"Yup,thrice. Ramdam ko ang lukso ng dugo,at alam kong ganon din sya dahil panay ang titig nya sa akin nung una,then sa pangalawa at pangatlo nag uusap na kami,but I never mentioned to him that Im his brother,kung mayaman sya,wala akong hahabulin dahil nagsisimula na din naman ako sa career ko. At yun nga,nagpost ka sa facebook at gusto kong magpakilala." mahaba nyang sabi.

"Okay. Are you free today? Dadalhin kita sa bahay nya. Pwede namang ikaw na lang ang tumira dun."

"Yes Im free. Pero ayoko tumira mag isa dun. Dapat tayong dalawa,because you are his lover and Im his brother,fair enough right?"

"Okay pupunta tayo ngayon." ani ko at tumayo na,tumayo na din sya at naglakad na kami palabas.

Panay ang lingon ko dahil wala naman si Clive.

"Lets use my car,nasa parking." ani Kiarr at sinundan ko sya. Pagdating sa parking ay pareho kaming napatigil. Kitang kita namin kung paano sinampal ni Yannah si Clive.

"Sobra ka na Clive! Im your girlfriend pero si Kloyy parati ang bukang bibig mo! Do you like him?! Bakla ka na din ba gaya nya?!" galit na sabi ni Yannah. I didn't know na ganyan kalaki ang issue nya sa akin.

"Yannah,he's my bestfriend!" sagot ni Clive at sinampal ulit sya ni Yannah.

"I don't believe you! Pero hindi ako susuko,hindi kita bibitawan hanggang sa bumalik ang pagmamahal mo sa akin. You shouldn't like another guy coz your a guy!" singhal ni Yannah.

"You were just over reacting!" sigaw din ni Clive at biglang napatingin sa direksyon namin ni Kiarr.

"Lets go." at hinila ako ni Kiarr pasakay sa kotse nya. Sinabi ko lang ang address at natulala na ako buong byahe.

Sabi ko na nga ba. Umpisa pa lang naman ay umiwas at lumayo na ako eh,kaso ayaw siguro talaga ako tantanan ng problema. Umpisa pa lang sinabi ko ng ayaw kong makasira ng relasyon. Ayaw kong makatapak ng ibang tao. Mahal ko si Clive pero nagparaya na ako nung una palang,pero walang silbi kasi nagkita pa din kami dito sa maynila,and worse may nangyari kaya lalong lumalim ang nararamdaman ko.

But I have made up my mind,nagawa ko nung una,magagawa ko ulit ngayon.

"San dito?" pagpukaw sa akin ni Kiarr.

"Iliko mo. Yung unang malaking bahay." ang sagot ko. Nang nasa tapat na kami ng bahay ay bumaba na kami.

"Ang laki pala nito. Nagtagumpay nga si kuya Adonis." sabi ni Kiarr.

Kinuha ko ang mga susi sa Pouch bag ko at binuksan ang gate,pumasok kami sa loob at dumiretso sa main door.

"Every weekends may naglilinis dito at sa loob ng mansyon kaya hindi halatang walang nakatira." ang sabi ko at binuksan ang pinto saka pumasok sa loob.

"Mukhang masarap tumira dito." ani Kiarr na naka pamulsa.

Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng bahay. At naisip ko na pwedeng dito nga ako tumira para hindi na ako makagulo kina Yannah at Clive. Walang nakaka alam ng lugar na ito,hindi nila ako mahahanap dito,yun ang palagay ko.

"Kailan mo gustong lumipat? Saka kailan mo gustong pabago ang titulo." ang tanging sabi ko na lamang. Hindi naman siguro masamang makasama ko ang kapatid ni Adonis sa loob ng iisang bahay.

"Pwede na akong lumipat ngayon. Tamang tama,hindi pa ako ulit nakakapag hulog sa unit ko." nakangiting sabi ni Kiarr. "Ikaw din dapat Nicolo."

"Kloyy na lang. Kloyy ang tawag sa akin." ang sabi ko at ngumiti.

"Unique nickname huh? You know what,hindi na ako magtataka kung bakit ka minahal ni kuya Adonis. Para sa isang gay,youre really beautiful,tan skin,matangos na ilong,firm lips,and those set of eyes na parang ang daming nilalamang emosyon." anito na nakangiti din.

Beautiful Days (Completed)Where stories live. Discover now