V. Ang Alindog ni Viera

74 3 0
                                    

"Walang lalaki ang hindi tataob sa isang maganda at seksing binibini."

                                         ~prettilay®~

V. Ang Alindog ni Viera

Nakakabinging palakpakan ang bumalot sa ballroom. Nagsipagtabi ang mga bisita at hinayaang lumakad sa gitna sina Sancho at Viera. Puro paghanga ang sumasalamin sa mata ng mga nandoon. Ang mga kababaehan habang nakatingin kay Sancho ay halos lumuwa na ang mga mata habang nakanganga sa paghanga. At nung titigan naman nila si Viera ay nabalot ng inggit ang mga ito. Inggit dahil siya ang kasama ng gwapong si Sancho..at inggit dahil sa kumikinang niyang kagandahan na pati dyosa ay paniguradong tataob dahil hindi ito mapantayan at lalong lalo nang hindi mahihigitan.

Nagtuloy ang dalawa hanggang sa makarating sa pinakaharap kung saan nandoon ang presidential table. Tiyak ni Viera na puro bigatin ang mga nakapwesto doon dahil yung mga babae kahit may edad na ay di matatawaran yung mga suot na gowns at kumikinang pa sa mga mamahaling alahas na suot. Habang ang mga lalaki naman ay paniguradong mga businessmen at politicians. Everyone in the ballroom shouts wealth. Pero hindi natitinag si Viera sa mga ganitong gatherings kasi naman this is her world. Hindi man niya kilala ang karamihan sa mga nandito ay tiyak naman siyang kilala siya ng mga ito. Syempre isa yata syang Vergara, ang pamilyang tanyag pagdating sa chain of hotels dominating the country.

Ipinakilala sya ni Sancho unang una sa mga magulang neto. Yung nasa pinakaunahan ng mesa ay ang mayor na kahit may edad na ay lumilitaw pa rin ang kagandahang lalaki at katabi neto ay ang napakagandang ginang na kumikinang sa diamond earrings and necklace.

"Miss Vergara, these are my parents...Mayor Sebastian and Donya Sylvia." Pagpapakilala neto nung nakalapit na sila. Tumayo ang mayor at nakipagkamay sa kaniya. Habang ang maybahay neto ay nakipagbesohan sa kanya at ginawaran pa siya ng damping halik sa pisngi.

"You looked so stunning iha. I've seen you on magazines but you are more beautiful in the flesh." Ang sabi ni Donya Sylvia na nagpaboost lalo ng confidence nya.

"Thank you po Madam..that is so kind of you. I am truly delighted to have been invited tonight." Ang magalang niyang sagot. At tipid na ngumiti. Ang hindi nakakakilala sa kanya ay tiyak na mahuhulog talaga sa finesse ng kaniyang pagkilos at pananalita. Malayong-malayo sa malatigreng babae na walang kinatatakutan kahit na sino man.

"The pleasure is mine iha at pinagbigyan mo kami. It was actually my idea na imbitahin ka." Sabay tawa na halatang proud na proud sa kaniyang ginawa.

"Oh well, thank you so much for keeping me in mind. Ikinagagalak ko po talaga Madam na kayo ay makilala at ang inyong pamilya." Ani Viera na nag-eenjoy sa attention na ibinibigay sa kaniya ng ina ni Sancho. She has a feeling na bet talaga siya neto para sa kaniyang anak. Kaya she'd better be nice to this woman.

"Enough of the pleasantries iha. Call me Tita."

"Nakakahiya naman po. But if it pleases you, sige po Tita." Sabay ngiti ng napakatamis na talo pa ang honey sa katamisan.

After the introduction with his parents ay ipinakilala naman siya ni Sancho sa iba pang mga bisita neto na puro galing sa mayaman at sikat na angkan. Iginala niya ang kaniyang paningin sa paligid. Binubusog nya ang kanitang mga mata sa envy at jealousy na nakikita niya sa mata ng mga kababaehan na nandun. Habang umaapaw naman ang confidence niya sa paghanga at pagnanasang nasasalamin sa mga lalaking nadapuan ng kaniyang paningin. Ang mga pagtitipong gaya neto ang bumubuhay at nagpapatatag sa kaniya. She lives for praises and admiration. Without these, her world is dull and boring.

The party was in full swing now. May mga speeches mula sa mga magulang at kaibigan ni Sancho. All this time ay hindi talaga sya hinahayaan ni Sancho na mag-isa. She has all his attention at akay-akay sya neto kahit may kinakausap na mga bisita. She's like a grand trophy na ipinagmamalaki ni Sancho sa lahat. She's sipping a martini when the emcee announced something at naghiyawan ang mga tao. Yun pala ay tinawag si Sancho na umakyat sa stage. At hinila naman sya neto papunta sa stage.

"Hey, leave me here. Hindi ako mawawala. It's your moment, ayokong agawan ka ng eksena. Hahaha.." Ang bulong nya kay Sancho.

"All right but you stay right here honey, I don't want to lose sight of you." And with that, he planted a quick peck on her lips which stunned her. She didn't see it coming. Para syang teenager na biglang natulala when it wasn't her first time to be kissed. But maybe because it was her first with Sancho. Naninibago sya sa kaniyang nararamdaman. She's a pro in this game pero bakit para syang neophyte tonight?

She situated herself in front of the stage. Sa ganun ay kitang-kita sya ni Sancho. Para bang naging sunod-sunoran sya dito ngayong gabi. Somehow there is this magnetic force that draws him to her. She hasn't felt this way to any man. Wala syang matandaan na nagkaroon sya ng ganitong feeling para sa isang lalaki. With the countless of men she dated, she doesn't recall ever feeling this way. Yun bang hinihigop sya papalapit and when he's near parang gustong kumawala ng kaniyang puso sa tuwa. Pero ayaw nyang lagyan ng kung anong kahulugan ang kanyang nararamdaman. She just wanted to enjoy the evening sa tabi ni Sancho. At pagkatapos neto, alam nyang babalik na sa dati ang puso nyang biglang natuliro.

"Good evening everyone! Tonight is something I didn't expect. I feel so astounded when I saw you all here. This is indeed a very warm welcome and a blastful celebration of my 25th birthday. First of all, I would like to thank my family...especially mom who planned all of these and of course with the unceasing support of my dad. You two are the greatest! To my friends and relatives who made time out of their hectic schedules just to be here at a short notice, I am really grateful having you all here with your kind words of wishes and generous gifts. I had a good time in New York for the last three years that I stayed there. But tonight, I'm having a grand time especially with the presence of this enchanting beauty. Ladies and friends allow me to introduce to you...Miss Viera Vergara the Hotel heiress of the country!" Then he motioned her to come up stage. Without second thought she made her way up and joined him on the spotlight. The crowd applauded.

"You're a great pair!" Someone shouted.

"Wow, what a perfect couple!" Another seconded.

And there were more remarks shouted. Ang iba ay hindi na nya masyadong narinig dahil sobrang ingay na. Bumaba na silang dalawa ni Sancho sa entablado. Despacito was blasting on air and a DJ was mixing some beat. The party people started to groove moving to the beat. Nagkasiyahan ang lahat at kanya-kanyang giling. Sancho dragged her on the dance floor. They danced slowly at first. Pakaway-kaway sa kamay at konting giling. This time Versace on the Floor was playing. Nagiging maharot na ang kanilang pag-indayog. Masyado na silang malapit sa isa't isa. Skin touches skin. At dahil medyo nakainom na rin ay parehong nawala ang mga inhibitions nila. Viera was grinding habang nasa likuran naman niya si Sancho mimicking what she's doing. People were starting to stare at them. Naging maagap naman ang ina ni Sancho, pinapalitan sa DJ ang tugtog.

Bigla ay pumailanlang ang Shape of You ni Ed Sheeran. Isa-isang nagsipag-alisan ang mga nasa gitna na grupo kung magsayaw. Yung natira ay mga couples lang na magkadikit agad habang sumasabay sa malumanay na tugtug. Parang nahimasmasan sina Viera at Sancho ngunit di sila umalis sa dance floor. Sumayaw sila sa saliw ng bagong tugtog. Inihapit ni Sancho ang kaniyang mga kamay sa maliit na beywang ni Viera. Habang si Viera naman ay ipinatong ang mga kamay sa balikat ng lalaki.

Sa simula ay may pagitan pa sa gitna nila ngunit kalaunan sa kalagitnaan ng awitin ay hapit na hapit na sila sa isa't isa. Ni hangin ay hindi na makaraan sa kanilang pagitan. Hinapit ng mahigpit ni Sancho ang beywang ni Viera while Viera enclosed her arms on his neck and rested her head on his broad shoulder. Para syang dinuduyan sa sarap na kanyang nararamdaman. It feels like she has come home to a place she has long been wanting to find. Si Sancho naman ay parang nalasing sa bango ni Viera. He's intoxicated with her smell as he kept on sniffing her hair. Damn this woman hindi niya inexpect that she would be this intoxicating.

Nasa ganun silang ayos ng biglang...

BANG! BANG! BANG!!!

Talang LigawWhere stories live. Discover now