Chapter 41: Asungot

Start from the beginning
                                    

"Alam ko namang namiss mo rin kami. Umamin ka na," biro ni Josh.

Sa halip na sagutin agad siya at lumapit sa akin si Ken saka umakbay. Tinuro niya ako at ngumiti. "Ito. Siya talaga ang namiss ko." Parang nagwala na naman ang puso ko dahil sa sinabi niya. Kinikilig na naman ako. 'Yung puso ko.

Tiningnan nila kaming dalawa ni Ken. Nu'ng una ay nakatahimik lang sila nang biglang magsalita si Josh, "Wow! Ang bilis, ha. Mala Flash ang dating. Sana ganyan din si – " Hindi natuloy ang sinasabi ni Josh nang ipakain ni Xander 'yung hawak niyang papel sa kanya. Ayan. Sige. Daldal kasi.

"Sandali nga. Kulang kayo. Nasaan si Ice?" Tinuro naman ni Sab si Ice na nakaheadset at nakapikit lang sa may likod habang nakasandal sa pader. Natutulog.

Ngumisi si Ken at sinenyasan kami na huwag maingay. Naglakad kami papalapit kay Ice at nang makatapat na si Ken sa kanya ay bigla niyang hinila ang headset ni Ice sabay sigaw ng, "Sunog!"

"Ay puta!" sigaw ni Ice na halos malaglag na sa kinauupuan niya.

Nag-ihit kami ng tawa dahil sa naging reaksyon niya. Tiningnan niya ng masama si Ken at akmang babatukan nang biglang hilahin ni Ken si Zoe para gawing panangga kaya agad na binawi ni Ice 'yung kamay niya at umupo na lang ulit.

"Ganda ng salubong mo sa akin," biro ni Ken.

Humila kami ng mga upuan at inilapit sa pwesto ni Ice at bumilog. "Huy, Ken. Magkwento ka nga. Anong nangayari? Nakakagulat ka, ha. Bigla kang umalis tapos bigla ka rin babalik," excited na sabi ni Yannie.

"Nagpaalam naman ako sa inyo. Isa pa sinabi ko kaya kay Ice bago ako umalis na three weeks lang ako sa Jersey."

"Alam mong three weeks lang?" gulat na tanong ko kay Ice.

"Oo," sagot naman niya.

"Bakit hindi mo sinabi sa amin?" tanong ni Xander.

"Hindi niyo naman tinanong," seryosong sagot niya. Napapalo na lang ako sa noo ko. Magaling talaga 'tong si Ice kahit kailan, e.

"Bakit ka ba umalis?" tanong naman ni Zoe.

"Kasal kasi ng pinsan ko. Invited kami kaya malamang pupunta ako. Pinsan ko 'yun, e. Maaga kaming pumunta para sa preparation tsaka nagtagal ako doon kasi hindi nila ako agad pinauwi. Matagal kasi nila akong hindi nakita."

"Teka lang. Akala ko ba three weeks ka dapat doon?" tanong ni Xander.

Ngumiti siya nang pagkalakilaki at hinawakan ang kamay saka inintertwine ang daliri namin. "Namiss ko 'to, e. Nalaman ko rin kay tita na pumunta kayong airport kaya pinaagahan ko ang uwi ko."

Nagtinginan naman 'yung anim at bigla na lang pinagbabato ng papel si Ken. Dahil sa katabi niya ako ay tinatamaan din ako pero nahinto rin 'yun kasi hinarangan niya ako. "In love talaga," sabi pa nila.

"Kayo na ba?" tanong ni Zoe na kinikilig kilig pa pagtapos nila kaming batuhin.

"Hindi pa. Pero kahit hindi pa at kahit matagal pa bago maging kami ayos lang. Sigurado naman akong doon din ang punta namin." Mangbabato pa dapat ulit sila ng papel nang tumayo si Ken at hinawakan yung silya. "Isa pang bato niyo ihahagis ko na 'tong upuan sa inyo." Nagtawanan na naman kami sa naging reaksyon niya. Ang kakaros talaga. Kaya love ko 'tong mga kaibigan ko, e. Pati si Ken syempre.

Natigil ang pagsasaya namin nang may kumatok sa pinto kaya napalingon kami.


***

Ice's Point of View


Biglang nag-init ang ulo ko nang makita kung sino ang kumatok.

Teen Clash (Boys vs. Girls)Where stories live. Discover now