Pang labing-apat.

Start from the beginning
                                    

"Ready ka na?" Napalingon ako kay Anton na nasa tabi ko, paakyat na kami. Nauna iyong mga kaibigan ko dahil karamihan sa kanila ay props men, ayaw din kasi umarte ng mga iyon kaya ayon na lang ang pinili.

"Syempre naman. Ako pa ba?" Mayabang kong sagot at nginisian siya.

"Yabang." Sabay kaming napalingon ni Anton sa nagsalita pag-akyat namin. Si Off lang pala na hawak pa iyong ipapalit kong costume at ibang props.

Nakakunot lang ang noo niya kaya tinaasan ko siya ng kilay. "Alangan namang sabihin kong hindi, kawawa ang buong section natin. Kailangan ko rin i-boosten ang self confidence ko, 'no."

"Tss." Sagot niya na lamang at lumayo na sa amin. Problema no'n?

"Selos si hayop!" Humagalpak ng tawa si Anton kaya sinapak ko siya sa braso. Napangiwi naman siya.

"Napaka-ingay mo!"

"Sorry na, boss." Ngumisi na lang siya kaya umiling ako.

"Hala sige, pumunta ng stage iyong mga kasali sa first scene!" Sigaw ni Eliott na paikot-ikot na naman. Natawa naman ako ng mahina dahil talagang stressed na stressed na iyong itsura niya.

--_

"Success!" Sigaw ni Eliott habang naka-upo at pinupunasan ang pawis sa noo at leeg niya. Napangiti naman ako at napa-iling habang pababa ng stage.

"Ano ka, tumae?" Singit ni Rizza na umiinom ng tubig sa tabi niya. Inirapan na lang siya ni Eliott.

"Congraats!" Tumatakbong pumunta sa'min si Maxine. Magaling naman 'to umarte pero sa make-up na lang siya in-assign, siguro napagod din siya roon sa El Fili, si Paulita Gomez din kasi ang ginanap niya roon.

Yinakap ko naman siya pabalik. Binigay niya sa'kin ang panyo ko dahil may butil-butil na ako ng pawis na tumutulo galing sa noo ko. Ang init kasi ng suot ko tapos idagdag pa 'yung pagka-pawisin ko.

"Galing niyo ni Anton, ah. May chemistry!" Si Amarie naman na niyakap din ako. Ngumiti na lang ako tapos tumingin kay Anton na nasa likod ko. Nakipag-high five ako sa kanya.

"Pahanda naman diyan, Pres!" Sinundot ni Jana ang bewang ni Eliott kaya napasimangot siya. Natawa na lang kami nina Jana. Grabe siguro ang stress nito, ang init ng ulo e.

"Si Vice na lang, oh! Kotang-kota na kayo sa'kin!" Sigaw ni Eliott at nginuso si Addy na natatawa lang doon sa gilid. Umiling naman agad si Addy at tinaas ang dalawa niyang kamay, parang sumusuko.

"Wala akong pera!" Sigaw niya kaya natawa kami.

"Congrats." Napahawak ako sa dibdib ko at napapikit nang biglang magsalita si Off. Naka-halukipkip lang siya roon sa gilid at nakasandal sa pader. Madilim ang titig niya sa'kin at hindi na ako nagulat doon. May mga oras na sobrang pilyo niya at ingay, may mga oras naman na ang seryoso at ang dilim ng awra niya. Hindi ko alam dito. Hindi ko siya mabasa.

"Thanks." Malamig kong sagot at dumeretso na sa kung saan dumeretso sina Jana. Narinig ko pa ang buntong-hininga niya at ang mga yapak ni Anton papunta sa kanya.

Bumaba na kaming lahat, nangunguna kami nina Jana. Sumalampak agad ako sa upuan ko at uminom ng tubig. Kahit ilang beses akong uminom ng tubig kanina, feeling ko hindi iyon sapat. Tuyong-tuyo iyong lalamunan ko.

"Galing." Nakangiting sambit ni Bianca at pumalakpak pa sa harap ko. Ngumiti na lang ako sa kanya.

"Tara, kain!" Yaya ni Amarie na nakatayo na sa harapan ko.

"Monday na monday, nagyayaya ka ng gala?" Tumawa ako at umiling.

"Bakit hindi? Ganito naman tayo pagtapos ng mga performance, ah!" Tanggi niya naman. Totoo naman iyon, pagtapos kasi ng El Fili at cheerdance kumain kami sa mall malapit sa school namin. Iyong cheerdance namin ay kaparehong week ng defense namin, last week of February. 1st week of March naman iyong huling periodical test namin, at 2nd week of March ang El Fili namin. 3rd week na ngayon at last week na namin ang next week, tapos isang linggo sa April para sa practice na lamang ng moving-up. Hindi na rin counted ang attendance sa week na iyon dahil sa friday ng linggong iyon ang moving-up namin.

"Oh ano, tara?" Si Eliott na kararating lamang sa puwesto namin. Tumingin ako sa relo ko at nakitang malapit na nga iyong uwian.

"Jana, bihis na tayo!" Kinuha ko iyong paperbag ko na mayroong uniform ko. Tumango naman agad siya sa'kin kaya lumabas na kami. Pinagtitinginan pa nga kami sa cr dahil sa mahabang gown namin. Hindi na naninibago ang grade 9 doon, pero siguro ang grade 8 ay medyo nabigla pa.

--_

"Juliet ka pala, e." Napalingon ako sa nagsalita at nakitang si Zemirah lang pala iyon. Nasa waiting shed kasi kami at hinihintay na lang namin makababa sina Eliott.

"Tseh!" Tumawa ako kaya ganoon din siya. Niyakap ko siya kaya sinapak niya ako sa braso, napabitaw tuloy ako. Napangiwi ako at hinimas iyon.

"Ito naman! Namiss lang kita, eh!" Ngumuso ako habang hawak pa rin ang braso ko. Tumawa naman siya.

"Para namang hindi tayo nagkikita, asus!"

"Tseh. Miss pa rin kita." Sabi ko at ngumiti na lang siya habang naiiling.

Namataan ko naman ang paglabas nina Eliott sa pinto ng building namin kaya tumakbo na ako papunta roon.

"Babye, ingat!" Sabi ni Zem habang kumakaway, ganoon na rin ako sa kanya.

Lumabas na kami ng gate at napalingon ako bigla dahil may naaninag akong nakasandal sa poste roon.

"Ingat, Liz." Ani ng isang seryosong boses sa likod ko. Naka-krus ang mga braso niya at naka-sandal sa poste sa gate, ang isang paa'y nakaderetso at ang isa ay naka-sandal din doon. Tinaasan ko siya ng kilay pero kumaway na lang din ako sa kanya at ngumiti. Nakita ko naman ang pag-ngisi niya. Hindi ko talaga 'to maintindihan. Ang seryo-seryoso niya tapos ay biglang magiging pilyo ang itsura niya bigla.

Bakit parang ang laking misteryo mo sa'kin, Off? Hindi kita mabasa.

Saving the Fallen Constellation (Athánati series #1)Where stories live. Discover now