'Wag ka nang bumalik
Matapos mo akong iwan sa ilalim ng malakas na ulan
Matapos mo akong ipagtabuyan
Matapos mo akong iniwang lumuluha sa gitna ng madilim na daan
Matapos mong tapusin ang matagal nating pinagsamahan.Tapos ngayon babalik ka?
Bakit ngayon pa?
Matapos kong labanan ang lamig sa ilalim ng ulan
Matapos kong lumayo sayo ng labag sa kalooban
Matapos tuyuin ang luha at pinilit na magkalad sa gitna ng madilim na daan
Matapos kong kalimutan ang nakaraan.Tapos ngayon babalik ka?
'Wag ka nang bumalik.
Hindi kita kailangan.
-PINKEYT
YOU ARE READING
Mga Tula sa Tala
PoetryTula na isinulat sa mga tala Sa madilim na gabi titingala Mamamasdan ang mga salita Salitang pupunas sa mga luha. yay!