XVI. Dessert ni Boss

45 1 0
                                    

"Ang marupok ay madaling matutupok."
                                          ~prettilay®~

XVI. Dessert ni Boss

Drew's kisses are so irresistible, kaya ipinaubaya ni Viera ang kanyang uhaw na mga labi. She'd kissed countless of men in the past, but his is just so different. A soft moan escaped her mouth making Drew seek for an entry into her mouth. She welcomes the sweet onslaught of his tongue. She's lost in ecstasy. His hands freely roamed in her supple body. She's on fire even with her clothes on. Nilayasan na siya ng kanyang katinuan. Samantalang si Drew naman ay parang isang gutom na leon devouring every corner of her mouth.

"Are you sure you don't remember anything huh?" He said in between kisses. Tango lang ang tanging naging tugon ni Viera. She's too busy comprehending the different sensations his touch is giving her.

"Hmm..you really like it here, right?" He followed on.

"Uhm.. Y-yeahhh.." Tugon nya sabay ungol. Bakit ba ang daming tanong at hindi nalang magconcentrate sa kung anong ginagawa nila? Is he trying to seduce her to get answers? Damn! She's doomed kung ipagpapatuloy nito ang interrogation habang hinahalikan sya kasi nawawala na siya sa katinuan, baka ano pa ang masabi nya.

"What's the last thing na naaalala mo?" Pagpapatuloy ni Drew.

"Wait, what is this huh?!" At napigtas ang kanyang kakarampot na pasensya. Itinulak niya si Drew at kumawala dito. Natigilan naman ang lalaki sa ginawa nya. She stormed out of the door at dumeretso sa kanyang silid.

Nakakabadtrip naman. Ang sarap na sana sa pakiramdam tapos ang daming tanong? What is he trying to pull ba? Kailangan nyang mag-ingat kung ganun kasi mukhang nakakahalata na si Drew na nagbalik na ang kanyang alaala.

Drew was left stunned in his study. What did just happen? Heto na naman sya at biglang nawawala sa sarili nakatikim lang ng mga halik mula kay Viera. Tama nga ang mga nakalap nyang impormasyon. Men worshipped Viera at mukhang mapapabilang na sya sa mga lalaking iyon. She is addicting kahit hindi pa man niya ito natikman ng buo. He shouldn't have interrogated her while making out with her. Ayun at nainis tuloy. Talaga bang wala pa itong naaalala o baka naman gusto lang nitong itago? Kasi nga di ba, ayun sa report ng PI ay nasangkot ito sa isang kaguluhan kung saan ay napatay ng mga otoridad yung lalaking naghabol sa kanya. She must have been guilty about what happened kasi kahit na hindi naman siya ang pumatay, siya naman ang dahilan. According to the report, Viera was no longer visible in any social functions pagkatapos ng insidente at naglaho nalang talaga ito na parang bula. Wala ng balita tungkol sa kanya.

Oh well, kung may naalaala man ito o wala or sadyang ayaw lang nitong sabihin ang totoo, he won't force her. He enjoys her presence here naman. At the thought of it, an evil smile formed on his lips.

Nagdadabog si Viera na tumungo sa kanyang silid pagkatapos ng heated moment nila ni Drew sa study. Naiinis siya dahil naudlot na naman ang nasimulan, ni hindi pa nga nangangalahati ay tinapos na niya. She's so pissed at him. Feeling nya he's only toying with her. She felt a small pang of pain sa naisip nya. But why is she affected ba kung sakaling pinaglalaruan nga sya ni Drew? It's nothing new to her, parang hindi na sya nasanay na pinaglalaruan ng mga lalaki na mas lalo pa nyang pinaglalaruan. She always have the upper hand in any game she played with men. Gusto nya siya ang laging unang bumibitaw bago pa man magsawa ang lalaki sa kanya. Kaya dapat, hindi siya magpapaapekto sa trato sa kanya ni Drew. She will get him soon, hindi niya kailangang magmadali.

Nagising si Viera kinabukasan na sobrang tahimik ng paligid. Walang ni isang tao siyang nakasalubong pagkalabas niya ng kanyang silid hanggang sa kusina. Nakapagtataka naman kasi alas siyete na. Lumabas siya ng mansyon upang tingnan kung may tao ba kasi sa ganitong oras tiyak nagdidilig ng halaman ang hardinero. Ngunit pati ito ay hindi niya nakita kaya pumanhik siyang muli sa mansyon.

"Good morning!" Ang masiglang bati ni Drew sa kanya.

"Why is the house so quiet? Nasaan ba sila?" Tanong ang naging tugon nya.

"Day off." He said with a mischievous smile.

"As in silang lahat?!" Ang gulat nyang tanong.

"Yeah, bakit hindi ba pwede?"

"But why? Parang ngayon lang yata nangyari to." Ang naguguluhang tanong ni Viera. What is this guy up to? Bakit silang dalawa lang ang naiwan?

"Gusto ko lang. Masama ba?"

"Ah ok." At tinalikuran niya ito.

"At san ka naman pupunta? Ipaghanda mo ako ng breakfast."

Ahh kaya pala pina day off yung mga kasambahay kasi may plano pala itong alilahin sya. Biglang nagliwanag ang bombilya sa utak ni Viera. Gusto yatang makipaglaro ng bahay-bahayan ni Drew sa kanya.

"Okey. Pero pwede bang maligo muna ako? I'll be very quick."

"Yeah, suit yourself. I'm not that hungry naman." At kinindatan pa siya nito.

Oh well, ito na yata yung pagkakataon na hinintay ni Viera. Masosolo niya si Drew at walang istorbo. At baka rin naman pareho sila ng iniisip kasi di ba pina day off pa nito ang lahat ng kasambahay. Naeexcite tuloy sya.

She had a quick shower at pagkatapos ay isinuot niya ang isang short shorts at tank top. Inilugay niya ang basang buhok at nagtungo sa kusina. She's not helpless in the kitchen naman. Magluluto na sana sya nung mapansin na handa na pala ang mga  pagkain. Siguro ay nagluto ang mga kasambahay bago umalis kaya inilatag nalang nya ang mga ito sa mesa.

"Boss, breakfast is ready!" Tawag niya kay Drew na nasa salas nagbabasa ng newspaper. "And your dessert too." Ibinulong nya lang sa kanyang sarili sabay ngiti.

"Come, join me since tayong dalawa lang naman ang narito."

They ate in silence. Mukhang nagpakiramdaman. Tanging mga mata lang nila ang nag-uusap. Ilang beses na niyang nahuli si Drew na nakatingin sa kanya at minsan ay nagkasalubong pa ang kanilang paningin. Pilyang ngiti lang ang kanyang naging tugon.

Pagkatapos nilang kumain ay iniligpit nya ang mga pinagkainan.

"Wala bang dessert?" He playfully asked habang hinuhugasan ni Viera ang mga plato.

Paglingon niya ay nasa likuran na pala nya si Drew at sobrang lapit nito.
She planted an chaste kiss on his lips at pilyang ngumiti.

"There, that's your dessert." She said.

"Yun lang?" At hinawakan sya nito sa beywang.

"Ano pa ba ang gusto mo?" Sagot nya habang patuloy na hinuhugasan ang natitirang dishes.

"I want more..." At siniil na sya ng halik nito. Nabitawan nya ang plato sa lababo and kissed him back.

He pinned her on the kitchen counter and kissed her ravishly. She's lost in his kisses and the next thing she new ay nakaupo na siya sa counter habang patuloy na nakikipaghalikan kay Drew. He must have lifted her at di lang nya napansin. Nilalaro ng kanyang kamay ang basang buhok ni Drew habang naipasok naman nito ang isang kamay sa loob ng kanyang tank top. They were both on fire at walang gustong tumigil. And when they finally separated to catch some air ay pareho silang hinihingal at naghahabol ng hininga. His eyes are in daze mirroring the same passion she felt.

Susunggaban na ulit sana ni Drew ang kanyang namamagang labi ng may marinig silang boses mula sa salas. Napaigtad sya mula sa counter at bumaba.

"Yohooo anybody home?" Ayon sa isang boses ng lalaki. Sino kaya ito?

"F#ck! Wrong timing!" Napamura si Drew while combing his messed up hair with his fingers.

"Sino yan?" Bulong ni Viera. Ngunit hindi na sya nasagot ni Drew dahil naglakad na ito palabas ng kusina.

Sinundan niya si Drew upang alamin kung sino ang bisitang dumating. Ngunit laking gulat nya nung makita kung sino ito.

Talang LigawWhere stories live. Discover now