Chapter 14:Dream(Part 1)

2K 52 8
                                    

Zein POV

Shit! Ewan ko pero na bwibwisit ako sa panaginip ko. Nakakairita. Paasa ampta. Sana totoo nalang ang napanaginipan ko. Tangina sana. Pero parang may ibig sabihin talaga ito eh. Meron nga ba? O assumera lang ako?

Dream..

"I love you, Zein" Sabi ng isang tao.

"I love you too, Ate Samantha" Sabi ko naman.

"Zein..Hindi mo parin ba alam?" Tanong nito na nagpagulo sakin.

"Po? Anong hindi ko alam, ate? Meron ba ulit akong hindi nalalaman? Ano po yun?" Tanong ko pabalik.

"Alam mo ba kung bakit ka hiniwalayan ni Ace?" Nagulat ako sa tanong ni Ate pero tumango ako.

"Oo naman ate. Nung araw na nakipagbreak siya sakin sinabi niya ang lahat. Alam mo rin ba ate?" Tanong ko muli.

"Oo naman, Zein. Pero ano ang nalalaman mo? Dahil sa tingin ko mali ang sinabi sayo ni Ace" Sabi ni ate.

"Pero ate wag mo iisipin na galit ako sayo ah. Okay, Sinabi ni Ace sakin ang dahilan. Nung una akala ko mababaw siya like naboring siya sa relasyon namin or ano pang mabababaw pero yun pala tinakpan ko lang ang malalim ng sugat ng puso niya. Naging panakip butas lang ako ate. Alam mo ba kung gaano kasakit yun? Yung taong minahal mo ng ilang taon. Tangina after all these years, tsaka niya lang yun sasabihin? Bat di niya man lang inagahan ng unti para di ako nahihirapan ng ganto diba? Alam kong mukha akong malakas pero alam niyo naman na pag dating kay Ace at sa pamilya o kaibigan ko, Mabilis ako masaktan. Eh kasi ate, Ikaw parin ang mahal niya. Nakikita niya lang ikaw, ang dating mahal niya oops hanggang ngayon pala, sakin. Kaya akala niya mas minahal niya ako kaysa sayo pero ikaw parin ang nasa puso niya ate. Ikaw lang. Hindi ako.(Cryin') Ang hirap nga ate eh. Akala ko mahal niya ko, yun pala dahil lang yun sayo. Sorry ate kung mukha man akong galit sayo pero maniwala ka, Hindi. Parang ang sakit sakit lang kasing rinigin ang bawat bigkas niya sa mga salitang 'Hindi kita mahal' ' Si Samantha lang mahal ko' ' Panakip butas ka lang' Hahaha! Ang sakit te eh. Ang sakit sakit. Yung feeling na nadudurog puso mo. OA na kung OA pero kayo kaya makaramdam? tignan natin tanginaaaaaaaaaa!" Sigaw ko habang umiiyak ng malakas.

"Zein, Hindi iyan totoo" Sabi ni ate sabay yakap sakin.

"A-Anong si-sinasabi m-mo a- ate? Yun ng-nga a-ang tot-totoo." Sabi ko kahit iyak parin ng iyak.

"Zein, Makinig kang mabuti sa sasabihin ko. Dahil ito ang tunay na dahilan kung bakit ka iniwan ni Ace." Sabi ni ate atsaka kami lumayo.

"Ha?" Tanong ko.

"Zein, Kaya ka hiniwalan ni Ace dahil pinagbantaan siya ni Violet. Sinabi niya na pag hindi siya nakipaghiwalay sayo ey papatayin ka niya. Kaya natakot si Ace na patayin ka nga ni Violet. Kaya ayun. Nakipaghiwalay siya sayo. Zein kasi, Para kay Ace, Mas importante ang buhay ka. Mas importante ka sakanya. Kaya mas iniisip niya ikaw kaysa sa sarili niya. Zein, Hindi totoo ang mga sinabi ni Ace. Hindi totoo na panakip butas ka lang, hindi totoo na mahal niya ko at lalong hindi totoo na hindi ka na niya mahal dahil hanggang ngayon, Zein. Ikaw parin ang iniisip niya. Ikaw lang. Kaya Zein. Gumising ka na sa panaginip na ito. Pero tatandaan mo. Totoo ang sinabi ko" Sabi ni Ate Samantha at biglang bumukas ang aking mga mata.

---

Shit! Anong panaginip yun? Totoo ba yun? Iisa lang ang pwedeng makasagot sa tanong ko.



Ace..

---

So maikli lang kasi hinati ko siya into 3 or 2 parts.

Hell University is back(Not Originally mine)Where stories live. Discover now