Chapter 7

133 9 0
                                    

Seth Adrian's point of view...

Nandito ako sa tapat ng Kei University, aayusin ko kasi yung mga kailangan para makapasok na ko next school year. Maaga pa pero mas mainam na din to. Kailangan ko ding tulungan ang sarili ko. Napa buntong hininga ako at saka lumabas na sa kotse ko. May nakikita akong mangilan-ngilan na sa tansa ko ay mga estudyante din.

"Look at him."

"He's cute."

"Totally HOT!!"

"Dito ba siya mag-aaral?"

"Sana."

"Teka girl type mo?"

"Oo. Teka, ikaw din?"

Napangisi nalang ako, paano nila nagagawang magbulungan ng ganong kalakas, tss.

"Excuse me, saan ang registrar office?" Napalingon ako sa nag salita. Hindi ko din alam kung bakit ako napalingon siguro dahil hinahanap ko din ang registrar office.

"Doon..." Sabi nung pinagtanungan niya at saka tinuro ang direksyon kung saan nandoon ang registrar.

"Salamat po." Sabi nung babae at saka ngumiti doon sa lalaki. Napakunot ang noo ko.

"She looks familiar." Mahinang sabi ko. Parang kilala ko siya. Saan ko na--

"Who?" Napalingon ako. Nang makita ko siya ay napapikit ako ng madiin.

"Anong ginagawa mo dito?" Tinaasan niya naman ako ng kilay.

"I told you. Kung saan ka doon din ako." Masiglang sabi niya. Tinalikuran ko nalang siya, aalis na sana ako ng pigilan niya ako. Tiningnan ko lang soya sandali at saka naglalakad palayo.

Ayoko sanang tratuhin siya ng ganito but I need to. Ayokong i-take advantage kung ano man ang nararamdaman niya. Hindi niya kailangan sayangin ang oras niya sakin.

"Oy teka naman. Iiwan mo ko ganon?" Naka-pout niyang sabi habang nakahawak sa braso ko. Inalis ko naman yung pag kakahawak niya sakin.

"May dahilan ba para hindi kita iwanan?" Kunot noong sabi ko. Inirapan niya naman ako at saka padabog na umalis papalayo sakin. Napa-iling nalang ako. Baliw. Napa buntong hininga nalang ako. Nawala tuloy yung babae, susundan ko sana siya para makapunta na din ako sa registrar office sa kaya lang naharang naman ako na Marie.

"I'm going to like you, Seth. I promise." Napa-iling ako. What was that? Bakit naalala ko yun?

Naglalakad lang ako habang hinahanap yung registrar office, wala akong balak mag tanong dahil wala naman akong balak mag salita. Napansin ko na kanina pa ko pinag titinginan ng mga babae, nakakainis man pero hindi ko nalang sila pinansin, napatingin ako sa isang babae na nakatingin sakin habang nakangiti at saka pa siya kumaway. Hindi ko nalang siya pinansin at saka nag lakad nang may biglang bumunggo sakin.

Lalong nag-init ang ulo ko. Kanina pako ikot ng ikot sa school na'to tapos hindi pa nag-iingat mga tao dito, mamamatay ako sa kunsumi sa school na'to.

"Nako, sorry po." Sabi niya habang pinupulot ang mga gamit niya. Napa buntong hininga nalang ako at saka tinulungan siyang puluting yung mga gamit niya.

"Nako, sorry talaga kuya, hindi ko sinasadya nagmamadali lang kasi talaga ako, salamat pala sa pagtulong dito." Sabi niya pag katapos pulutin ng mga gamit niya at saka in-angat ng konti ang gamit niya para magpasalamat. Tumango lang ako. Nagkibit balikat lang siya.

"Alis na ko. Sorry talaga." Sabi niya ulit habang nakaturo sa daan. Tumango lang ulit ako at siya naman ay umalis na. Napa-buntong hininga nalang ulit ako. Dapat bang hindi ako nag-salita? Napkamot nalang ako sa batok ko.

Life After Heartbreak (The Start Of The New Beginning)Where stories live. Discover now