Chapter 11

120 9 0
                                    

Kenzie's point of view...

"What's your f-cking problem Ace?" Iritang tanong ko habang siya ay tumatalon talon sa kama ko at ako naman ay nakahiga. Ginising lang naman niya ko.

"Aren't you going to school?" Tanong niya.

"I'm not going to that f-cking school now."

"Inom ka kasi ng inom eh, ayan nagka hang-over ka tuloy." Sabi niya.

"Pakialam mo ba."

"Ang sungit mo. Sige dyan ka na nga pupunta na kong school, na-late pa tuloy ako." Sabi niya. Aba at ako pa ang sinisi. Badtrip yon ahh.

Pag alis niya ay bumangon na din ako at saka gumayak. Ang totoo niyan hindi naman ako masyadong nalasing kagabi, at papasok naman talaga ko, ayoko lang kasabay si Ace, baka kung ano nanamang pang a-asar ang gawin non.

Bumaba na ako sa at saka ko nakita si Mommy sa living room.

"Oh, papasok ka? Sabi ni Ace hindi ka daw papasok." Sabi niya.

"Wag po kayong naniniwala don." Nakangiting sabi ko. "Papasok na po ako Mom, bye." Sabi ko sabayhalik sa pisngi niya.

"Take care, sweetie." Sabi niya.

Nang makarating ako sa school ay agad akong bumaba sa kotse ko. Pag pasok ko nakita ko pa si Ace na naglalakad papuntang music room kaya sa field nalang ako pumunta. Naupo ako sa isang bench at saka pinanood ang mga nag so-soccer.

"Kumusta bro, kumusta yung babae?" Rinig kong sabi ng isang player, napatingin ako sa kanila at nakita ko siya. Napakamot siya sa batok niya.

"Galit na galit, nakakatakot naman yong babaeng yon." Sabi niya at saka nag tawanan ang mga kasama niya.

Wala sa sariling tumayo ako at lumapit sa kanila.

"Bambam." Nakangiting lumingon siya, at nang makita niya ako ay biglang nawala ang mga ngiti niya.

"Kenzie?"

"Kumusta, Bambam?" Tanong ko. Tiningnan niya lang ako.

"Bro, kumusta daw, natulala ka naman na." Sabi ng mga team mates niya.

"Ayos lang, ikaw Kenzie kumusta?"

"Ayos naman. Ahmm... Ano kasi..."

"Hindi ko pa siya nakikita ngayon Kenzie, sorry." Sabi niya at saka ako tinalikuran. Napabugtong hininga ako at saka ko siya sinundan.

"Bambam." Tawag ko sa kanya, napahinto naman siya at humarap sakin.

"Why are you here Kenzie? Why now?" Sabi niya.

"Bakit Bambam, hindi ba ako pweding bumalik at bakit kaba nagagalit sakin wala ka namang karapatan para sabihin yan."

"Kenzie, look kilala mo ako, ayoko na nasasaktan at nahihirapan ang mga kaibigan ko. Alam mo yan." Galit na sabi niya. Natigilan ako.

"Sorry."

"Kenzie, bakit ka ba kasi umalis, tapos bigla-bigla ka nalang babalik. Tapos ngayon pa."

"Bawal ba?" Nagbuntong hininga siya at saka ako iniwan.

Dapat siguro hindi nalang ako pumasok. Naglakad-lakad nalang ako sa boong school, namiss ko din ang school na 'to. Dito ko siya nakilala, dito ako nag aral mula grades school until that day.

Naglalakad ako nang may nakabungguan ako.

"Sorry, Miss." Sabi niya at saka tinulungan akong tumayo.

Life After Heartbreak (The Start Of The New Beginning)Where stories live. Discover now