Suntok sa hangin
Kung iminulat mo lang sana ang iyong mga mata
Makikita mo ang taong ipinaglaban ka
Makikita mo akong nakatayo sa harapan mo
May mga bakas ng pilat galing sa mga sugat na natamo
Mga sugat na galing sa taong ipinaglaban ko ng buong-buo
Napaisip lang ako ng biglaan pero hindi ako sumuko sa digmaan
Wala naman kasi itong patutunguhan
Uuwi na naman akong sugatan at luhaanPara lang kasi akong sumusuntok sa hangin
Ipinaglalaban ang taong kailanma'y hindi magiging akin-PINKEYT
----
Help me guys, nawawalan na ako ng inspirasyon. Di ko na kasi crush yung crush ko :)Pero malapit na yung pasukan, hahanap ako ng magiging crush ko. Hahahaha
-pinkeyt
![](https://img.wattpad.com/cover/182266321-288-k882809.jpg)
YOU ARE READING
Mga Tula sa Tala
PoetryTula na isinulat sa mga tala Sa madilim na gabi titingala Mamamasdan ang mga salita Salitang pupunas sa mga luha. yay!