II. Ang Ugali ni Viera

82 8 4
                                    

"Beauty is nothing without personality.."
                                               ~prettilay®~

II. Ang Ugali ni Viera

"Manangggg!! Nasan yung infinity ring ko?" Angil ni Viera sa matandang katulong. "Ninakaw n'yo 'no? Dito ko lang yun inilagay sa ibabaw ng dresser." Pagbebentang nito sabay duro sa katulong na humalukipkip at di alam kung ano ang gagawin.

"Señorita, hindi po ako magnanakaw. Wala ho akong nakitang singsing nung naglinis ako kaninang umaga." Pagpapaliwanag ng katulong na natataranta sa mga tinuran ng nanggagalaiting amo.

"Aba't nagpapaliwag ka pang matanda ka! Ganyan naman kayong mga hampas lupa kayo! Mga magnanakaw!!" Galit na galit na sabi ni Viera sabay hagis ng vase sa katulong, buti na lang at nakailag ang pobre.

"Lumayas ka sa harapan ko kung ayaw mong mapuruhan kita!" Nanlilisik ang mga mata nitong pinagtulakan ang katulong palabas ng kwarto.

Dali dali namang kumaripas si Aling Adela, ang may edad ng katulong ng mga Vergara. Kahit sanay na s'ya sa ugali ni Viera ay 'di pa rin n'ya mapigilang mapaluha sa mga sinabi nito. Oo nga't mahirap lang siya pero kahit kailan ay hindi niya naisip magnakaw. Malinis ang kaniyang budhi at saksi ang langit nito. Hindi na mabilang kung ilang beses na siyang minura at pinagbentangan ni Viera kapag nakakalimutan nito kung saan inilagay ang sariling mga gamit lalo na ang mga alahas. Nasasaktan man siya ay wala siyang magawa. Gustuhin man niyang umalis sa mga Vergara ay hindi niya magawa kasi pinapag-aaral niya ang dalawang anak.

Mabait naman kasi ang mga magulang ni Viera kaya nagtitimpi na lang siya. Si Viera lang naman itong may pangit na ugali. At hindi lang siya ang nakakatikim ng pangmamaliit mula kay Viera. Silang lahat na mga katulong ay ganun ang trato ni Viera. Kaya iniiwasan na lang nila ito lalo na't tinutupak ito.

Tumunog ang telepono sa salas, si Viera ang hinahanap. Tinawag ng katulong ang nagpapahingang si Viera sa loob ng magarang silid nito.

"Excuse me Señorita, may tawag po kayo," sambit ng katulong.

"Ibaba mo na lang dun, I'll take the call here." Bumangon ito at kinuha ang cordless phone mula sa side table ng kama.

"Hello? Sino 'to?"

"Viera it's me, Jake, bakit di mo sinasagot ang tawag at text ko sa mobile mo?" Sagot ng nasa kabilang linya.

"Bobo ka ba at di makaintindi? Ignoring your texts and calls means I'm done with you!" Inis na sagot ni Viera sabay padabog na ibinaba ang telepono.

Tapos tumunog naman ang kaniyang cellphone. Tiningnan ang numerong nakarehistro pero wala ito sa phonebook. Sinagot niya ito baka kasi business call.

"Hello, may I know who's on the line please?" Malumanay nitong sabi.

"Damn you Viera!!! Hindi pa tayo tapos. Pagbabayaran mo ang ginawa mong pag-iwas sa 'kin!" Nagpupuyos sa galit na sabi ni Jake.

"Hahaha...pinapatawa mo 'ko Jake Castro. Kahit ano pang sabihin mo hindi ako natatakot! Sawa na ako sa 'yo masyado kang madrama. Nag-enjoy ka naman di ba? Grow up!" Ang mapang-uyam na sagot ni Viera sabay patay sa cellphone.

Ganito si Viera pagdating sa mga lalaki. Kapag nagsawa na siya ay basta na lang niya itong iniiwan ng walang kadahilanan. Hindi siya nag-iinvest ng feelings sa isang relasyon. Madali s'yang magsawa kahit gaano pa kagwapo at kayaman ang isang lalaki, kapag sinabi ni Viera na tapos na sila...ay tapos na talaga. Hindi niya na ito babalikan pa. She's very popular to the male species with how often siyang nagpapalit ng boyfriend. She's dubbed as "Viera the heartbreaker." And she's not fazed about it at all. In fact, nag-eenjoy pa nga s'ya.

"Señorita, may naghahanap po sa inyo sa labas," ani ng katulong.

"Sino daw?" Pagtatakang tanong ni Viera. Bibihira ang bumibisita sa kaniya dito sa mansiyon ng kaniyang mga magulang. And besides, rest day niya ngayon ayaw niya ng istorbo.

"Ay, hindi po sinabi señorita. Basta ang sabi ni Manang Adela ay ipaalam ko raw po sa inyo."

"Kayo ha, basta na lang kayo nagpapapasok ng kung sino-sino!" Naiirita niyang angil sa katulong.

"Hindi po ako ang nagpapasok señorita. Pinapasok daw po ng inyong Màmâ." Pagpapaliwanag naman ng katulong.

"Hmmpp..sino kaya 'tong istorbong 'to! O sige bumalik ka na dun at susunod na ako." Padabog na nagbihis si Viera ng tattered maong shorts and hanging top.

Pagkababa niya sa hagdan ay nakita niya ang isang nakaupong babae sa sofa. Nakatalikod ito sa kaniya kaya 'di niya matantya kung sino ito. Tumikhim siya at lumingon ang babae. Napakunot ang kaniyang noo. Hindi niya kilala ang babaeng ito na halos kasing edad lang niya. Tumayo ang babae at akmang lalapit ito sa kaniya.

"Excuse me, but do I know you?" Sarkastika niyang tanong. Parang naumid naman ang dila ng babae at hindi agad ito nakapagsalita. Pinagpapawisan at namutla sa tingin niya.

"Bingi ka ba o pipi? Tinatanong kita! At ano ang pakay mo sa 'kin? Sumagot ka't 'wag mong sayangin ang panahon ko!" Pagtataray ni Viera at tiningnan ang babae mula ulo hanggang paa. Tila natauhan ang babae at pautal itong nagsalita.

"H-hi...I'm Claudia, may ipapakiusap lang sana ako." Inilahad nito ang isang kamay pero hindi inabot ni Viera kaya binawi na lang niya ito.

"At ano naman yun?"

"P-please, iwan mo na si Ramir..." Pagsusumamo ni Claudia.

"At sino ka para pagsabihan ako?" Tumaas ang boses ni Viera.

"I'm Ramir's fiancee...sinundan ko pa siya dito mula Europe." Ang naiiyak na sagot ni Claudia.

"Eh ano ngayon kung ayaw ko s'yang iwan?"

"Maawa ka sa 'kin Ms. Vergara...mahal ko si Ramir at mahal rin niya ako...buntis ako!" At di na napigilan ni Claudia ang humagulgol ng iyak sa harap ni Viera.

"Wala akong pakialam kung buntis ka! Kasalanan mo 'yan kung nagpakatanga ka! And besides, hindi ako dapat ang kinausap mo kundi ang  two-timer mong nobyo!"

"I already talked to him...but he won't listen. Nababaliw siya sa 'yo. So, please iwasan mo na lang siya alang-alang sa magiging anak namin." Pagsusumamo ni Claudia. Pero di natinag si Viera. Umismid lang ito.

"Kung yan lang ang pakay mo, pwede ka ng umalis! Iiwan ko si Ramir kung sawa na ako sa kaniya. Pero ngayong nag-eenjoy pa ako sa company niya, akin muna s'ya!" Walang pakundangang tinuran ni Viera at ngumiti pa ito saka tumalikod. Naiwang nakatulala si Claudia. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Viera. Anong klaseng babae ba itong kinababaliwan ni Ramir?

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤
Hello mahal,
Kung nakarating ka sa kabanatang ito, ibig sabihin nabasa mo na ang una. Salamat kung ganun. Boto naman dyan! Hihihi  😍😍

❤💙💚💛💜
PretTiLay 👸

Talang LigawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon