" Haayy! ano ba? Hindi ako sanay na ganyan ka eh. show up your smile. please!!"

Nagsmile nalang si Chelsy, papunta sila sa shuttle station.

" Brian may balita kana kay James? "

" Sorry princess wala pa eh."

"haayy! hindi ko na alam ang iisipin ko Brian eh. mababaliw na talaga ako kakaisip kung asan si James."

"Baka umuwi lang sa penthouse niya, minsan kasi sinasama siya ni tito sa mga business meeting, kaya minsan nagpapaalam talaga siya sa school. baka ganun lang."

Hindi na nagsalita pa si Chelsy. alam niya wala pa ang parents ni James nasa paris pa. hanggang sa makasakay sila ng shuttle at makarating sila sa cabin.

" Hi diwata!" Bati ni Kevin at Vince tumango lang si Chelsy at tipid na ngumiti. At umakyat na sa taas.

"Kuya ano my balita kana ba kay James? Bakit hindi siya tumawag man lang? kakainis siya ah.... tignan mo nga si Chelsy lagi malungkot." Cassie said.

"Hindi ko nga alam sa gagong yun eh.. kahit ako naguguluhan, kung business meeting man ang pinuntahan nun, sumasagot naman yun sa mga call and text messages eh. Pero nakapatay phone niya eh." Sabi ni Brian na nakasandal lang na napapaisip na rin.

7pm na ng bumaba si Chelsy.

" Chels kain na tayo." aya ni Cassie

" Sige una na kayo, wala akong gana eh.."

" Chels naman wag ka naman ganyan! kumain ka nga ng maayos, si James babalik yun baka may importanteng ginawa lang yun." cassie said

" Oo na! sige na, kakain na. kayo talaga oh... tsk ..diet ako eh. ahahaha!" Nakatingin lang sakanya ang lahat habang tumatawa siya parang hindi sila convince na totoo ang tawa nito.

Habang kumakain sila...

"Princess sama ka sakin bukas, labas tayo, since wala namang pasok. let's enjoy the weekend." Brian said

" Oo nga Chels, balik kaya tayo sa Tagaytay. what do you think?" Celline

"Enchanted kingdom kaya." Colleen

"Sorry guys! hindi na muna, I'll stay baka dumating si James eh." Sabi ni Chelsy na pilit ngumiti..

"Guys, I know what you're thinking.. don't worry! I'm okay... I'm just worrying lang... hindi kaya alien talaga yung James na naging boyfriend ko at ngayon kinuha na siya. ahahaha!" Chelsy said at pilit pinasaya ang aura, kasi masyado nang nagaalala ang mga kaibigan niya sakanya. Tumawa na rin ang mga ito.

Natapos ang weekend pero walang James na nagpakita kay Chelsy, ngayon martes na wala parin, nasa cafeteria sila.

" Ano tumawag na si James? " Cassie asked.

" Wala nga, galit na galit nga si coach.. natalo kami sa laro kahapon sa EU, wala si James tapos na-injured si Brian.... Ngayon lang kami natalo sa EU." Kevin said

" Hinahanap na rin siya ng mga prof.namin." Vince

Si Chelsy nakaupo lang nilalaro lang ang pagkain niya hindi nagsasalita.

" Chels... uy chels.."

" Huh?" Tska parang natauhan si Chelsy sa malalim na iniisip ng sikuhin siya ni Cassie.

"Hindi mo parin ba macontact si James?" Cassie ask.

Hindi eh, si Potchie hinahanap na rin si James. Hay nakuuu! isa pa yun pinuproblema ko eh.... kailangan namin magpractice hindi ko na alam sasabihin kay Potchie."

"Matagal pa naman yun eh.. January pa naman yun diba? pagpasok pa ng 3rd semester." Celline asked pero umiling iling si Chelsy.

"Binago nila, December na, bago matapos tong 2nd semester... malapit lapit na rin."

Lahat sila puro James nalang ang iniisip, pumunta sila Kevin sa penthouse wala daw dun umuuwi sabi sa receptionist.

Minsan gusto niyang magpanggap na okay siya, kasi apektado ang lahat sakanya ang buong grupo, pati ang team minsan natatahimik na rin pag tahimik siya.

Wala siyang kahit isang maisip na dahilan kung bakit bigla nalang hindi nagpakita si James. Wala naman silang pinag-awayan na kahit na ano pero bakit ganito..

**********

Lagpas na ng isang linggo pero wala paring James na nagpapakita.

Papunta siya ngayon sa cafeteria kasama sila Cassie.

" James!" Cassie said kaya napaangat ang ulo ni Chelsy, na nakayuko habang naglalakad.

I'm in Love With You Heart Breaker [Complete]Where stories live. Discover now