Chapter 19

9.6K 358 22
                                    

NOAH

"Sweetheart, may ipapabili ka pa ba sa akin?" tanong ko. Naghahanda na ako para pumasok sa kampo. Umiling ito.

"Maaga kang umuwi mamaya huh? Magluluto ako ng dinner natin." sabi nito. Yumapos ako sa maliit na beywang nito. Inamoy ko ang leeg niya at kinintalan ng halik iyon.

 "Opo mahal na reyna uuwi ako mamaya ng maaga," nakangiting sabi ko. Napanguso ito.

"Baka naman dadaan ka pa sa babae mo." natawa ako sa sinabi niya.

"Nagbibiro ka ba, babe? Wala naman akong babae? Kahit naman noon hindi talaga ako nambabae. Siguro sa mga pinsan ko pa masasabi mo iyan. Puro babaero ang mga iyon."

Bigla niya akong hinalikan sa leeg ko. Napapansin kong palagi niya akong hinahalikan sa leeg at inaamoy niya pa.

"Ang bango naman ng mahal ko." Sininghot niya pa ako. Natawa ako sa ikinikilos ni Heaven.

"Sweetheart, hindi ako pagkain. Feeling ko kasi kakainin mo na ako? Nagugutom ka ba sweetheart?" tanong ko. Bigla niya akong itinulak at sumimangot.

"Kung ayaw mo, eh di huwag!" lumayo ito sa akin at naupo sa malayo.

"Sweetheart, sorry. Okay sige  dilaan mo na ang leeg ko," sabi ko. Kahit gusto ko ng ngumiti hindi ko ginawa. Mukhang wala sa mood ang asawa ko para makipagbiruan.

"Talaga?" nilapit ko sa kanya ang leeg ko. Kaya kagaya kanina hinalikan niya iyon at inamoy amoy. Napabuntonghininga na lang ako. Para siyang bampira handang sakmalin ang leeg ko.

HALOS pagtinginan ako ng mga kasama ko sa kampo. Dahil puro hickey ang leeg ko. Pinagdiskitahan ni Heaven ang leeg ko. Nilagyan niya ng madaming pula pula. Mukha tuloy akong pinapak ng lamok.

"Mukhang ikaw ang pinaglilihian ng asawa mo brod, ah?" napatingin ako sa kasamahan ko.

"Pinaglilihian?" tanong ko na para bang hindi ko alam kung ano iyon.

"Oo, pinaglilihian. Ganyan din kasi ang Misis ko kapag buntis. Lagi ako ang pinagdidiskitahan niya. O di kaya naman sinusungitan niya ako." Ganoon din ang pinapakita sa akin ni Heaven. Panay niya akong sinusungitan. Minsan nilalambing niya ako. Paiba-iba ang moodswing niya. Akala ko part lang iyon ng pag-iisa nito sa bahay. Kaya nga maaga talaga akong umuuwi para makasama ko siya. Ayokong nalulungkot ang asawa ko. Hindi kaya buntis na ang asawa ko?

PAGKAUWI ko ng bahay hindi pa ako nakakababa ng sasakyan ko. Sinalubong na agad ako ni Heaven. Napangiti ako ng maalala ko ang sinabi ng kasamahan ko sa kampo.

"Hi, sweetheart," sabi ko. Hinagkan ko ang labi niya.

"Nakaluto na ako mahal, sigurado gutom ka na. Magbihis ka muna at ihahanda ko na ang dinner mo." nakangiting sabi ni Heaven. She is so beautiful.

"Okay, sweetheart," natawa ako ng hinagkan na naman nito ang leeg ko.

"Parang ikaw yata ang nagugutom sweetheart," biro ko. Hinampas niya ang dibdib ko.

HABANG kumakain kami todo ngiti sa akin ng asawa ko. Gusto ko sana siyang tanungin kung buntis na siya o baka hindi pa niya alam na may laman na ang tiyan nito. Paanong hindi magkakaroon araw-araw kaming umaariba ng asawa ko. Gusto ko na din kasing magka-baby para naman may kasama sa bahay si Heaven.

"Mahal I want to tell you something." Napahinto ako sa pagnguya. Tiningnan ko si Heaven. May ibinigay siyang maliit na stick na kulay puti. Kinuha ko iyon at tiningnan. May dalawang linya na kulay pula.

"What is this?" nakakunot na tanong ko. Tumayo ito at kumandong sa kandungan ko. Hinawakan ko ang baywang ng asawa ko at pinakatitigan ang mukha nito. Kahit may idea na ako. Gusto kong siya mismo ang magsabi sa akin. I saw happiness in her eyes. I am happy because she was able to overcome all the sad things had happened in her life. Now I only see just happiness in her face.

BARAKO SERIES: #6 You and Me (Noah Dela Costa Story)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum