Pang labing-siyam.

Magsimula sa umpisa
                                    

Kapag nalagay ka sa alanganin
Heto na naman tayo~

Napasandal ako sa poste habang nakatingin pa rin sa kanya. Hindi na ako nagtaka kung bakit hindi siya kumakain dahil unang break niya kinakain ang lunch niya at kakaunti lang ang kinakain niya kapag lunch time mismo. Ang boses niya'y malalim at ang sarap sa tenga. Wala na akong pakeelam kung makita niya pa ako, gusto ko lang mapakinggan ng maayos ang boses niya.

~Pansamantalang unan
Sa tuwing ika'y nahihirapan
Pansamantalang panyo
Sa tuwing ika'y nasasaktan~

Nakapikit na siya ngayon habang kumakanta at mukhang damang-dama niya ito. May pinagdadaanan?

Naglakad ako papunta sa kinaroroonan niya at umupo ako sa malayong tabi niya. Mukhang hindi niya naramdaman ang pagtabi ko sa kanya dahil nakapikit pa rin siya at patuloy sa pagkanta.

~Bakit ba sa akin na lang
Palagi ang takbo
Sa tuwing kayo ay may away
Ako ang lagi mong karamay
'Di naman tayo, hindi
'Di ba't hindi~

Sinabayan ko siya sa chorus ng kanta kaya napadilat siya at napatingin sa'kin. Napatigil siya sa pagtugtog kaya pinanlakihan ko siya ng mata.

"Tuloy mo, isa 'yan sa mga paborito ko!" Utos ko sa kanya. Nag-alinlangan pa siya saglit pero tinuloy lang hanggang sa matapos iyon. Walang laban ang boses ko sa boses niyang tunog anghel kapag kumakanta, hindi naman kasi maganda ang boses ko. Normal lang kumbaga.

"Bakit ka nandito?" Tanong niya sa'kin. Nilagay niya ang dalawang kamay niya sa ibabaw ng gitara niya at sinandal niya ang baba niya roon, tapos ay humarap sa akin. Nakaupo kami sa may lalagyan ng halaman na may kaunting espasyo para maupuan. Naka-dekwatro siya ng upo.

"Gusto ko lang sana mapag-isa, e nakita kita rito. Lumapit na lang ako tapos nakikanta." Nagkibit-balikat ako at sumubo ng fries habang nakatingin pa rin sa kanya. Umiling na lang siya.

"Edi aalis na lang ako." Akmang tatayo siya pero agad kong hinawakan ang braso niya.

"Huwag. Tugtog ka pa, galing mo eh. Ganda pa boses." Sabi ko naman at sumimsim sa smart c ko. Ngumisi siya at pinasadahan ng kamay niya ang buhok niya. Inosente lang akong nakatingin sa kanya.

"Ano bang gusto mo-" Pinutol ko siya.

"Sorry talaga sa kahapon. Sorry, hindi ko alam. Sorry hindi ako nag-iisip. Sorry." Mabilis at dere-deretso kong sabi. Lumapit siya sa'kin at ngumiti naman siya.

"Okay lang. Sorry din sa ginawa kong paghila rin sa paa mo." Sabi niya. Napangiti ako at napainom ulit sa smart c, tapos sumubo ng fries.

"Okay lang din. Tugtog ka na lang." Sabi ko habang puno ng fries ang bibig ko. Natawa siya ng mahina.

"Anong kanta?" Tanong niya sa'kin habang nakatingin sa gitara niya.

"Personal ng The Vamps. Alam mo ba 'yon?"

"Hmm. Medyo." Sabi niya at nagsimulang tumugtog.

~Don't take it personal
But personally, I think you'd be better with somebody like me
But worse of all, you don't even see (you don't even see)~

Tumingin siya sa'kin kaya ganoon din ako. Ang kulay chico niyang mga mata ay madilim at halos walang emosyon. Nakakalunod ang mga titig niya na para bang ayaw mo nang bumitaw rito.

~I think it's time I let my heart out on the line
I think it's time to say what's playing on my mind
I see you out with him and I say that I'm fine
Happens every time (every time)

Saving the Fallen Constellation (Athánati series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon