Chapter 14

9.8K 349 21
                                    

NOAH

Napabalikwas ako ng bangon. Nakaramdam ako ng sakit sa buong katawan. Feeling ko para akong binugbog. Napatingin ako sa braso ko na may mga nakakabit na maliliit na tubo.

"Mabuti't gising ka na Noah," napatingin ako sa nagsalita.

"Isaac, nasaan ang asawa ko?" malungkot ang mukha nito. Hindi ito makapagsalita. " What the fuck, Isaac! Nasaan ang asawa ko?!" sigaw ko.

"Puwede ba kumalma ka muna. Hinahanap na ang asawa mo. Nang makarating ako doon naabutan ka naming nakahandusay at may mga tama ka ng baril. Pero wala kaming naabutan na Aven doon.

"Pinatakas ko siya! Pakiusap hanapin mo siya Isaac," pakiusap ko kay Isaac.

"Okay, makikipag-ordinate ako sa mga kapulisan sa lugar para makatulong sa paghahanap kay Heaven. Magpalakas ka muna okay" tumango ako.

Kumuyom ang kamao ko. Kung sino man ang may pakana nito humanda siya sa galit ko.

Ang isang linggo ay naging isang buwan na hindi namin mahanap si Heaven. Nag-aalala ako sa kalagayan niya. Baka may ginawa na silang masama sa asawa ko.

"Noah, alam na namin kung nasaan si Heaven. Nasa isang isla siya sa Masbate," naikuyom ko ang kamao ko.

"Sino ang may kagagawan nito?" tanong ko sa pinsan kong si Isaac.

"Naalala mo yung babaeng nagtitinda sa kampo? Kapatid niya ang dumukot kay Heaven at hindi lang iyon. Nagulat ako sa nalaman ko." Napatitig ito sa akin. Sipain ko etits nito.

"Tell me! Binibitin mo ako!" singhal ko sa pinsan ko.

"Relax ka lang bro masyado kang HB! Ang asawa lang naman ng lalaking dumukot kay Heaven walang iba kung hindi ang kakambal niya." Nagulat ako sa sinabi ni Isaac. " Ayon sa nakalap kong information. Isa sa mga pinuno ng terorista ang lalaking ito," may pinakita si Isaac na larawan ng isngn lalaki na nakasuot ng camouflage na uniporme at may nakapaikot na scarf sa kanyang leeg. At katabi nito ang kakambal ni Heaven na nakasuot ng abaya na kulay itim.

"Well, hindi ko alam kung plano nila ito dahil sa pagpapakulong sa kapatid niyang babae o naghihiganti si Angel sa ginawa mong pang-iiwan sa kanya, kinuwelyuhan ko si Isaac.

"We need to get Heaven there. Papatayin ko sila kapag sinaktan nila ang asawa ko!" itinulak ako ni Isaac.

"Siraulo ka ba? Ako yata ang papatayin mo, eh? Masasayang ang kaguwapuhan at kamachohan ko kapag nadedo ako." Sarap sipain itong pinsan ko. Seryoso na nga ang situation kamachohan pa din ang iniisip. Paano kaya nagustuhan ni Marieyah ito?

"Okay, kailangan na nating puntahan ang isla!" sabi ko.

NARATING namin ang isla ng wala naman naging problema. May kasama kaming swat team. Nakipag-coordinate kami sa kapulisan dahil kailangan. Hindi puwedeng kami lang. May protocol na kailangan ng coordination ang bawat isa kung may susuguring mga rebelde sa lugar o ililigtas na mga bihag.

Nagsenyasan kaming maghiwahiwalay. Narating namin ang nag-iisang bahay sa isla. 

"Kailangan natin mag-ingat siguradong may mga sniper sa paligid at may mga patibong. Kabisado nila ang isla so we need to be alert and careful," bilin ko sa mga tauhan ko at sa mga kapulisan.

"Isaac, bakit ka ba nakabuntot sa akin? Doon ka sa bandang iyon," tinulak ko ito pero ang walanghiya dumikit pa lalo sa akin. Buwisit! Paano naging sundalo ito napakaduwag? Puro kaguwapuhan at kamochan lang ang alam.

"What?! Dito ako sa likod mo para may pangharang ako kung sakaling magkaputukan baka matamaan ang kaguwapuhan ko" nagsalubong kilay ko sa gago kong pinsan. Itinutok ko sa kanya ang armalite.

BARAKO SERIES: #6 You and Me (Noah Dela Costa Story)Where stories live. Discover now