nakita ni President?

"Maaring magka minus ka sa deportment mo dahil sa sa ginawa mo but the President was too considerate kaya hinayaan ka na lang niya at baka ikaw ay puyat lamang!"

Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko dahil sa hiya! As in nakakahiya!
Lalo na't napakabait ng principal

"Puyat ka ba talaga or natulog ka nanaman dahil sa bored ka?"

Yes last 2nd year ko pa yun ginagawa at hanggang ngayong fourth year.

"Sorry po Sir."
Nag sorry nalang ako para matapos agad ang usapan gusto ko na kasi talaga ang umalis dito dahil sa sobrang kahihiyan.

"Sige pumunta ka na sa classroom mo pero--"

Tatalikod na sana ako

"--gusto ko magsulat ka ng letter of forgiveness para sa ginawa mo kanina just give it to me. Okay Del Queza?'

"Sige po"

"Maari ka nang umalis at kung maari...matulog ng maaga"

Mabilis akong naglakad palabas sa auditorium

"Nakakahiya!Ngayon pa ako nahuli kung kelan last year ko na!"
Bulong ko sa sarili habang naglalakad

Mukha tuloy akong tanga dahil pa iling iling ako habang naglalakad

"Hanggang ngayon baliw ka parin."

"Ay Kabayo!"
Nagulat ako sa lalaking bigla bigla nalang nagsalita
Buti nalang nabalance ko agad ang sarili ko kung hindi natumba agad ako

"At clumsy pa."

Oy ang kapal ng lalaking toh ah!

"Hoy kuya hindi naman--"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil sa gulat nang tinanggal niya ang shades niya.

"W-what?! S-seth?!"

Ngumiti naman siya ng matamis ng binanggit ko ang pangalan niya

"The one and only"

AshesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon