VI. Ang Paghihiganti

64 3 0
                                    

"Handang magbuwis ng buhay ang isang Adan alang-alang sa babaeng ubod ng kagandahan."
                                             ~prettilay®~   

BANG! BANG! BANG!!!

Nakakabinging putok ang umalingawngaw sa paligid. Malalakas na sigaw at tili ang bumalot sa ballroom. Nagkakagulo ang mga bisita. Natutuliro ang iba at hindi alam kung saan pupunta. Habang yung iba naman ay nakadapa sa sahig o di kaya'y nakatago sa ilalim ng mesa.

Samantalang si Viera ay nakasubsob sa malapad at matigas na dibdib ni Sancho na mahigpit namang nakayakap sa kanya. Takot na takot at sobrang kinakabahan. Ngayon lang siya nakaranas ng ganitong violence.

Lumiwanag ang buong paligid. Napalitan ang kumikislap na LED light ng purong liwananag mula sa chandeliers na nagkalat sa ceiling. Humupa rin ang sigawan. Nahimasmasan ang karamihan dahil sa nasilayang liwanag.

"Magandang gabi sa inyong lahat! Nagulat ba kayo sa sorpresa ko?" Biglang nangibabaw ang malakas na boses ng isang lalaki.

Nagpalinga-linga si Viera kung saan nanggaling ang boses na iyon. Pamilyar sa kanya ang baritonong tunog na iyon. Di nga lang nya mawari kung sino pero alam nya na narinig na niya yon.

"Up here you fools!!!" Sigaw nang nagngangalit na boses. Galing iyon sa bandang itaas.

Sabay na tumingala ang mga nahimasmasan na tao pati sina Viera at Sancho. Dun sa pwesto ng DJ sa makeshift na second floor ay nakatayo ang galit na galit na si Ramir! May hawak itong baril na iwinawagayway pa.

"Surprise Vixen Viera?! Akala mo kakalimutan ko ang kawalanghiyaang ginawa mo sakin? No way!!!"

Nanlilisik sa galit ang mga mata ni Ramir na halos lumuwa na from its sockets. Natulala naman si Viera sa narinig. She could hardly believe that an educated man like Ramir, who came from a prominent family will pull a stunt like this. She felt so cold. Sweat is forming from her forehead down to her back.

"Hey man, what is this? Are you crazy? Drop your gun and go home." All of a sudden ay nagsalita si Sancho. Medyo mahinahon at halatang nagpipigil lang ng galit.

"And why would I do that Santana?" Asik naman ni Ramir.

At doon lang napagtanto ni Viera na magkakilala pala ang dalawang ito. What a small world!

"Because you're ruining my party Sandoval!" Sigaw ni Sancho at hindi na nakapagpigil.

"Exactly my purpose for coming here Santana! Hahaha.."

At tumawa pa ito nang pagkalakas lakas na para bang sinasaniban ng masamang espiritu. Tiyak bangag ito sa drugs. Nabuhay ang kaba ni Viera. She's certain na siya ang dahilan ng panggugulo nito sa party ni Sancho.

"Ramir please...if you came here for me..this is not the right place." Ang puno pa rin ng otoridad na sabi ni Viera. Hindi halata na nangangatog ang tuhod nya sa kaba sa posibleng gawin ni Ramir.

"Really Viera? Bakit nung pinuntahan ba kita ay binigyan mo ako ng pagkakataon? Hindi di ba!? You dismissed me like I'm a piece of shit!" Nagngangalit na bulyaw ni Ramir.

Napasubsub muli si Viera sa dibdib ni Sancho. Mukhang hindi niya kayang patahanin ang mala-bulkang pagsabog ng galit ni Ramir. Hindi niya inaasahan na magiging ganito ka bayolente ang lalaking ito.

"What do you want Sandoval?" Asik ni Sancho. Hinawakan niya ng mahigpit ang beywang ni Viera. Damang dama niya ang takot nito. He didn't expect that this woman will bring such danger to his guests. Parang gusto niya ng magsisi at ito pa ang napili ng kaniyang ama.

"Hand her to me, and I'll leave you all in peace. Walang masasaktan...ibigay mo lang sa akin ang walang pusong babeng iyan!"

"And what do you think of her? A piece of toy na pwede mo lang kunin dahil ginusto mo? And you think I will hand her to you? You're crazy Sandoval!"

"Yeah right! I'm crazy...she fooled me kaya nababaliw na akoooo!!!" At pagkasabi nun ay nagpaputok ito ng tatlong beses.

Nayanig na naman ang buong ballroom. Nagtilian ang mga guests. Walang naglakas loob lumabas dahil napapalibutan ang paligid ng mga tauhan ni Ramir. Ang mga body guards at security personnels ay walang magawa dahil hawak ng mga hired men ni Ramir ang Mayor at ang misis nito.

"Wala ka nang magagawa Santana. Give her to me in exchange of your parents. Sino ba ang mas mahalaga? Ang walang-hiyang yan o ang mga magulang mo?"

Sa di kalayuan ay umalingawngaw ang sirena. Tiyak paparating na ang mga otoridad. Biglang nataranta si Ramir. Tinutok niya ang baril kay Viera. At nung pumutok ay naiwas naman ni Sancho si Viera kaya siya ang natamaan. Tumakas si Ramir at ang kaniyang mga tauhan. Tinugis sila ng mga pulis at nagkaroon ng bakbakan. Umaalingawngaw ang mga putok. Natamaan si Ramir ngunit nakatakas ang kaniyang mga tauhan dahil ginawang panangga ang mayor. Iniwan din nila ito nung nasigurado nilang hindi na sila masusundan.

Samantalang si Sancho ay kritikal at nag-aagaw buhay habang inooperahan. Natamaan ang internal organs nito. Si Ramir naman ay dead on arrival pagdating sa ospital.

Hindi malaman ni Viera kung ano ang gagawin. For the first time in her life ay she felt so lost. Hindi siya makausap ng maayos ng kanyang kapamilya. Nagkukulong siya sa kanyang silid at natutulala.

Sinisisi siya ng pamilya ni Ramir sa pagkamatay nito. Lalo na ni Claudia ang buntis na kasintahan ni Ramir. Nawalan ng ama ang batang pinagbubuntis niya. Nagtangis si Claudia nung sinugod nito si Viera. Wala siyang nagawa kundi umiyak. She felt so helpless. Pakiramdam niya ay gumuho ang kanyang mundo dahil sa mga pangyayari. Wala na siyang mukhang maihaharap sa society.

Pati ang pamilya ni Sancho ay galit sa kanya dahil kamuntik nang mamatay ang binata. Marami ang kamuntik ng mapahamak dahil sa kanya.

Laman siya lagi ng mga balita. Binabash rin siya sa social media.

"Viera Vergara isang kriminal!"

"Viera the killer bitch!"

"Sana ikaw nalang ang namatay Viera!"

"Vicious Viera bagay ka sa impyerno!"

Ilan lang ito sa mga masasamang salita na ibinato sa kanya sa social media. Napakarami na niyang haters and bashers. Hindi na siya nakakalabas ng bahay dahil binabato siya ng kung ano ano tuwing may nakakakilala sa kanya sa public places.

Talang LigawWhere stories live. Discover now