Chapter 4

192 13 3
                                    

Samantha Annika's Point of view...

Nagising ako ng nakaramdam ako ng lamig. Bumangon ako at saka hinina-an yung aircon. Kailan pa bukas yung aircon? Napatingin ako sa salamin. Ayst, ang pangit ko na.

"Ayoko ng umiyak ang pangit-pangit ko na." Inis kong sabi.

"M-move on Samantha! Move on." Sabi ko sa sarili ko habang pinipilit kong huwag umiyak.

"A-ano ba yan s-sabi ko ayoko ng u-umiyak ehh." Pinilit kong ikalma ang sarili ko. Tumingin ako sa orasan, 2:23 am na pala. Binuksan ko yung ref sa kwarto pero wala na palang tubig kaya no choice ako kundi ang bumaba sa kusina. Nang makababa ako ay napansin kong parang ang liwanag naman 2:23 palang ah at bakit parang wala yung mga maids. Tanga lang Samantha malamang tulog na anong oras na kaya. Hindi na ako nag bukas ng ilaw kasi medyo maliwanag naman. Pag pasok ko sa kusina may nakasalubong akong lalaki. Sa gulat ko.

"AAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!"

"SINO KA??!!!"

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!"

Napa-hinto kami pareho. Oo pareho kasi Sabay naming sinabi pareho yon. Pero ilang saglit lang

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!" Kami ulit yan. Huminto kami ulit. Sisigaw sana ko ulit kaya lang tinakpan niya na yung bibig ko.

"Huwag ka ngang ma-ingay. Tulog na ang mga tao. " Iritang sabi niya. Pinilit ko namang makawala sa kanya at saka ko siya hinapas ng hinampas.

"A-ray. Miss a-aw sin-aw sino ka- aray ba- aray naman!" Sabi niya sabay hawak ng mahigpit sa dalawa kong kamay.

"Ikaw sino ka? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya. Natigilan siya habang hawak parin niya ng mahigpit ang mga kamay ko pero ilang saglit lang ay dahan dahan niyang niluwagan ang mga ito pero hindi pa rin niya pinibitawan.

"Sam?" Napa-kunot noo ako. Kilala niya ko? Tiningnan ko siya ng mabuti at nanlaki ang mga mata ko ng mapag tanto ko kung sino siya.

"CJ?" Pag kasabi ko non ay binitawan niya na yung kamay ko.

"Ikaw nga? Bakit nandito ka? Pano kang nakarating dito?" Tanong niya. Huminga ako ng malalim.

"Ikaw bakit ngayon ka lang inu-umaga ka ah." Natigilan siya at saka nag iwas ng tingin.

"Anong ngayon lang. Kanina pa kaya ako dito."

"Lolokohin mo pa ko tingnan mo na yang suot mo." Naka panlakad pa kasi siya halatang kadarating lang.

"Teka nga sagutin mo yung tanong ko panong nandito ka?" Huminga ulit ako ng malalim bago siya sagutin.

"Diba sabi mo kung kailangan ko ng tulong or ano pa man tawagan lang kita. Tinawagan kita, pero si KD ang sumagot sakto naman na nasa Manila siya kaya napuntahan niya ko agad." Sabi ko napangiti naman siya ng malawak. Mejo nahiya nga lang ako at na delay flight niya dahil sakin.

"Talaga tinawagan mo ko?" Masayang tanong niya. Napakunot noo ako.

"Oo nga."

"Anong tulong ba ang kailangan mo?"

"Pansamantalang matutuluyan. Umalis ako sa amin eh." Sabi ko mag tatanong pa sana siya pero hindi na niya nai-tuloy.

"Anong ginagawa niyo at ano ang narinig kong sumigaw?" Napatingin kami pareho sa kanya.

"Nagulat kasi ako sa mukhang multo na to kuya. " Nakangiting sabi nung CJ habang nakaturo sakin. ABA! AKO MUKHANG MULTO!!

"Anong mukhang multo? Ang ganda ko namang multo at para sabihin ko sayo, ikaw itong bigla nalang sumusulpot na parang multo." Inis kong sabi.

Life After Heartbreak (The Start Of The New Beginning)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora