"Opo. Mag-aayos na nga ako. Ay, Ma..."

"Yes?!"

"Baka pala may kasama ako pauwi dyan."

"Ha? Yan na nga ba ang sinasabi ko... ilang buwan na ba?"

"Ma naman, 1 month pa lang po kahapon. Gusto ko na sanang ipakilala sa inyo."

"Anak ng pating! Hindi ka man lang ba gumamit ng protection anak?"

"Huh?! Anong protection sinasabi niyo dyan Ma?"

"Jusko naman Ricardo! Alam ko naman na gwapo ka at sa edad mo alam kong mapusok talaga kayo pero sana naman nagcondom—"

"Maaaaa! Hindi, hindi! Susmaryosep!"

"Anong hindi, hindi? Aba'y dapat ginagamit yun para safe! Haru jusko, magiging tatay na ang baby ko!"

"What?! No! Susmaryosep talaga! Hindi pa ako magiging tatay, Ma!"

"Ha?? Eh sabi mo isang buwan na?"

"Kami ng girlfriend ko, Ma. 1 month na kami simula nung sinagot niya ako. Gusto ko sanang isama dyan para makilala niyo. Yun ang tinutukoy ko."

"Haaay jusko po, salamat! Hindi mo naman kasi agad niliwanag, nak! Akala ko maaga ako magiging granny. Hindi pa ako prepared anak!"

"Walang ganun, Ma! Marami pa akong pangarap para sa atin. Tutuparin ko muna yun. But I want you to meet her na, Mama, if ever lang na pwede siya."

"Aba'y siya sige isama mo. Gusto ko rin makilala yang dahilan ng kasiyahan mo."

"Opo, Mama. Siya at kayo ni Ricci po talaga ang inspirasyon at kasiyahan ko. Sana wala siyang gagawin later para makasama siya at maipakilala ko na sa inyo. I'm sure you'll love her too."

"Kahit sino naman ang mahal mo, mahal ko na din anak! Basta napapasaya ka niya, masaya na din ako. O siya sige na at ipaghahanda ko kayo ng masarap na tanghalian dito. Mangungutang muna ako ng baboy at gulay kila Manang Fely."

"Thanks Mama! Pero kahit hindi naman masyadong madaming food ayos lang. Yung sapat lang para sa ating apat para hindi na lumaki ang utang niyo. Love you Mama!"

"Love you too! Mag-ingat kayo sa byahe ha? Text o tawagan mo ako pag malapit na kayo."

"Opo. Ingat din po kayo dyan. See you later, Mama!"

**************

Nicki wakes up with the constant ringing and vibration of her phone. With eyes still closed, she grunts as she tries to search for her phone under the duvet while her other hand remains under her pillow. And when she finally touches the offending gadget that woke her slumber, she immediately grabs it and takes it to her face. She peaks with one eye to swipe and answer the call.

Hey, babe!

Good morning baby! How's your sleep? Nakatulog ka ba ng maayos?

Yep, I did... until someone disrupted my sleep.

Huuuy! Sino ba yung nang-istorbo ng tulog mo at nanggising sayo? Siguro gwapo kaya gumising ka?

Hmmmm...pwede na rin, pero makulit...

Awww... Pwede na rin? Hindi gwapo?

Makulit nga.

Pero gwapo?

Cute!

Ano yun aso?

She chuckled.

KismetWhere stories live. Discover now