Chapter 9:SELOS?

3.8K 67 40
                                    

Zein's POV

Para akong zombie na naglalakad..Hindi ko kasi matanggap. Hindi yun totoo diba? Panaginip lang to? Haha ganun naman lagi sinasabi pagnasasaktan ka na..Panaginip lang to..Sana isa lang itong BANGUNGOT..Gisingin niyo na ako please.

"ZEIN!" Napadilat ako sa sigaw ni Vanessa..Teka, Panaginip lang yun? Napahawak ako sa pisngi ko.May luha..Naguguluhan ako..Panaginip ba yun o hindi?

Pero ramdam ko eh. Ramdam na ramdam ko ang sakit sa sinabi ni Ace. Naguguluhan na ako. Iisa lang ang paraan para malaman ko ito.

Si ACE!

Pumunta ako sa kwarto nila Ace ngunit walang mukha ni Ace ang bumungad.

"Zein? Ayos ka lang ba? Hinahanap mo ba si Ace? Pinatawag siya ni Madame Violet sa office. Sabi niya sumunod ka nalang daw sakanya kasi ayaw ka niyang istorbohin kanina" Tumango nalang ako kay Vanessa at nag ayos tsaka sumunod sa office.

Nasa tapat ako ng pinto nang marinig ko ang boses ni Ace.

"Masaya ka na ba? Wala na s-" Napatigil siya dahil binuksan ko ang pinto.

"Z-Zein, Kanina ka pa ba diyan?" Tanont ni Ace at ngayon alam kong hindi panaginip ang nangyari kanina.

"Bakit?" Mataray kong tanong.

"W-wala naman" Sabi ni Ace na parang kabado tsaka tumalikod at humarap kay Madame Violet.

"Miss Shion, Kindly close the door and sit" Sabi ni Madame Violet kaya naman sinunod ko.

"Anong problema? Bakit niyo ako pinatawag?" Tanong ko nang makaupo na.

"Isang tanong Miss Shion, Kayo parin ba ni Supremo Ace?" Hindi ako nagdalawang isip sa tanong niya't sumagot agad.

"Hindi na. Hindi naman niya ako minahal" Bitter kong sagot.

"Shit!" Rinig kong bulong ni Ace..Oh?Ano nanamang problema ng lalaking to?

"Okay. Good. Now Go back to your classes. Thank you for your cooperation" Sabi ni MV at pinatay ang phone niya. Anong ginawa niya?

"Zein, Mag usap tayo sa garden" Sabi ni Ace at naunang naglakad. Okay? Sumunod naman ako.

"Ano? May sasabihin ka pa?" Taas kilay kong tanong.

"Zein, Wag ka namang ganyan. Naghiwalay lang tayo pero hindi ko sinabing hindi mo na ako papansinin" Medyo galit niyang sabi.

"So anong gusto mo? Bff tayo ganun? Na parang walang nangyari. Pag nakita tayo 'Yo Ace! Musta? Anong bago?' Ganun? Gusto mo ganun?" Naiiyak kong tanong.

"Zein, wala naman akong sinabing ganun. Hindi bff's pero hindi naman enemy kasi Zein ang hirap" Tss hirap mo mukha mo.

"Hirap? Ikaw nahihirapan? Talaga?" Sarcastic kong tanong.

"Zein. Oo hindi mo napantayan ang pagmamahal ko kay Sama-"

"OO NA! ALAM KONG SIYA YUNG MAHAL MO AT HINDI AKO! HINDI MO NA KAILANGAN I ULIT ULIT YAN!" Pasigaw kong sabi.

"Zein.Let me finish.Hindi nga kita minahal tulad ng pagmamahal ko kay Samantha pero minahal parin kita Zein. Kaya please ,Don't make this harder for me" Sabi niya at tumalikod ngunit bago siya tumalikod may nakita akong puslit na luha na kumawala sa mga mata niya.

I left dumbfounded.

"Ace, Ano na ba talaga ang nangyayari? Hirap na hirap na ako" Sabi ko sa sarili ko at umalis na rin sa lugar na yun.

---

Nakatulala ako habang nakaupo sa office. Ang daming papeles na pipirmahan nakakairita! Nasaan na ba kasi yung walang hiya naming President? Aish!

Saktong bumukas ang pinto. Niluwal nito si Ace na naka busangot.

"Problema mo?" Nagulat siya nang tinanong ko siya.

"Psh! Kainis kasi si --Aish! Basta! Wala yun! Mag lunch ka na" Sabi niya tas kumuha ng papeles tsaka rin pumirma.

"Mamaya." Maikli kong tugon saka pumirma ulit.

Nag inat ako.

"SA WAKAS" Sabi ko at lumingon kay Ace. ABA! Tinulugan ako ng walangya.

Psh bahala siya diyan gutom na ako! Paalis na sana ako pero hinawakan niya yung kamay ko.

"Zein..Wag mo ko iwan..Mahal na Mahal kita Zein" May tumulong luha sa mata niya..Anong nangyayari? Nananaginip kaya siya? Psh!

Inalis ko nalang yung kamay niya tsaka umalis na.

Pumunta na ako sa Canteen(Napansin ko kasi na puro Cafeteria ang ginagamit ng Autor's wahahahaha kaya yun para mabago lang)Umorder na ako at umupo.

Pagdating ng food kumain agad ako..Grabe nakakagutom yun ah! Kain lang ako nang kain ng may nagpatong ng tray sa Table ko. Sino naman to? Tinignan ko siya at ngumiti. (Wahahaha feeling niyo si Ace no? Well, Sorry to disappoint you)

"Yo Zein! Pwedeng maki share ng table?" Tanong niya.

"Sure" Sabi ko at ngumiti.

"Nasaan si Ace, Zein?" Tanong ni Matt.

"Psh! Nandoon sa office tinulugan ako Aish!" Sabay busangot ko.

"Hahaha Kawawa ka naman. So Kamusta na kayong dalawa?" Tanong ni Matt..Di niya kasi alam na wala na kami ni Ace at wala akong planong sabihin.

"Okay naman" Sabi ko.

"Zein, Yung totoo? Bakit bigla kang lumungkot nun tinanon ko yun?" Nag aalalang tanong ni Matt.

"Di. May naalala lang.Okay lang talaga kami" Sabi ko.

"Talaga ba? I heard kasi hiwalay na kayo" Sabi ni Marian sa Tabi ko. Sila nga pala ang 4 bad girls. Si Marian, Frances, Jacelle and Hailley.

"Oo nga. Tsaka alam mo ang saya saya ni Ace simula nung wala na kayo. Para siyang nakawala sa Kulungan" Sabay tawa ni Frances.

"Hahaha alam mo kasi Frances, Parang kinukulong ni Zein si Ace. Tss" Sabi naman ni Jacelle.

"Girls, Let's go. Hayaan na natin si Zein. Alam kong mahirap mahiwalayan ng Boyfriend..Pano, Makaasta kasi kala mo kung sino. Psh" Sabay irap ni Hailley at umalis na sila.

Tinignan ko si Matt at hindi maipinta an mukha niya.

"Ano?! Hiwalay na kayo? Kaya ba umiiyak ka kanina? Sino siya para saktan ka? PUTANGINA niya!" Tumayo siya ay hinawakan ko ang kamay niya pero inalis niya lang ito saka pumunta sa office namin.

Pagkabukas niya ng pinto nakatayp si Ace at palabas na rin nang sinuntok ito ni Matt. *BOOGSH* Nagulat ako kaya hinawakan ko si Matt.

"Sino ka para saktan si Zein? Tang*na Ace! Nagparaya ako noon dahil akala ko mas makabubuti si Zein sayo..Binigay ko sayo ang Babaeng mahal ko ta gagaguhin mo lang?! Pu*cha naman Ace! Asan na yung you are her Knight? Bulletpoof? Ano hanggang salita ka na lang ba Ace?" Nagulat ako sa sinabi ni Matt. Mahal niya ako? Teka hanggang ngayon ba? Naguguluhan na ako.

"Wala kang alam kaya manahimik kang gago ka" Kalmadong sabi ni Ace.

"Walang alam? Alam ko na na Ginago mo ang Babaeng mahal ko! Oo hanggang ngayon mahal ko siya!" Sabi ni Matt kaya nagulat ako. Pero mas nagulat ako sa sinabi ni Ace.






"Psh! Mahal mo? Pake ko? Edi maganda. Mahal mo si Zein?















EDI SAYO NA!"

Hell University is back(Not Originally mine)Where stories live. Discover now