XIV. Eksena sa Pool

42 1 0
                                    

"Ang makamundong pagnanasa ay nagliliyab at handang tutupin ang sino mang marupok ang damdamin."

                                            ~prettilay®~

XIV. Eksena sa Pool

"Lumabas ka dyan at wag kang magtago sa dilim!" Napaigtad sya sa tinuran ni Drew. Ni hindi man lang tumingin sa kinaroroonan nya. How did he know that she's there?

Gusto nyang patuloy na magkubli o di kaya ay bumalik na lang sa loob ng mansyon. But deep inside alam nya na mapapasama lang sya kapag ginawa nya yun. Nahuli na sya ni Drew kaya kailangan ay magpakita sya dito.

"Sorry, boss...magpapahangin lang sana." Ang mahina nyang sambit na hindi makatingin ng deretso kay Drew.

"Why don't you join me here?"

"Wag na ho, kayo nalang. Dito lang ako." At umupo sya sa lounger. Iginala ang paningin sa langit na puno ng mga bituin. Ngayon lang yata nya ito napagmasdan sa tanang buhay nya. Ang sarap pala sa pakiramdam ng nakatingala sa kalawakan at nakatunghay sa'yo ang mga bituing nagniningning. It gives her inner peace. If only she had known that such beauty is so calming and relaxing ay nagpagawa na sana sya ng roof deck sa bahay nila kung saan pwede nyang titigan ang malawak na kalangitan.

"What are you thinking?" Hindi nya namalayan na nakalapit na pala sa kanya si Drew. Nakatayo ito sa gilid ng lounger at kapag ibinaling nya ang tingin dito ay tiyak sasalubong sa kanya ang abs nito. Pinilit nyang wag tumingin, and it took all her self-restraint not to look. Parang biglang namalat ang lalamunan nya. He is so damn near. Buti na lang at medyo madilim kaya hindi nito makikita ang pag-iiba ng kulay ng kanyang mukha.

"W-wala naman. Tinitingnan ko lang ang mga bituin." Pagpapaliwanag nya. But her voice didn't sound convincing, alam nya. His nearness has a dizzying effect on her. It drives her system wild.

"Aside from the beach, the stars made me fall in love with this place. I've never seen them sparkle so brightly in all the places that I've been to. Dito lang. And since then, hindi na ako naghanap pa ng ibang lugar where I could watch them in awe." He sounds so different. Parang ibang Drew tong kausap nya ngayon. Banayad yung boses na may halong sincerity. Ngayon lang yata nya ito narinig na nakipag-usap sa kanya ng matino. And what surprises her more ay ang paghanga nito sa mga bituin. That's so rare. Ngayon lang yata sya nakahanap ng lalaking mahilig sa mga bituin na kung mangusap tila ba ang mga ito ay babasaging kristal na kailangan pag-ingatan.

Umupo ito sa lounger kaya napabalikwas si Viera sa pagkakahiga. He was still staring at the brightly illumined sky. He looks so enchanting. Kay sarap haplusin ng kanyang panga. She likes this Drew better although gusto pa rin naman nya ang bruskong Drew. Hahaha she's crazy!

"Do you find them enchanting?" Bumaling ito sa kanya and she was caught staring.

"Y-yeah...the stars look so magical. It's actually my first time looking at them. " Ang may halong hiya niyang tugon. Eh sa ganun talaga. The stars are the least of her concern before. She never paid any attention to them not until tonight.

"If that's the case, then you have missed so much in life." Ang mapanuya nitong sagot.

"Tell me more about it. I never really thought that stars could be this beautiful." She sighed.

"Anong klaseng buhay kaya meron ka dati noh at hindi mo man lang naaappreciate ang kagandahan ng mga bituin?"

Bigla syang kinabahan. Baka kasi masabi nya ang totoo at mabuking ni Drew na nagbalik na ang kanyang alaala. Hindi pa sya handa na ipaalam ito sa lalaki. Kaya to be safe ay lumingo-lingo lang sya to convey na hindi nya alam.

Nakabibinging katahimikan ang namagitan sa kanila. Natakot tuloy sya na baka marinig ni Drew ang kalabog ng kanyang dibdib sa sobrang lakas nito. She could no longer stand his nearness and yet hindi nya ito pwedeng hawakan. Tumayo sya baka kasi hindi sya makapagpigil. Naglakad-lakad sa gilid ng pool. Tinitingnan ang reflection ng mga bituin sa malinaw na tubig.

Ang hindi nya alam ay tumayo din pala si Drew at lumapit sa kanyang kinaroroonan. Huli na ng mapagtanto nyang nasa likuran nya ito dahil naitulak na sya nito pabagsak sa pool. Sa inis ay hindi agad sya lumitaw. She's a swimmer. She can stay under water for several minutes.

She's enjoying the cold water. Inalis nito ang namumuong init sa kanyang katawan kaninang napalapit sya kay Drew. Biglang may humila sa kanyang beywang at hinila sya paahon sa tubig.

"Hey Sandy, are you okay?" May halong pag-aalala ang boses ni Drew. Gusto nyang matawa. Effective yung ginawa nyang hindi paglitaw agad. Akala siguro nito ay hindi sya marunong lumangoy.

Hindi pa rin sya binitawan ni Drew. Nanatili ang magkabilang kamay nito sa kanyang beywang. Sobrang lapit nila sa isa't isa. Danger zone to. The red light keeps on buzzing in her head, yet it does not stop her eyes from staring on his gorgeous face. His right hand then travels from her waist to her arms moving upwards hanggang sa umabot ito sa kanyang pisngi. She yields to his touch, para syang maamong aso na sabik na sabik sa haplos ng kanyang amo. As his warm hand caresses her cold skin, para syang sinilaban. The spark then sends her on fire. Without second thought, she runs her fingers on his bare chest feeling the rippling muscles that she longed to touch. His other hand starts to move, touching the small of her back pushing her closer to him. Her heart is beating wildly like a tribal drum roll.

And then her anticipation comes to an end when his soft lips meet hers. It seems like a thousand fireworks burst in the sky and dance with the stars. At first, the kiss is slow and tender. Ipinikit nya ang kanyang mga mata upang namnamin ang tamis ng halik na iginawad sa kanya ni Drew. Tapos naging mapusok ang kanina'y banayad na dampi lang. It's tempting and teasing. Kumapit sya sa batok ni Drew dahil parang nalulunod sya kahit na sumayad naman ang paa nya sa sahig ng pool at ang tubig ay hanggang dibdib lang.

Pareho silang kapos sa hininga ng maghiwalay ang kanilang mga labi. Binuksan nya ang kanyang mga mata at sumalubong sa kanyang paningin ang mga mata ni Drew na still hazy with desire. Hinila sya nito pabalik at sinakop muli ang nagbabaga nyang mga labi. The kiss becomes more intense than the first na syang nagpawala sa kanya sa katinuan. Her body becomes supple to his touch. Her hands are feasting on his toned body. Caressing every inch of his chest to his abs. She's on fire and right now ay handa syang sunugin ang kanyang sarili kahit matutop man ito ng apoy ng pagnanasa. And she could tell na pareho sila ng nararamdaman ni Drew. They are in synch both body and mind.

They are about to take it to the next level ng biglang may kumalabog sa di kalayuan. Nagbalik ang kanilang ulirat at luminga-linga sa paligid. Binalot ng hiya si Viera kasabay ng pagbabalik ng kanyang katinuan. Dali-dali syang umahon sa pool at walang lingon-lingon na pumasok sa mansyon at dumeretso sa kanyang silid. Habang nagbibihis ay di nya maiwasang sariwain ang naganap sa pool. Bakit nya hinayaan ang sarili na tangayin sa agos ng makamundong damdamin? Gusto nyang sabunutan ang kanyang sarili sa nangyari. Anong mukha pa ang maihaharap nya kay Drew?

She hasn't changed. Siya pa rin ang makamundong Viera. At ngayong nagbalik na ang kanyang alaala ay nagbalik rin ang mapanuksong siya.

Talang LigawWhere stories live. Discover now