Chapter 8

122 8 0
                                    

Samantha Annika's point of view...

Nasan na ba si Sab. Lumingon-lingon ako sa paligid. Wala talaga. Kainis naman ang hirap ng wala kang alam sa lugar, oo nga at dalawang beses na kong nakapunta dito pero hindi ko naman natandaan. Nasa mall kasi kami ni Sab, naisipan lang naman namin ni Sab na mamasyal kasi ang boring sa bahay.

Oo nga pala after namin magpunta sa resthouse, I decided na kay Sab na mag stay kasi nakakahiya naman kila KD. They were hesitant at the beginning, especially KD since he's worried that Sab might treat me badly again. But I insisted, and I assured him that Sab and I were okay now.

"Miss?" Napatingin ako sa lalaki.

"Ano po yon?"

"Wala." Sabi niya. Aalis na sana siya ng pigilan ko siya.

"Sandali lang."

"Ano po yon?" Napataas ako ng kilay. Ako ba niloloko ng lalaking to. Ginaya kasi yung pagkakasabi ko kanina pati yung tono, kainis.

"Wala." Sabi ko at saka iniwan siya.

"Miss, joke lang, sorry na." Sabi niya. Napatingin ako sa kamay niya na nakahawak sa braso ko. Napansin niya naman na nakatingin ako doon kaya tinanggal niya yung kamay niya.

"Sorry na, Miss. Napansin ko lang kasi na parang nawawala ka, baka kailangan mo lang kasi ng tulong."

"Nangi-inis kaba?"

"Oo– ay hindi. Sorry na." Nakangiti lang siya.

"Hindi mo naman talaga kailangan mag sorry. Ang sakin lang dapat hindi mo pinagtitripan yung mga taong hindi sanay sa ugali mo." Nawala yung mga ngiti niya.

"Siguro nga tama ka. Sorry ha." Napatigil ako at saka napa-tingin sa kanya. Did I just...

"I'm sorry."

"For what?"

"Ahh, nothing, I just want to say sorry." Ngumiti siya kaya nakahinga naman ako ng maluwag.

"Kailangan mo ng tulong?" Tanong niya. Obviously gusto ko pa sana siyang barahin kaya lang nakakahiya naman baka kainin ko agad yung sinabi ko sa kanya.

"Ah, yung kasama ko kasi sabi niya mag c-CR lang daw siya, sabi ko susunod nalang ako pero hindi ko naman makita yung CR." Sabi ko.

"Tara." Sabi niya at saka ako hinila. Ahh... A-angal sana ko kasi naman nakahawak siya sa kamay ko. Nako naman.

"Nandito na tayo." Sabi niya.

"Ahh– eh salamat." Alangan kong sabi.

"Sige una na ko."

"Sige." Sabi ko pero hindi pa rin siya uma-alis.

"Ahh. Yung kamay ko, hehe." Sabi ko, agad naman niyang binitawan at saka ngumiti at napahawak sa batok niya. Aalis na sana siya ng bigla siya ulit humarap sakin.

"Pwede ko ba malaman ang pangalan mo?" Eh?

"Annika. Annika ang pangalan ko." Sabi ko.

"Nice to meet you, Annika. Ace at your service." Sabi niya sabay salute.

"Nice to meet you too, Ace." Sabi ko.

"See you around Annika." Sabi niya at saka umalis.

"Sam!"

"Ay syet– ano ba Sab nang gu-gulat ka naman eh."

"Sorry sis, saan kaba kasi nag pupupunta sabi mo susunod ka, kanina pa kita hinahanap."

Life After Heartbreak (The Start Of The New Beginning)Where stories live. Discover now