Chapter 32: All I ever wanted

Začít od začátku
                                    

"Ano? Nagugustuhan mo na siya? Hindi ka pwedeng magkagusto sa kanya?"

"Dahil ano, dahil kasal siya? Niloko siya ng lalaking yon...para sa'kin mas bagay siya sa'kin at hindi niya deserve na masaktan siya, ngayon kung gusto mong kampihan ang kapatid niya wala akong pakialam."

"Wala akong kinakampihan, gusto ko lang na maging masaya ka..."

Natigil ako sa paglakad na balak kong layasan siya pero napalingon ako sa harap, dahil sa sinabi niya. Like really.

"Masaya? Hindi ba naisip ni Ma'am Eden noon yan, diba? Pati yung mga pamilya kong walang ginawa kundi inapi ako, it seems mas masaya lang ako na makasama si Mila pero ayaw mong makasama ko siya, hindi rin ako takot sa asawa niya, kahit gaano pa ka warfreak din ang kapatid ni Mila!"

Pumasok ako sa kwarto ko at sinubukan kong tawagan si Mitch, pero hindi siya sumasagot sa tawag ko, sinubukan kong tawagan si Antonella, baka siya na lang yung taong gising, hindi rin sumasagot, pumasok bigla si Papa sa loob ng kwarto ko kaya ako nagulat.

"Meron bang problema, nak?" pag-aalalang tanong niya at tahimik lang akong napaupo sa kama ko, sinusubukang hindi ma-stress.

"Sabihin mo sa'kin yung problema mo?"

"It's always this issue tungkol don sa kapatid ni Mila, of course sa issue parin ng asawa niya! Nakakabwisit na eh!"

Pagmulat ko sa kanya ulit ng mga mata ko, bigla na lang nawala. Lagi na lang ganito kapag bigla siyang mawawala at makakausap ko siya ng saglit, pero kahit anong mangyari hindi ako madaling sumuko.


Mila's POV:

Sobrang nakakastress pagkatapos namin mag-away ni Marie, hindi ko alam na madalas na pala silang mag-usap ni Gino, hindi ko alam kung anong balak gawin ng lalaking yan, bakit hindi na niya pabayaan si Romina at wag ng humantong sa reklamo ang away. Mas maganda munang magpahinga kaysa kailangan kong magpadala sa stress.

Bumalik bigla si Marie at akala ko uuwi na siya sa bahay niya, hindi ko naiintindihan kung bakit kailangan niya pang atupagin ang reklamo tungkol kay Romina, hindi ko alam kung bakit kailangan pa nila ganyanin siya.

"Alam mo ba kung nasaan yon! Ate, hindi mo rin nasabi sa kanya na minsan ka ng pinahamak ng babaeng yan, tapos ngayon parang okay lang sayo na nagpapalandi ka sa kanya! Nakikipaglandian ka pa sa kapwa babae, nakakadiri ka!"

Sinampal ko siya ng malakas dahil nawawala na ang kanyang respeto hindi dahil ako ang ate pero na sabihan niya akong nakakadiri, yon ang nakakawalang respeto, ayokong basta na lang ako huhusgaan na hindi man lang inalam ang dahilan kung bakit.

"Bakit puro ka na lang nanghuhusga ha?! Mas naniniwala at masyado pa kayong naaawa sa asawa ko at hindi sa'kin! Nakakadiri pang magkasama kami ni Romina! Minsan siya nga tong nakakaiintindi, nakakahiya dahil ang sarili kong kapatid ang hindi marunong umintindi! Pero inaamin ko na nagkamali kami pero wag na wag mo kaming huhusgaan!"

Hindi ko na mapigilang umiiyak, pagdating dito...wala akong kakampi, meron sana pero madali nilang kampihan si Gino imbes na ako, mababait naman ang mga kapatid ko pero ang dali nilang humusga at madalas si Gino ang kinakampihan.

"Ano ba Marie, bakit ang dali niyo kasing kampihan si Gino pero okay lang sa inyo na husgaan ako ng ganito! Paano ko pa kayo mapapagmalaki na kapatid ko, kung ugali rin niyo naman ang nanghuhusga! Laging akala niyo na ako ang lumalandi o ano!"

"Iwan mo na yung Romina na yan!" sigaw ni Marie sa inis.

"Magpasalamat ka na dahil binibigyan pa kita ng pera at tinutulungan kita kasi ayokong nakikitang naghihirap ka kasama ang mga lima mong anak! Pasalamat ka dahil naisip ko pang tulungan ka!"

The teacher and the studentKde žijí příběhy. Začni objevovat