VII. Ang Aksidente

66 3 2
                                    

"Sadyang may kaparusahan ang lahat ng mga kasalanan."
                                             ~prettilay®~

VII. Ang Aksidente

Nagising siya na puro sakit ang nararamdaman sa buong katawan. Hindi siya makagalaw. Gustuhin man niyang idilat ang kanyang mga mata ay hindi nya magawa. Napakabigat ng kanyang mga talukap. Nasaan nga ba sya at bakit wala syang maalala kung ano ang nangyari sa kanya?

Parang may bumukas na pinto at nakarinig sya ng mga yapak.

"Dok mukhang nagkamalay na ho ang pasyente." Narinig nyang sinabi ng isang babae.

"Yes nurse. Nagkamalay na nga sya. Mabuti naman at ng matanong natin kung sino sya at paano natin kokontakin ang kanyang mga kapamilya."

Isang lalaki ang narinig nyang nagsalita. Siguro ito yung doktor. Pero bakit nga ba sya napunta dito sa ospital? Wala talaga syang maapuhap na alaala tungkol sa mga nangyari.

"Ah miss, are you awake? If you are, kindly move your fingers." Ang sabi ng doktor sa kanya. At ginawa naman nya ito.

"Good. Now can you speak?"

Parang ang hirap magsalita. Parang kinakalawang yung lalamunan nya. Pero sinubukan pa rin niya kahit nahihirapan.

"Y-yes doc." Struggle is real talaga. Namamalat yung boses niya.

"That's better. Anong pangalan mo?"

"H-ho?" Naguguluhan siya at wala siyang maalala. Ano nga ba ang pangalan niya? Nang walang maapuhap ni katiting na alaala kung sino sya ay nagsimula syang humikbi.

Dinaluhan naman siya kaagad ng doktor at ng nurse. Miss, may masakit ba? Ang mahinahong tanong ng doktor. Umiling sya at pinalis ng kanyang kanang kamay ang naglandas na luha sa kanyang pisngi.

"D-dok, ba't wala akong maalala?" Nanginginig ang kanyang boses.

"Kalma lang miss. Naaksidente ka at nagkaroon ng malaking sugat sa ulo.  Mukhang malakas ang pagkabagok mo sa matigas na bagay. Tapos ilang oras ka rin na nagpalutang-lutang sa dagat." Pagpapaliwanag ng doktor.

"Aksidente? Ako naaksidente? Kailan dok?" Paisa-isa niyang tanong.

She had an accident? But why can't she remember it? Ito ang ilan sa mga katanungang namumuo sa kanyang isipan. Pinilit niyang alalahanin ang nangyari ngunit sumakit lang ang kanyang ulo. Wala pa rin syang maalala. Sino nga ba sya?

"Magpahinga ka muna. Your memory loss is temporary. And since wala kang maalala, wala kaming pwedeng mainform na relative mo." Sabi ng doktor at iniwan siyang mag-isa na puno ng pagtataka.

Nakatulogan ni Viera ang pag-aapuhap sa kanyang isipan ng kahit kakarampot na alaala. Pati pangalan nya ay hindi na niya alam.

Nang magising ay bumuti-buti na ang kanyang pakiramdam. Kaya lang wala pa rin syang maaalala. She opened her eyes at sumalubong sa kanya ang hindi pamilyar na mukha. Nakangiti ito sa kanya.

"Kamusta na ang pakiramdam mo miss?" Lumapit sa kanya ang may edad na babae at dinampi ang palad neto sa kanyang noo.

"M-medyo maayos naman. Sino po kayo?" Ang nagtataka niyang tanong.

"Ako si Nora. Tawagin mo na lang akong Aling Nora. Ang asawa ko ang nakakita sa 'yo dun sa dalampasigan malapit sa pampang. Wala kang malay at sugatan. Magpagaling ka ng makauwi kana kung nasan man yung sa inyo." May bakas pag-alala ang boses neto.

"Nasaan ho ba ako?" Naisatinig niya.

"Nasa Isla Lumina. Wala ka ba talagang naalala?" Umiling sya bilang sagot.

"Ilang araw na ho ako rito?"

"Dalawang linggo na. Buti naman at nagkamalay ka na. Sabi ng doktor ay pwede ka ng umuwi."

Nanlumo sya sa tinuran ni Nora kasi hindi nya alam kung paano syang makakauwi.

"Wala kang gamit nung ikaw ay matagpuan na pwede mong pagkakilanlan."

Gusto sana niyang itanong kung nasaan itong Isla Lumina ngunit hindi na niya itinuloy kasi di rin naman niya alam kung saang lugar sya galing kaya wala ring silbi.

"Uuwi muna ako at itatanong ko sa amo ko kung pwede bang dun muna kita euwi sa bahay."

"S-sige, salamat po."

Pagkaalis ni Nora ay naisip nya na sana nga ay pumayag yung sinasabi netong amo na dun muna sya tumira sa kanila. She felt so helpless dahil kahit anong isip ang gawin nya ay blanko ang kanyang memorya.

Iginala niya ang kanyang mata sa kabuuan ng silid. Katamtaman ang laki, malinis at moderno ang mga gamit. Paano kaya sya makakabayad sa pagpapagamot niya rito. Two weeks syang nakaconfine, kaya tiyak malaki-laki ang bill nya.

Naidlip sya sa kakaisip. Nagising na lang sya nung bumukas ang pinto. Isang may edad na lalaki ang sumungaw sa pinto. Sino naman kaya ito?

"Ah miss, buti naman at gising ka na. Ako nga pala si Cardo ang asawa ni Nora yung ale na nanggaling dito kanina. Ako na ang sumundo sa 'yo kasi may iniutos si boss sa kanya."

"Hello po. Maraming salamat sa pagkakaligtas ninyo sa akin. Utang ko sa inyo ang buhay ko." Halos maluha sya sa kanyang sinabi.

"Walang anuman. Kahit sino nanan ay gagawin din yung ginawa ko. Naayos ko na yung bills kaya pwede na kitang ilabas. Kaya mo na bang maglakad?"

Tumango sya at bumangon sya ng dahan-dahan. Nakakalakad naman sya kasi kanina lang ay nanggaling siya sa cr. Ayos naman ang paglakad nya.

Tinulungan syang tumayo ni Mang Cardo. At may iniabot itong damit sa kanya pamalit sa hospital gown.

"Pagpasensyahan mo na iyang damit ni Nora at tiyak maluwang yan sa 'yo."

"Ayos lang. Salamat po dito."

Pagkatapos magpalit ay inalalayan sya palabas ni Mang Cardo. Nasilaw sya sa liwanag ng araw. Tanghali na pala. Medyo kumalam ang sikmura nya. Konti lang asi ang kinain nya sa agahan dahil di nya natipuhan yung ulam.

"Ah Mang Cardo, magkano ho ang hospital bill na binayaran ninyo?" Naitanong nya nung nakasakay na sila sa isang magara na pulang pick-up.

"Ah yun ba. Wag mo munang alalahin yun. Mayaman naman si boss kaya ayos lang yun."

"Ho? Ang ibig nyong sabihin ang amo nyo ang nagbayad?" Naibulalas nya.

"Ay syempre naman kasi sya yung may pera. Malaki nga ang utang ko sa kanya." At ngumisi ito.

Kinabahan tuloy sya sa paghaharap nila ng amo neto. Nakakahiya naman at ang laking abala ng dulot nya. Siguro matandang mayaman 'to at nagretire na kaya dito napiling manirahan sa isla.

Habang binabaybay ng sasakyan ang sementadong daan ay napansin nya ang paligid. Sa gawing kanan ay nakahilera ang mga punong niyog at sa di kalayuan ay matatanaw ang tahimik na dagat. Mangilan-ngilan lang ang mga bahay na nadaanan at hindi pa ito magkalapit. Ni wala nga silang nasalubong na ibang sasakyan maliban sa dalawang traysikel.

Nasaan ba sya at mukhang napakalayo neto sa kabihasnan at bibihira lang ang taong kanyang nakita. Pero in fairness, the green scenery is so cool and refreshing. The sprawling trees and the cold breeze from the ocean made her feel so relaxed. This place is a piece of paradise on earth.

Hindi nya namalayan na pumarada na pala ang sasakyan, nung inangat nya ang kanyang paningin sa bintana ay  nasa harap na sila ng isang vintage gate. Ano kayang meron sa likod ng makalumang gate na ito? Kinabahan syang bigla.

Bumukas ang gate at nakangiting sumalubong sa kanila si Aling Nora. Pumasok ang sasakyan at huminto ito sa tapat ng isang modernong porch na very contrasting doon sa vintage na gate. Pagkababa nya ay inilibot nya ang kanyang paningin sa paligid at nalula sya sa laki ng mansion.

Talang LigawWhere stories live. Discover now