Pang labing-anim.

Start from the beginning
                                    

Kay Achlys ko lamang sinabi. Pero alam ko namang nagduda na ang iilan dahil may nakakakita sa amin kahit minsan. Binalak ko iyong ikwento kina Maxine at Bianca, pero natakot ako at hindi ko alam kung bakit. Nang mangyari ang gabing iyon na inatake si Kael, kinwento ko sa kanila ang lahat-lahat. Naintindihan naman nila ako at pinagpapasalamatan ko iyon ng marami.

"Ibang laro naman. Ano pwede?" Napadilat ako sa tanong ni Amarie. Tapos na pala sila maglaro. Pinagmasdan ko ang mga kaibigan ko para malaman kung sino ang talo. Si Anton lang naman ang tanging busangot ang mukha at inaasar nina Mateo sa pagkatalo niya. Si Vin ay nangingiti lang at umiiling, si Off naman na katabi niya ay mukhang iritado pa rin na naglalaro na sa cellphone. Napa-iling na lang ako.

"Spin the bottle!" Sigaw ni Maxine at nilabas ang water bottle na nasa tabi niya. Nagsigawan naman kami ng 'game' at 'walang kj, ha' tapos ay pinaikot na ni Maxine ang bote.

--_

Sa huli, lahat kami ay naboring-an na lang at wala nang magawa. Nakahiga na lang kami sa lapag ngayon at nakatingala sa dingding habang nakikinig ng mga kanta. Ang iba ay nakaupo at ang iba ay nakahiga roon sa hita ng mga nakaupo. Katulad na lang ni Mateo na nakahiga at ni Brianne na nakaupo. Nakahiga naman ako sa tiyan ni Jana, si Jana ay nakahiga kay Maxine. Si Leila naman ay nakahiga kay Amarie, at ganoon din si Bianca.

"Kumusta ka? Okay ka na ba?" Tanong ni Jana habang pinaglalaruan ang buhok ko. Nakatingala lang ako at kumakanta ng mahina.

~Though I stopped calling you
And I stopped taking your messages
Never stopped loving you
And the one thing that I regret is
I stopped calling you
And I stopped taking your messages
Never stopped loving you
Yeah you're still running through my head~

"Medyo okay." Tumawa ako.

"Baliw ka talaga." Sabi naman ni Jana.

"Huwag niyo ako iwanan bukas sa table. Baka umiyak lang ako." Tumawa ulit ako.

"Hindi naman talaga. Tayo na lang magsayaw." Tumawa siya kaya ganoon din ako. Ganoon naman talaga ang plano namin dahil pareho naman kaming walang prom date at nagluluksa sa mahal namin.

~So hold on, baby
Know you drive me crazy
It's a sad song really
She could make me happy, oh
Ain't always cool
But it's alright
It's not a sad song really
She used to make me happy~

Lumingon kami pareho ni Jana nang marinig ang pagkanta ng mga lalaki, nangingibabaw ang boses ni Off, sumunod naman iyong kay Vin. Maganda kasi ang boses nila pareho, dagdag pa na magaling din silang mag-gitara. Kaya sila kasama sa banda, eh.

"Ganda ng boses ng dalawa." Ani Jana. Nag-angat ako ng tingin at nakitang nakatitig siya kay Vin na nakahiga at nakatingala lang. Si Off naman ay nakaupo at ang mga kamay ay nakalagay sa lapag, nakatingala rin.

"Oo nga, e. Magpeperform ba sila bukas?" Tanong ko. Sumabat naman bigla si Maxine.

"Oo, syempre. Ang mga iyan pa ba?" Sagot niya.

"Paano iyong sina Arch, Sandro at Valier?" Tanong ni Amarie.

"Pupunta yata? O silang tatlo lang ni Cax ang magpeperform. Ewan ko pa." Nagkibit-balikat si Maxine. Tumango na lamang ako at pinaglaruan ang mga daliri ko.

--_

Kinabukasan, maaga akong gumising. Simple lamang ang suot ko. Jeans at t-shirt lang, malapit-lapit lang naman ang pupuntahan ko.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Mama pagkababa ko, nagtitimpla siya ng kape. Si Carrie naman ay pababa pa lang at nagkukusot pa ng mata, samantalang si Miya ay tulog pa.

"Ah, punta lang ako kina Bianca. Saglit lang ako, hehe." Sabi ko kay Mama.

"Hay naku, bilisan mo! Magchecheck-in pa tayo roon sa hotel sa kung saan kayo magpoprom. Doon ka na rin magpapamake-up. Bilisan, ha! Uwi agad!" Sabi niya sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya. Buti na lang hindi strikto si Mama sa mga ganito.

Agaran kong tinext si Bianca at sinabing ginamit ko siyang palusot. Tingin ko'y umiiling na iyon ngayon 'pagkakita niya. Wala naman siyang magagawa, naintindihan niya rin naman ako. Alam ko namang ganito rin ang gagawin niya kung sakaling mamatay ang mahal niya.

Mabilis akong nakarating sa sementeryo dahil malapit-lapit lang iyon at maaga pa, hindi traffic. Pagdating ko roon, nilapag ko ang garapon ng mga letra ko sa harap ng puntod ni Kael. Umupo ako sa damuhan kung saan iyon nakalagay. Tatlong garapon na puno iyong nilagay ko roon. Sinindihan ko rin ang kandilang naroon sa tabi ng puntod niya.

"K-kael... miss na kita..." Panimula ko habang hinihimas ang puntod niya. Nanginginig ang boses ko at nag-iinit ang mata ko. Alam ko namang iiyak na naman ako.

"Alam mo ba? Prom na namin ngayon. Wala akong prom date, ikaw kasi eh." Tumawa ako ng mapait. "Iniwan mo ako kaagad. Kael naman, hindi pa rin ako nakakamove-on sa'yo, alam mo ba iyon? Hindi pa rin ako makamove-on sa nangyari. Bakit kasi hindi mo agad sinabi sa akin iyong sakit mo? Edi sana mas nilaan ko sa'yo ang oras ko. Mas marami tayong ginawa. Alam ko namang ayaw mo ako saktan, pero, Kael, mas nasaktan ako sa ginawa mo eh. Pakiramdam ko hindi sapat lahat ng pinagsamahan natin. Pakiramdam ko, kulang ang lahat ng ginawa nating magkasama. Hindi sa sinisisi kita, ha. Miss na miss lang talaga kita. Mahal na mahal kita, Kael. Alam mo naman siguro iyon, hindi ba? Kung pwede ka lang buhayin ay ginawa ko na. Kael, pwede ka ba magparamdam ngayon? Pwede mo ba akong yakapin? Please." Humikbi ako. Umiiyak na ako at patuloy ang tulo ng luha ko. Hinayaan ko na lamang iyon.

Naramdaman ko ang ihip ng hangin at biglang tumayo ang mga balahibo ko. Niyakap ko ang sarili ko at napangiti ako. "Mahal na mahal kita, Kael. Mahal na mahal." Wika ko habang nakapikit. Pakiramdam ko ay may nakayakap sa akin. "Salamat, Dipper." Sabi ko ulit.

Dumilat ako at tinignan ang oras sa relo ko. Saglit pa lamang ako rito. Tinitigan ko na lamang ang puntod ni Kael. Mikael Gavieres T. Concepcion, basa ko sa nakalagay dito. Naalala ko tuloy ang panahon noong inaasar ko siyang kamag-anak ni KC at iritang-irita siya no'n, samantalang tawa lamang ako nang tawa. Nasa likod kami ng school no'n, break time no'n at iniwan ko saglit sina Bianca. Nagkunwari akong galing CR para hindi nila ako ganoon mahalata.

Marami pa akong inalalang ginawa namin. Katulad ng star gazing namin, hindi kami magkasama nga lang no'n. Magkausap kami sa telepeno at parehong nakatingin sa terrace ng bahay namin. Kung anu-ano ang pinag-usapan namin no'n at tinatawan ko pa siya dahil nagtuturo siya ng constellation na hindi ko naman makita. Naalala ko rin ang pagbibike niya malapit sa school at patago naming ngitian. Masaya naman kami kahit tago ang relasyon namin. Mas maganda nga dahil pribado at walang nanghihimasok sa amin.

Muli kong tinignan ang relo ko. 30 minutes pa lang naman akong nandito kaya dito muna siguro ako. Hindi pa naman ako tinetext ni mama kung nasaan na ako.

May narinig akong nagsisipol sa kanan ko kaya agad akong napalingon doon. Nanlaki naman agad ang mata ko at tinakpan ang bibig ko, pinipigilan ang sarili na sumigaw. Nakatingin kasi siya sa gilid at ang isang kamay ay nasa bulsa ng pantalon, ang isa'y may hawak na mga bulaklak. Nang mapadpad ang tingin niya sa kung nasaan ako ay agad akong tumalikod.

Anong ginagawa mo rito, Lauon?!

Song used:

Sad Song by The Vamps

Saving the Fallen Constellation (Athánati series #1)Where stories live. Discover now