Chapter 1

247 6 0
                                    

Yejin's POV:

(6 o'clock am)
-bahay-

"Good morning po Eomma." Masaya kong bati kay Eomma nung lumabas ako sa gate para tulungan siya sa pagbubuhat ng mga gulay na nilalagay niya sa mini truck.

(A/N: "Eomma" Ang Korean word para sa "Mama".)

"Good morning din Anak." Bati rin ni Eomma sa akin.

"Tulungan ko na po kayo." Sabi ko sabay bitbit ng isang box ng potato.

"Nako! Wag na Yejin. Pumasok ka na lang sa loob at ayusin mo na yung mga gamit mo sa pagpasok." Pigil na sabi ni Eomma sa akin sabay hawak ng wrist ko.

"Naayos ko na po yung mga gamit ko nung pagkagising ko palang Eomma. Hayaan niyo na po ako para mabilis niyo na ito matapos at makakain na tayo ng sabay-sabay." Sagot ko na nakangiti.

"Ay.. ganun ba? Sige, iligay mo na yan doon Anak.." Sabi ni Eomma sa akin kaya kaagad na din ako kumilos at umakyat na ako sa mini truck.

Nung nalagay ko na at pabalik na sana ako ng bigla ako napatigil kasi nakita ko na may nakatalikod na babae na nagdidilig sa katabing bahay namin na 2 years nang walang tao, nagtaka ako pero nagpatuloy na lang ako sa paglalakad ulit papunta kay Eomma.

"Eomma.. May tao na sa kabilang bahay?" Tanong ko kay Eomma pagbalik ko sa kanya.

"Huh? Ah.. Meron na. Kakalipat lang nila kahapon. Hindi mo ba sila napansin kahapon nung umuwi tayo?" Sabi ni Eomma sabay tingin sa kabilang bahay tapos balik kaagad ng tingin sa akin.

"Hindi po, pagod po kasi ako kaya diret-diretso lang ako sa pagpasok ng bahay." Sagot ko.

"Ah.. Kaya naman pala."

"Ano family name nila Eomma?" Tanong ko ulit kay Eomma.

"Haha! Hulaan mo.." Masayang sabi ni Eomma. Nagisip ako kung ano ang family name nila at bakit ganun na lang ang reaksyon ni Eomma.

Umalis muna si Eomma at naglagay siya ng gulay sa mini truck nang bigla ako napangiti dahil sa naisip kong sagot.

"Eomma!" Tawag ko kay Eomma habang nandoon pa lang siya sa truck. Tumingin siya sa akin habang nakangiti ako.

"Alam mo na?" Tanong niya sa akin at tango lang ang sinagot ko kay Eomma habang nakangiti parin.

"Ano?" Interesadong tanong ni Eomma sa akin, lumapit ako sa kanya.

"Kim?" Nakangiti kong sagot kay Eomma na patanong parin kasi di ko alam kung tama.

"Paano mo nalaman Anak?" Gulat na tanong sa akin ni Eomma.

Ang sinagot ko kay Eomma ay body movement na style na 'Ako pa ba.. matalino ako eh..'

"Haha! Aigoo~ mana ka talaga sa akin eh.. noh?" Masayang sabi ni Eomma sa akin at napangiti na lang ako sa tuwa sa sinabi ni Eomma.

"Sige na.. Tapusin na natin ito." Sabi ni Eomma at kumilos na ulit siya.

"Opo." Sagot ko sabay kuha ulit ng box.

Nung tapos na kami ni Eomma sa paglalagay ng mga gulay kaagad na kami bumalik sa pinto ng bahay.

Nung bubuksan na sana ni Eomma ang pinto bigla na lang bumukas at nakita namin si Unnie Jessica.

The Most Beautiful Moments In LifeTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang