Chapter 1

412 18 1
                                    

Seth Adrian's Point of view...

"Seth tingnan mo oh , ang ganda." Sabi ni Sam habang tinuturo ang mga bituin sa kalangitan.

"Mas maganda ka dyan." Nakangiting sabi ko. Natawa siya ng bahagya.

"Bulero." Sabi niya sabay palo ng mahina sa braso ko. Lumapit ako sa kanya at saka ko siya in-akbay-an.

"Totoo naman eh." Sabi ko. Ngumiti siya at saka ako niyakap.

"Mahal na mahal kita Seth." Sabi niya habang mahigpit na nakayakap pa din sakin.

"Mahal na mahal din kita Sam." Sabi ko.

"Seth a-alis lang ako ha? Wag kang mag alala babalik ako kapag ayos na ang lahat. Kapag okay na ko, kapag okay na tayo." Nakangiting sabi niya at saka siya unti-unting nawala.

Nanatali lang akong naka-upo at nakapikit. Wala akong paki alam kung basang-basa na ako ng ulan.

Makalipas ang ilang minuto ay unti-unti kong binuksan ang mga mata ko. Pag tingin ko sa gilid ko. Wala na siya. Tanging ang mga gamit niya na lang ang nandoon. Hindi ko na napigilan ang patuloy na pagtulo ng mga luha ko.

"Seth a-alis lang ako ha? Wag kang mag alala babalik ako kapag ayos na ang lahat. Kapag okay na ko, kapag okay na tayo." Nakahinga ako ng malalim at saka tumayo at kinuha ang mga gamit ni Sam, hindi pa naman siguro siya nakakalayo.

Hinanap ko siya kung saan-saan pero hindi ko siya makita, tatawid sana ko ng may nakita akong phone sa isang waiting shed, nilapitan ko at saka ito kinuha at tama nga ako kay Sam 'to. Her private phone. Binuksan ko ito at nakita ko na nakasulat sa note niya.

'Seth, don't look for me. Aalis muna ako, babalik ako kapag okay na ang lahat. Sana maging masaya ka.'

"She left." Mahinang sabi ko sabay ngiti ng mapait.

Na-isip ko na bumalik na lang sa restaurant kung nasaan sila mommy. Nang makabalik na ako sa restaurant ay nakita kong si Mommy na mag-isa habang umiiyak.

"Mom?" Nang makita niya ako ay mas lalo siyang umiyak. Nilapitan ko siya at saka niyakap.

"Seth anak s-sorry... Hindi ko naman... Sinasadya... Hindi ko naman alam na si... S-sam--"

"Shhh~ tahan na Mom. Okay lang. Wala kang kasalanan." Sabi ko habang kino-comport ko siya pinigilan kong maging mahina sa harap niya. Ayokong makita niya akong mahina. Ayokong mas lalo niya lang sisisihin ang sarili niya. Hindi rin naman nag tagal ay dumating na ang Daddy ni Sam.

"Ano... Nakita...M-mo ba s-siya?" Nag-aalala na tanong ni Mommy sa Daddy ni Sam. Umiling lang siya. Tulala siya na parang wala sa sarili.

"Umalis siya. Sabi niya gusto niya daw muna lumayo. Babalik daw siya kapag maayos na ang lahat." Walang ganang sabi ko. Napatingin sila sakin. Si Mommy umiiyak parin, yung Daddy naman ni Sam halatang nag pipigil na ng iyak. Napangiti ako ng mapait.

"She left. my sister left. Take care of my mom." Sabi ko sabay kuha ng mga gamit ni Sam na binaba ko kanina at saka iniwan silang umiiyak. Nag lakad ako papuntang parking lot. Ayokong umuwi sa bahay. Good thing hindi alam ni mommy kung saan ang apartment namin ni Seb. Gusto ko munang lumayo. Pero gaya ng sabi ni Sam hindi ko i-iwan si Mommy at ang Daddy niya.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Sobrang mahal ko siya. Bakit kailangang sa amin pa mangyari ang lahat ng 'to.

Life After Heartbreak (The Start Of The New Beginning)Where stories live. Discover now